CAUTION 17;༊

7 0 0
                                    

I looked in the mirror, kakatapos ko lang magbihis at ayusin ang mga gamit ko. Ngayon ko lang napansin na namumutla ako, maybe because of my condition.

Kinuha ko ang make-up kit kong matagal nang naka-tago sa drawer ng study table ko. Ginagamit ko lang ito kapag kailangan, at ngayon ang oras na 'yon.

Light make-up lang ang ginawa ko, para lang hindi mahalata ang pamumutla ko. Because knowing my friends? They can easily see what's wrong in one's appearance.

"Okay na siguro 'to." I smiled at myself. Maaga pa kaya naman tulog pa sila Daddy, wala rin naman akong gana kumain kaya nag-message na lang ako kay Daddy na umalis na ako.

Tahimik lang akong naka-tingin sa labas, habang naka-upo sa passenger seat ng taxi na sinasakyan ko.

"Thank you po." Sambit ko nang maka-baba ako sa taxi, I looked at the University from outside.

"Maybe, one month from now, hindi na kita makikita ulit." Bulong ko, I smiled weakly. Dahan-dahan akong pumasok sa gate at masinsinang pinagmasdan ang buong paligid.

Tama nga sila, maa-appreciate mo lang ang isang bagay kapag huli na. If only I've known it earlier, sana mas pinahalagahan ko pa lahat. Sana, mas binigyan ko ng pansin lahat ng meron ako. Lagi nilang sinasabi na, nasa huli ang pagsisisi, at inaamin kong tama sila.

Nakarating ako sa room, wala pang tao. Siguro dahil attendance lang naman ang kailangan, kaya okay lang na ma-late.

I stand up in front, and I remember the day when we introduced ourselves and showed our talents. I could still hear the clapping sounds when I was done singing. I wish I could go back to that time, but it was too late.

A tear fell from my eyes, I immediately wiped it when I heard walking sounds. Nilagpasan nila ang room namin at nagtungo sa kabilang room. Naupo ako sa dulo, sa tabi ng bintana at kinuha ang notebook ko.

February 11, 2022
Totoo pala ung sinasabi nilang, magfa-flash na lang bigla ung mga memories kapag kakaunti na ung oras na natitira sayo. I didn't believe them, but experiencing it made me believe what they were saying. In this classroom in a short span of time. I made myself happy by choosing the right circle of friends.

Naalala ko ang unang araw na nakilala ko sila. Well, for James, it's not that good, but I know he sincerely felt sorry about it.

Sa napaka-ikling oras, napamahal ako sa kanila. At ngayon, alam kong masasaktan ko sila. I know they will push me to undergo surgery. I also want to, but alam ko ring kapag hindi naging successful ang surgery, pwedeng mas mabilis akong mawala sa kanila. Kaya kung sa paraang ito ko lang sila makakasama ng mas matagal, I will choose to stay like this rather than undergo surgery.

I closed my notebook. "Mahirap tanggapin, pero sana kayanin nila kapag napag-desisyunan ko nang sabihin."

Itinago ko na ang notebook ko at saktong may pumasok sa room, one of my classmates. I smiled at him and he also smiled at me.

Sa room na 'to, wala akong naging ka-away. Lahat sila ay tinanggap ako, at nagpapasalamat ako dahil doon.

Ilang minuto pa ay sunod sunod na silang pumapasok sa room, lumipat na rin ako ng upuan dahil baka dumating na ang naka-upo rito sa inuupuan ko.

"Atheeenaaa! Kanina ka pa andito? Ang aga mo naman." Natawa ako sa pagtiling ginawa ni Heart.

"Ang aga ko kasi nagising kanina, wala rin naman ako gagawin sa bahay, so I decided to go here earlier as before." She nodded at me.

CAUTION: Love Ahead!Onde histórias criam vida. Descubra agora