Chapter 28

14K 371 10
                                    


AQUA

    ANG tagal ko siyang hinintay. At ngayong nakabalik naman siya ay hindi na niya ako kilala at parang isang stranger na lang ako para sa kaniya.

At ang pinakamasakit na part doon, ay kambal pala ang Anak namin. Pinalabas lang ng mga magulang ni Margarita na isa lang.

"Bakit hindi niyo sinabing kambal?" Malamig na tanong ko sa kanila. "I-I can't take care of them. Ginawa niyo lang ho akong tanga."

"Hindi naman sa ganoon, Aqua. Sinadya naming iiwan sa amin yung isa, dahil gusto naming may matira para kay Margarita." Tugon ng Mommy ni Margarita. "May amnesia siya at gusto naming kasama ni Margarita ang isa sa mga Anak niya, para sa bagong memory na bubuuin niya."

"Papayag naman ho ako." Natawa ako nang pagak. "Hindi naman ho ako selfish, dapat ho ay sinabi niyo man lang sa'kin."

"Patawarin mo kami." Sabi ng Daddy ni Margarita.

"Hindi ho ganoon kadali yun." Seryosong sabi ko. "Gusto ko hong mabuo ang Pamilya ko. Gusto ko ho sanang makapiling ang isa ko pang Anak at si Margarita. Sana ho ay pumayag kayo."

"Siyempre naman, gusto rin namin na magkaroon ng sariling pamilya si Margarita. Alam naming mapapasaya mo siya, kaya sa'yo na namin inihahabilin ang Anak namin."

Tipid lang akong ngumiti bilang tugon.

Sisiguraduhin kong bubuuin ko ang Pamilya namin. Kahit maghabol pa ako kay Margarita.

******

A/N: FLASHBACK POV NAMAN ITO NI MARGARITA. KUNG SAAN, IPINAGBUBUNTIS NIYA YUNG KAMBAL WHILE MAY CANCER SIYA.

MARGARITA

    HINDI ako makapaniwalang may dalawang supling sa aking tiyan. Masaya ako, pero may takot at lungkot din akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung magiging maayos sila kapag nilabas ko sila, ganoong mahina na ang aking katawan. Hindi ko rin alam kung makakasama ko ba sila, ganoong hindi ko alam kung magtatagal pa ako sa mundo.

Napapikit na lamang ako nang muling kumirot ang ulo ko. Hindi ako makainom ng mga gamot ko dahil makakaapekto sa mga batang nasa loob ko. Kaya lalong lumalala ang kalagayan ko at lalong lumalala ang sakit na nararamdaman ko.

Dumilat ako at tumingin sa malaking salamin na nasa aking harapan. Wala na akong buhok. May oxygen ako sa ilong at sobrang payat kona. Malaking  na din ang tiyan ko kaya nakaupo na lamang ako sa wheel chair.

Noong nalaman kong buntis ako ay sobra akong na-depressed mabuti na lamang ay nalabanan ko, sa tulong na din nila Mommy. Iniisip ko kasi kung kaya ko ba? O kung kakayanin ba ng katawan ko.

Hindi bale ng ako ang mawala, wag lang ang dalawnag sulping na nasa tiyan ko.

"Margarita." Mula sa salamin ay nakita ko ang pagbukas nang pinto. Iniluwal non si Mom. "Kumain kana ba?"

Nanghihinang tumango ako. "Tapos na po."

Ngumiti si Mommy at lumapit sa'kin. Niyakap ako nito. "Lalaban ka naman diba? Hindi ka naman agad sasama sa Ate mo, diba?"

Kita ko ang pagbagsak ng mga luha nito. Ramdam kong babagsak na din ang luha ko, pero pinigilan ko lang.

"Hindi po, promise." Nginitian ko siya mula sa salamin. "Magpapakasal pa kami ni Aqua. Mabubuo pa yung Pamilya namin kasama yung kambal."

