Chapter 5

17.4K 520 37
                                    


MARGARITA

MASAMA pa rin ang timpla ng mukha ni Aqua, siyempre pati mood niya masama pa rin. Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko sa palad ay hindi na niya ako kinibo.

"Are you mad?" tanong ko dito. "Okay, sorry for hurting your woman!"

"Do you think I'm mad because of that!?" Halos pasigaw na tanong nito. "I'm mad because you always involved yourself into trouble because of me!"

"Anong magagawa ko? Inaakit ka niya!" Napatayo ako. "Hindi ko matagalan na may kausap kang ibang babae, lalong lalo na kapag inaakit kana tapos nagugustuhan mo pa! Naiinis ako!"

"Stop acting like you're my girlfriend" Tumayo din ito. "You're just nothing and you don't care if other women seduced me!"

Natahimik ako sa sinabi nito. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko, habang nangangapa ng sasabihin.

I'm just nothing. It's just a simple word, but It hurts me so much.

"So, what if I'm just nothing to you? Ayoko pa ring may umaaligid sa'yo," I said coldly. "Una pa lang, sinabihan na kita, akin ka. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, akin ka."

Ginulo nito ang buhok niya. "You know what? Stop this nonsense of yours. Wala kang karapatan sa akin, Margarita."

"This is nonsense, Aqua. At kasalanan mo kung bakit ako nagkakaganito sa'yo." Dinampot ko ang bag ko. "I'll be back later."

Hindi kona siya hinintay magsalita. Lumabas ako ng bar at agad dumiretso sa kotse ko.

Akmang paaandarin kona ang kotse ko pero napahinto ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan ang nag text.

Kusang umusli ang masayang ngiti sa aking labi nang mabasa ko ang text.

[Sorry for raising my voice at you. I'm not mad, I'm just worried. It's me, Aqua.]

[Sorry din.]

Mabilis akong bumaba ng kotse ko at tumakbo pabalik sa bar. Dumiretso ako sa office ni Aqua.

Mainit na yakap agad ang isinalubong sa akin nito. Napapikit naman ako at dinama ang matikas niyang katawan.

"Hindi mo rin pala ako matiis." Humiwalay ako sa yakap. "You make me feel special, Aqua babe. Just like rebisco."

"Tsk." Umirap ito. "I thought you will go home now?"

"Mamaya na lang, sinuyo mo ako eh," nakangising sabi ko. "So? Nasaan na ulit tayo?"

"Just sitdown and shut your mouth. Tatapusin ko ang trabaho ko at kakain tayo sa labas," sabi nito.

"My Aqua babe, asked me for a date." Naupo ako sa sofa. "Go, finish your work. I'm excited for our date."

"It's not a date, peace offering ko lang yun," masungit na sabi nito.

"Ganoon na din yun," sabi ko.

"Shut your mouth, Margarita," sabi nito at naupo sa swivel chair niya

Tumango naman ako. Nagpatuloy na ito sa pagpirma niya sa kung ano anong papeles. Nakapangalumbabang nakatitig lamang ako sa kaniya habang nakangiti.

I'm willing to accept all pain just to be with him, handa akong sumalo ng masasakit na salita galing sa kaniya at sa ibang tao. Call me crazy, but I don't care. Lagi kong pipiliin si Aqua.

Obsessed Margarita [COMPLETED]Where stories live. Discover now