CAUTION 6;༊

8 0 0
                                    

Unti-unting napalitan nang sigawan at palakpakan ang kanina lang ay tahimik na mga nanunuod.

"That's too revealing, Ms. Villanueva. Dahil sinabi mo na rin, we will take action about that issue and we will investigate that matter after this event. Thank you." Agad na bawi ng host, patuloy pa rin sa pagpalakpak ang mga tao.

Ilang papuri at pasasalamat pa ang sinabi namin at ng mga judges bago kami tuluyang umalis sa stage. Naupo muna kami sa backstage dahil after the question and answer ay ilang minuto lang ang ibibigay para mag-compute ng total score ang bawat judges.

I looked at James, may itatanong sana ako sa kanya pero hindi ko namalayan na may kausap pala siya. It's Midzy.

"I know you will win, James. Hindi ko lang alam dito sa partner mo, kanina pa nang-aagaw ng eksena. Are you papansin?" Tinaasan ko siya ng kilay, wala akong balak makipag-away sa mga oras na 'to pero kung sasagarin niya ang pasensya ko, maybe may chance na malimutan kong naka-gown ako.

"Pwede ba, Midz. Umalis ka na lang kung wala kang sasabihing maganda, be kind to others, baka sa pagbabago mo balikan kita." Tinalikuran na ni James si Midzy at hindi ko alam kung pain ba ung nakita ko sa mga mata niya, I guess his feelings are still there.

Nag-kibit-balikat na lang ako at isinandal ang likod ko sa upuan, naramdaman ko naman ang pagtabi sa'kin ni James.

"I'm sorry about that, she's always like that. Kaya siguro napagod ako, I was the one who leave her but I guess..." Pinutol ko ang sasabihin niya, I'm not interested.

"It's fine. Don't worry, wala lang naman sa akin 'yon." I smiled at him and he also did the same.

"5 more minutes and the awarding will begin." Sigaw ng isang staff na kaka-pasok lang sa backstage.

Agad kong inayos ang pagkaka-upo ko at hindi ko na ulit tinapunan ng paningin si James. There's this feeling in me that I can't understand.

"Ok! Prepare!" Tumayo na ako at humawak sa braso ng kapartner ko, pumila isa isa ang mga candidates at nagsimulang lumabas ang nasa unahan.

Wala na akong energy para bigyan nang pansin ang bawat kilos sa paligid ko, nagulat na lang ako nang hilahin ako ni James. Agad kong nakita ang maraming tao, andoon pa rin ang kanilang mga palakpak at sigawan sa tuwing kami na ang tatawagin. I gave then a smile, a tired smile. I don't know what happen to me, para pang naubusan ako ng lakas sa hindi ko malamang dahilan.

"Ok now we will announce the winners! Magsimula tayo sa best in modelling!" Panimula ng host, bahagyang nanahimik ang mga tao. "... The best in modelling is from... Ent-1A! Congratulations!"

Agad na pumunta sa gitna ang representatives mula sa entrep, narinig ko ulit ang palakpakan ng mga tao. Binigyan sila ng sash at paper bag na mukhang naglalaman ng kanilang munting regalo mula sa university.

"Let's continue, for the best in talent. Please take the stage... IT-2A! Congratulations, your performance was amazing and you both deserve this." I smiled at the host and take our steps papunta sa gitna. James and I looked at each other and smiled. As if he was saying that, 'we did it!'.

Natapos kaming sabitan ng sash at bigyan ng regalo, bumalik din naman agad kami sa position namin at hinintay ang ilan pang awards.

We also got the best in q and a award and now we are down to the last and bigger price. The champion.

"At ngayon, ito na ang pagkakataong malaman natin kung sino ang mananalo sa patimpalak na ito. May we call on one of the judges to announce who will be the winner, please climb up here." Isa sa judges ang umakyat sa stage dala ang maliit na envelope na siguro akomg naglalaman ng resulta. Entrep department got the 3rd runner up and Engr. got the 2nd runner up.

"Good evening, everyone. I am here to announce the Mr. And Ms. Perilune 2023. And they are..." Natahimik na naman ang lahat at walang nagtangkang gumawa ng kahit anong ingay. Maging ako ay parang nagpipigil din ng hininga habang hinihintay ang sasabihin ng judge na ito. "... Our Mr. And Ms. Perilune are... Mr. Santiago and Ms. Villanueva! Congratulations, IT-2A!"