"Sabihin mona rin kaya sa kaniya ang kalagayan mo?" Sabi nito. "Anak, ramdam kong mahal ka nung tao. Tumawag nga din sa'kin yung mga body guard sa bahay. Hinahanap ka daw niya."

Umiling ako. "Ayoko po. Pero Mom, kung sakali mang mag agaw buhay ako. Pwede po bang ibigay mo yung isang kambal kay Aqua? Pero wag mong sasabihin sa kaniya ang kalagayan ko."

Tumango lang ito bago ako halikan sa ulo. "Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo."

"Mahal ko din po kayo." Tugon ko. "Mahal ko din si Aqua, pati ang mga brief ni Aqua."

Natawa ito bago ako halikan sa noo.

   LUMIPAS ang mga buwan at lalong lumala ang aking kondisyon. Nararamdaman kona din ang pananakit ng aking tiyan at ang pananakit ng ulo ko.

"Hindi kona kaya." Nanghihinang inilingan ko si Mom. "Mom, a-ayoko na."

"Please, lumaban ka." Umiiyak na hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Anak, hindi kakayanin pa ni Mommy eh."

"I'll try." Naramdaman ko ang unti unting pagpikit ng mga mata ko. "A-Aqua."

Unti unti na akong nilamon ng dilim. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nang magising ako ay hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi ko din alam kung nasaan ako at hindi ko alam kung sino ako.

May nagpakilala sa aking dalawang mag asawang may katandaan na. They said, Mommy at Daddy ko sila. Agad naman akong naniwala dahil kamukha ko yung babae.

Pero nag doubt ako nang ipakilala nila ang isang batang lalaki sa'kin na tatlong taong gulang. Anak ko daw ito. Although may konting resemblance kami pero may doubt pa rin ako.

Hindi ako makapaniwalang hindi na ako Virgin. Hindi sinasabi sa'kin ng nga magulang ko 'daw' kung sino ang Ama nito. Tinanong ko din itong batang nagngangalang Garnet, pero hindi niya din daw kilala.

"Hindi mo talaga Daddy mo?" Tanong ko dito.

Umiling ito at inabot sa'kin ang isang slice ng apple. "Hindi po."

Tumango lang ako at kinain yung apple na ibinigay niya. Siguro pogi naman yung Daddy niya, pogi siya eh.

"Mommy, bakit ang tagal mo pong nag sleep?" Takang tanong nito. "Si Sleeping beauty ka po? Pero bakit walang prince na nag kiss sa'yo? Bigla kana lang nagising."

"May sakit daw ako," sagot ko dito. "Comatose ako ng tatlong taon,"

Biglang dumating sila Mom. May dala ang mga itong prutas. Mapupurga na ako kaka-prutas.

"Lola, bakit po na-tomatoes si Mommy?" Tanong ni Garnet kay Mom.

Tomatoes?

"Comatose," pagtatama ko dito. "Comatoes, Anak. Hindi tomatoes. Mukha ba akong kamatis?"

Ngumuso lang si Garnet.

Kay guwapong bata, kamukha niya yung lalaking naka-brief sa panaginip ko.

"Malapit na pala tayong umuwi sa Pinas," sabi ni Dad. "Makakakilos kana doon nang maayos. Fully healed kana daw, sabi ng Doctor. "

Napangiti ako. "Sa wakas po!"

Hindi ko alam kung bakit ako excited umuwi ng Pilipinas. Pakiramdam ko kasi ay may dapat akong balikan doon.

At nasagot lahat iyo nang makilala ko si Aqua. Ang lalaking nakalimutan ko, ngunit ngayo'y akin nang naaalala. Ang lalaking kinaaadikan ko. Ang lalaking dahilan kung bakit ako buhay ngayon.

"Aqua." Hinawakan ko ang kamay nito. "Gising na."

Obsessed Margarita [COMPLETED]Where stories live. Discover now