CAUTION 13;༊

8 0 0
                                    

"For this code, may alam ba kayong shorter way para maalala natin 'to?"

Ilang oras na kami sa pagre-review pero nasa isip ko pa rin ang sinabi ni James kanina, kitang kita ko kasi kung gaano siya ka-worried. Maybe, he's just worried as a friend?

"Nakikinig ka ba, Athena?"

"H-huh?" Napa-tingin ako sa direksyon ni Heart. Lahat naman sila ay nasa akin ang tingin, I gave them a 'sorry na lutang' look.

"I told you, Bro. She's not listening. Lutang na naman si Athena, Guys." Tumawa si Chris sa sinabi ni Jeff, habang binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

"Hindi na kasi ma-process ng utak ko ung mga sinasabi niyo. I'm really not into programming, malay ko bang more on programming ung IT." I rolled my eyes.

"You mean you're more skilled on hardware?" I nodded at Chris. Almost 3 hours na kasi kaming nagre-review at napuno na siguro ang utak ko, or coping mechanism ko lang 'yon para ideny na hindi ko iniisip ung sinabi ni James?

"Ay ewan." Napahawak ako sa bibig ko nang marealize kong nasabi ko ung dapat nasa utak ko lang.

"Lutang nga." Natatawang sambit ni James. "... Tama na muna, Guys. Baka ma-stroke si Athena kapag pinagpatuloy natin."

I pouted as they laughed. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Nasa lutang era na naman ba ako?

"Okay, fine. Magbihis na kayo, mag-swimming na lang muna tayo. Wala na rin pumapasok sa utak ko eh. Halika na, Ena. Magbihis na tayo." She pulled my hand with the cut.

"Aww."

"Careful." Napa-tingin si Heart sa kamay ko at agad na nag-peace sign, tinignan ko naman ang direksyon ni James at naging seryoso bigla ung mukha niya. "Baka magdugo ulit kapag nabanat."

"Oo na, hindi na nga." Sa kabilang side ko naman pumwesto si Heart. "Sorry na, tara sa room ko. At kayo? Bahala na kayo sa buhay niyo."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Napailing na lang ako habang paakyat kami sa hagdan patungo sa kwarto niya.

.⋆。⋆✮˚。⋆。˚☽˚。⋆.

"Ano ba 'yang mga dala mo? Pang-araw lang 'yan eh! Gabi na ngayon, Ena."

Kanina pa naii-stress si Heart dahil sa mga swim wear kong dala, ano bang ine-expect niya? Magdadala akong two piece? Jeez. Hindi ko kaya 'yon.

"Magbihis ka na, mamaya mo na ako problemahin." Natatawa kong sambit, wala naman siyang nagawa at pumasok na sa bathroom niya.

Naupo na lang ako sa kama at pinagmasdan ang mga swim wear kong dala. "Tatlo pa naman ung dinala, malay ko bang ayaw niya 'to." Mas natawa ako sa sarili ko nang marealize kong kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Enaaa! Pick one here, no buts." Natulala ako sa dala niya. Dalawang two piece isang one piece.

"Aanhin ko 'yan? Ok na ako rito sa dala ko, Art." Lumapit siya sa kama at isinantabi ang mga dala ko, inilatag niya naman ang mga dala niya.

"Pumili ka na, wala kang magagawa ngayon. You're in my territory." Nginisihan niya naman ako, wala na ba talaga akong choice? I sighed as sign of defeat.

"I'll pick this one, kahit labag sa loob ko." I picked the one piece, hindi ko talaga kaya ang mag-two piece. Ok na ako rito, papartneran ko na lang siguro ng maong shorts.

Napansin ko naman ang suot niya, one piece rin pero walang partner. Mukhang sanay nga talaga siya.

"Go na, magpalit ka na." Sambit niya, kinuha ko naman ung maong shorts ko at tumakbo na papuntang bathroom dahil alam kong magrereklamo pa siya.

CAUTION: Love Ahead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon