Chapter 2

18.1K 546 27
                                    

AQUA

     LUKOT na lukot ang mukha ko. I can't believe that she can manipulate me! That crazy woman!

Pero hindi ko maitatanggi na she's attractive. Her powerful eyes, her kissable lips. And her body! Damn! But after all, I still hate her! Masyado siyang makulit and she's annoying.

Takas yata sa mental ang babaeng iyon. Ganoon ba kalakas ang karisma ko at handa siyang pumatay 'wag lang akong malapitan?

Humiga na lang ako sa kama ko at pumikit. Pero muli akong napadilat. Nang lumitaw sa isip ko ang imahe niya.

"Damn!" Inis akong napasabunot sa buhok ko at napaupo sa kama. "Stop bothering me, Woman!"

Napatingin ako sa gitnang bahagi kong tayong tayo at sumasaludo. "Really? Dahil lang sa babaeng yun, ganiyan kana? Tangina! Imahe pa lang yun!"

Pero hindi ko siya susundin! Ano siya gold? Hindi nga ako umuuwi kay Daddy para walang maka-kontrol sa mga gawain ko, tapos siya susundin ko? In her dreams.

**********

MARGARITA

    "HEY, Liam." Nakataas ang isang kilay na hinarap ko si Dad. "How's your day?"

"Sira na." Peke ko siyang nginitian. "You called me, Liam. Sa tingin mo, hindi masisira ang araw ko?"

Natawa ito. "Sorry, Margarita."

"Better." Nginitian ko siya. "Tanghali pa lang. Ang aga mo ata? Sa pagkakaalam ko, tuwing gabi ka lang hindi busy."

"Margarita." Sumeryoso ang mukha nito. "Someone filed you a case. Maiden Ortega, is her name." Napahinga ito ng malalim. "Anak, ako pa lang ang nakakaalam nito. Kapag nalaman ito ng Mommy mo I'm sure, magwawala na naman iyon."

"Yan ba ang dahilan kaya napauwi ka ng biglaan?" He nodded. "Dad, I don't know her."

"You sure? Wala ka bang nagawan ng masama ngayong araw?" Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Then I remember that Woman. Ang malanding nanghalik kay Aqua. I thought biro lang na magsasampa siya ng reklamo. Tinotoo nga ng gaga.

"I remember her now." Nginitian ko ng matamis si Daddy. "Tinulak ko siya sa hagdan kanina lang."

"What!?" Napahawak sa dibdib si Daddy na animo'y aatakihin. Why? Wala namang masama sa ginawa ko. "Why did you do that, Margarita!?"

"Because she stole my property!" ungot ko. "She kissed my man! And she insulted me!"

"Oh my God, Margarita." Napailing iling si Daddy, habang sapo pa rin ang dibdib niya. "You did that just because she kissed your man?"

"Yes." Tumango tango ako. At tumayo. "Nasa presinto ba siya? Let's go Dad, babarilin ko naman siya."

"Margarita!" bulyaw ni Dad sa akin.

Napatawa ako, "Just kidding Dad. Easy, okay? Parang hihimatayin kana diyan eh."

Napahinga na lang nang malalim si Daddy, bago din tumayo. Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa kotse niya.

"Sa presinto tayo," sabi nito sa driver na tumango lang.

"I don't know what I'm going to say," sabi ni Daddy. At muling bumuntong hininga.

Hindi kona ito pinansin. Kinuha kona lang cellphone ko. At ini-stalk si Aqua sa social media account niya. Last year pa noong huling naging active siya, pero marami pa rin siyang followers.

"Daddy, may kilala ka bang Ching sa business world?" tanong ko dito. "Do you know Aqua Ching?"

"Ching?" Napaisip saglit si Daddy. "Yeah. He's the son of the most powerful Hua Ching."

Obsessed Margarita [COMPLETED]Where stories live. Discover now