Para akong naubusan ng hininga nang banggitin nito ang pangalan ko, hindi ko agad naproseso sa utak ko ang mga nangyayari.

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong may yumakap sa akin. "Congrats, Athena!" Narinig kong sambit ni James.

Kahit hindi ko pa naiintindihan ang lahat ay hinayaan kong hilahin ako ni James papunta sa gitna, puro palakpakan at sigawan ang naririnig ko. Para bang mabibingi na ako sa ginagawa nila, nakita ko ang iba pang judges na paakyat sa stage. Ang isa ay may hawak na dalawang envelope at ang dalawa ay dala ang sash at ang dalawang crown.

"Congratulations, Ms. Villanueva." Sambit ng may hawak ng envelope at ibinigay sa akin ang isa. Hindi ko magawang magsalita, tinititigan ko lang sila.

"It's a normal reaction from a winner, congratulations." Naka-ngiting sambit ng may hawak ng korona at sash ko.

"Thank you." Para bang natigilan pa ako nang marinig ko ang sarili kong boses.

"You're welcome." Ngumiti siya sa akin, hindi ko na napag-tuunan nang pansin ang direksyon ni James.

"Please, take your walk." Sambit ng host at bumaba na sa stage ang mga judges. Nawala na rin sa likuran namin ang iba pang contestants.

We walked as if this is our last walk, we looked at each other and there I saw him standing in front of me. I don't know what feeling is this, para bang tumigil ang mundo at nasabi ko na lang sa sarili kong, "Hindi pwede 'to."

Natapos ang awarding sa Mr. And Ms. Perilune 2023, ngayon ay nasa awarding na ng singing contest at isa na naman ako sa nakatayo rito sa stage. Katabi ko ang iba't ibang section na kasali rin sa contest na ito.

Hindi na ako nakapag-palit pa ng damit dahil agad ding tinawag ang mga contestants, maging ang sash at crown ko ay suot ko pa rin habang si James ay nauna na sa backstage. Sinabi ko sa kanyang mauna na siya sa room pero ang sabi lang niya ay hihintayin niya ako.

"Congratulations again, Ms. Villanueva." Sambit ng host nang mag-tama ang paningin namin, nginitian ko naman siya at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "... And now for the winners of our singing contest, we have..."

Agad na sinabi ang 3rd and 2nd place, hindi na rin masama dahil isa ulit ang IT dept sa nanalo, ibang grade level nga lang.

"Now for our champion, hawak ko ngayon ang envelope na naglalaman ng kanyang pangalan. The Perilune Singing Contest Champion is..." Hindi ko alam kung pagod lang ako o naubos na ung kaba ko kanina sa Mr. And Ms. Perilune, wala na kasi akong maramdamang kaba sa mga oras na ito. I am just patiently waiting for the result.

"Our champion is... IT-2A! Congratulations again, Ms. Villanueva!" Para bang bumalik ako sa kaninang senaryo, ngayon ko naramdaman ung kabang hinahanap ko kanina.

Is this even real? Mom, am I dreaming? Kahit wala pa sa sarili ay naglakad ako papunta sa tabi ng host, I can't still process it.

"Can we get a short speech from you?" Ani host na nasa tabi ko, kinuha ko ang mic na ibininigay niya.

"First of all, I'm still at my dreamland. Sorry, medyo unexpected po para sa akin ang mga nangyayari. I didn't expect any of this results. But I want to dedicate this win to my late mother..." Tumulo ang luha sa mga mata ko, hindi ko na kayang pigilan.

"... Mom, kung nasaan ka man ngayon sana nakikita mo ako, thank you for everything and I'm sorry." Nakita kong natahimik ang mga nanunuod, ngumiti ako at iniba ang topic.

"Also, I want to say thank you to Mr. Martinez. Thank you, Sir. For believing in me, in my talent." Nakita ko siya sa harapan at nginitian niya naman ako, "... And I want to thank all of you for cheering and clapping for me and for the other contestants. Hindi lang ako ang nanalo, lahat tayo."

Narinig ko rin ang palakpakan sa likuran ko pero isang sigaw ang umagaw sa atensyon ng lahat. "Baka Athena Villanueva 'yan!"

Natawa na lang ako nang makita kong naka-dungaw ang ulo ni James sa kurtina. I mouthed thank you to him, isa rin siya sa mga naniwala at hindi ko kakayanin kung hindi sila naniwala sa akin.

This is not the end, this is just the beginning. Keep going, Athena.

CAUTION: Love Ahead!Where stories live. Discover now