Chapter 25

15.8K 415 18
                                    


MARGARITA

  "ANONG I want to taste every part of your body? Gusto mo, tanggalin ko laman loob mo, tapos ibenta ko?" tanong ko dito. "Dapat sa dila mo, ginagawamg dinuguan eh."

Napangiwi ito sa sinabi ko. "Are you part of cannibal?"

"Hindi, pero parang gusto ko. Tapos ikaw yung unang biktima ko," nakangising sambit ko sa kaniya.

"Ang hirap mong lambingin." Napailing iling ito.

Nang makarating sa MCDO ay agad pumarada si Aqua. Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa loob. Hawak namin sa magkabilang kamay yung dalawang bata.

"Two kiddie meal and two large fries." Binalingan ako nito ng tingin. "What's yours, babe?"

"Spaghetti with chicken na lang," sagot ko.

Gusto ko itong tarayan dahil sa pagtawag niya nang babe, ang kaso ay baka mapahiya.

Nang matapos umorder ay hinintay lang namin sa gilid. Nang maibigay na yun ay naghanap na kami ng upuan at naupo.

Binuksan ko muna yung kiddie meal nung dalawang bata. Tuwang tuwa sila sa nakuhang laruan na Thor.

Sinusubuan ko si Garnet habang naglalaro nung Thor, si Margareth din ay pasimple kong sinusubuan.

"Babe, Ah." Tinaasan ko ng isang kilay si Aqua, na nakanganga.

"May kamay ka," nakangiting sabi ko dito. "Wala ka ring deperensiya at hindi ka bata, kaya kaya mona ang sarili mo."

Napanguso ito at napasimangot. "You're so unfair now!"

Hindi kona ito pinansin. Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik na kami sa sasakyan.

"Tita, can we stay sa house mo?" tanong ni Margareth. "I want to play with Garnet po,"

"Pwede naman," sagot ko. "Tanungin mo muna ang Daddy mo."

"I forgot to tell." Napatingin ako kay Aqua. "Iiwan ko muna pala saglit sa'yo si Margareth. Nag text kasi si Dad, may importanteng meeting daw kami."

Napatango ako. "Sure."

Nang makarating sa bahay ay bumaba na kami ng sasakyan. Si Aqua naman ay agad pinaandar yung kotse niya paalis. Mukhang importante talaga yung lakad niya.

Inaya ko yung dalawang bata na umakyat nang kuwarto. Pareho ko silang pinalitan ng damit. Kasya naman yung damit ni Garnet kay Margareth kaya yun na lang yung pinasuot ko.

"Always kayo pong tabi natutulog?" Tanong ni Margareth.

"Oo." Si Garnet ang sumagot. "Always kaming tabi natutulog ni Mommy."

"Kami rin ni Daddy ko," sabi nito. "Kaso minsan, si Yaya ang katabi ko. Minsan kasi hindi umuuwi si Daddy, kasi busy siya sa work."

"Bakit wala kang Mommy pala?" Tanong dito ni Garnet. "Diba kailangan ng Mommy para maipanganak ka?"

Nagkibit balikat si Margareth. "Hindi ko alam kung nasaan si Mommy ko eh. Pero sabi ni Daddy, babalik si Mommy kapag gumaling na siya... Eh, ikaw? Bakit wala kang Daddy? 'Diba kailangan ng Daddy para mabuo ka?"

'Jusmiyong dalawang ito. Bakit alam na nila yung tungkol sa mga bagay na yun?'

"Hindi namin kilala ni Mommy yung Daddy ko," sagot dito ni Garnet. "May sakit kasi si Mommy. Yung parang ulyanin."

"Amnesia yun, Anak. Amnesia."

Maka-ulyanin naman.

"Ganoon na din po yun, parehas pong nakakalimot." Sabi nito.

Obsessed Margarita [COMPLETED]Where stories live. Discover now