Chapter 18

15.6K 449 22
                                    


MARGARITA

     "LAGI kang makikinig sa teacher mo," bilin ko kay Garnet. "Kapag may nang-aaway sa'yo, sumbong mo sa teacher mo. Pero kapag sinaktan kana, gantihan mo. Wag kang magpapatalo."

Tumango lang ito habang ngumangata ng tinapay.

Nasa kotse kami. Pareho kaming ihahatid ng driver. Si Garnet, sa school. Ako naman ay sa store namin.

"Mommy, dapat bago ako po dumating sa store may food na ah?" bilin nito. "Bye bye, Mommy. I love you."

"I love you, 'nak."

Yumuko ako at hinalikan ito.

Binuksan ko ang side ng pinto niya. Lumabas naman ito at nag-dire diretso nang pasok sa loob ng school.

"Kuya, after po ng school niya. Sa store niyo po siya idiretso," bilin ko sa driver na tumango lang.

Ilang minuto lang ay huminto na kami sa tapat ng store. Nagpaalam ako sa driver at pumasok sa loob.

"Good morning, Ma'am." Isang balingkinitang babae agad ang bumungad sa akin. "Ako po ang magiging assistant niyo dito. Ako po si Geni."

"Ako naman si Margarita." Pumwesto ako sa counter. "Nag almusal kana?"

Tumango ito. "Opo."

Tumango na lang ako at naupo. Dahil wala pang customer, pinaglaruan kona lang yung kahang lagayan ng pera.

"Ay, Geni." Tawag ko dito. "Puwede ba kitang utusan?"

"Sure po." Ibinaba nito ang walis sa gilid. "Ano ho ba yun?"

"Pakibili mo naman ako sa MCDO ng kiddie meal, bumili kana din ng tanghalian nating dalawa." Kumuha ako ng pera sa bag ko. "Ito oh."

"Sige po, Ma'am." Kinuha nito ang pera at agad lumabas ng store.

Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Buong akala ko ay bumalik si Geni, ngunit natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki na may malakas na tindig.

Ang guwapo!

"Hi po," bati ko dito.

Lumapit naman ito sa counter. Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa counter. Maugat iyon, siguro araw araw itong nag-eexercise.

"One Margarita please," malalim ang boses na sabi nito.

"The liquor or me?" pagbibiro ko dito.

"You." Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong Margarita dahil sa sinagot nito. "I mean it depends on you."

"Naughty ka ah?" Nginisihan ko siya bago ilapag yung alak sa counter. "Ito lang po?"

Kinuha niya yung alak at sinuri. Tinitigan ko siya habang ginagawa iyon. Infairness, medyo kahawig siya ni Garnet. Ito kaya yung daddy niya?

"So, Margarita is your name?" Tumango ko. "I'm Aqua. Aqua Ching."

Parang may kung ano sa puso ko ang humaplos nang banggitin niya ang pangalan niya. Hindi ko alam, pero parang kilala ko siya.

"Nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ko dito.

Nagkibit balikat lang ito. "Can I get your number? Para kapag gusto kong mag-order ng alak for my bar, dito na lang."

"Bakit number ko pa?" Itinuro ko ang numerong nakadikit sa alak niya. "Yan po sir, oh. Pwede mo 'yang tawagan."

"Number mo ang gusto ko," sabi nito. "Sige na."

"Bawal po, confidential yun." Lakas ng amats ng isang 'to ah? "So, may bibilhin kapa po ba?"

"Ikaw? Magkano ka?" nakangising tanong nito.

Obsessed Margarita [COMPLETED]Where stories live. Discover now