Chapter 13

15.4K 460 20
                                    


MARGARITA

     NAKAKALAHATI kona yung isang boteng Margarita liquor ni Aqua pero wala pa rin siya. Hindi pa rin siya pumapasok ng condo niya.

Tumingin ako sa orasan at alas dose na nang madaling araw. Wala pa akong kain, alak lang ang tanghalian at dinner ko.

Natawa na lang ako ng pagak bago tumayo. Muntik pa akong masubsob dahil sa sobrang hilo.

"FVCK YOU, AQUA CHING!" Malakas kong sigaw nang makalabas ako ng condo niya.

Pagewang gewang akong pumasok ng elevator. Inis na inis ako sa kaniya, lalo na kay Tiffany. Gustong kong kumuha ng gas at sunugin ang babaeng iyon!

Dumiretso ako sa kotse ko at sumakay. Pipikit pikit ako habang nag-da-drive.

Nagising lang ang diwa ko nang bumangga ako sa isang matigas na bagay. Tiningnan ko ang nasa harapan ko at bumungad sa akin ang isang kotse.

Narinig kong may malakas na kumatok sa bintana ko. Binuksan ko naman yung pinto at bumaba.

"BINANGGA MO ANG KOTSE KO!" galit na sigaw sa akin ng isang matandang lalaki. "WAG KA NGANG MAG-DRIVE KUNG TATANGA TANGA KA!"

"Hindi ako tatanga tanga mag drive!" Dinuro ko siya. "Gusto mo magkarera tayong dalawa sa edsa eh."

Umamba ito ng sampal. Mabilis ko namang dinampot yung bag ko at sinampal sa kaniya iyon.

"Wag mo akong masaktan-saktan!" sabi ko dito. "Sino ka bang panget ka!? Magkano ba 'yang kotse mong pangit!?"

"Anong sabi mo!?" galit nitong tanong.

"Manong, wag kang pumatol ng babae." Napalingon ako sa nagsalita.

Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nito dahil sa hilo, pero mukhang pogi siya. Pero mas pogi si Aqua.

"Sino kaba!?" galit na tanong dito nang matanda.

"Ingay mo!" Tinulak ko ang mukha nito. "Babayaran kona, ang pangit mo!"

Kumuha ako ng pera sa wallet ko, kinuha ko ang lahat ng cash ko at isinampal sa dibdib niya.

"Yan, ako na ang magbabayad kahit modus lang ang ginagawa mo." Nginisihan ko ito. "Umalis ka dito, baka hindi kita matansiya."

Galit naman itong umalis. Sumandal naman ako sa kotse ko at sinapo ang ulo ko nang kumirot ito.

"You're drunk." Tiningala ko si Pogi. "Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa paglabag mo sa batas?"

"Hindi ako lasing!" Inirapan ko ito. "Aalis na ako."

"Alam mo miss? Mabuti sigurong magkape ka muna," sabi nito. "Halatang marami-rami ang ininom mo."

"Hindi ko need." Bahagya ko siyang itinulak at sumakay sa kotse ko.

Akmang paaandarin ko ito pero natigil ako nang may sasakyan na humarang sa daraanan ko.

Inis akong bumaba ng sasakyan ko. "Ano bang problema mo!? Nangmomodus ka rin ba!?"

Bumaba ang sakay nito at bumungad sa akin yung lalaking pogi na inaaya akong magkape.

"Hindi ka nakinig sa akin." Napangiwi ako nang iposas ako nito. "You're under arrest."

"WAIT!" Pareho kaming napalingon sa sumigaw. "Mr. Officer, ako po yung kasama niya."

"Aqua!" Nakangiting nilapitan ko ito.

Gusto ko siyang yakapin ang kaso nga lang ay nakaposas ako. Napanguso ako bago ipakita sa kaniya ang naposas kong kamay.

Obsessed Margarita [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن