CAUTION 5;༊

9 0 0
                                    

Narinig ko ang palakpak at sigawan ng mga studyante at professors, I didn't expect this from them. I am a transferee student and ang buong akala ko ay hindi nila ako tatanggapin, ang buong akala ko ay walang tatanggap sa akin.

Nakita ko sa crowd si James, nagslow-mo na naman ang lahat. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Nakikita ko kung gaano siya ka-proud at kasaya dahil na kaya kong tapusin ang pagkanta. Nabalik lang ako sa reality nang magsalita ang MC.

"What a beautiful and emotional performance, halos lahat kami ay na-touch sa sobrang emosyon na ipinakita mo. Now can we hear some comments from our judges?" Sambit niya, nabaling ang tingin ko sa babaeng judge na nagtaas ng kamay.

"That performance was awesome! Hindi ko inexpect ang song choice, dahil halos lahat ng contestants ay modern song ang kinakanta. I think nahanap ko na ang quality of voice and emotion na hinahanap ko. Kita ko sayong damang dama mo ang kanta, malayo ang mararating mo, Iha. Keep it up!" Napa-ngiti ako dahil sa sinabi niya, hindi ko talaga ineexpect ang lahat ng ito. I feel like I am in my own fantasy right now.

"Thank you, Ms. Castro. Especially, thank you rin Ms. Villanueva for a wonderful performance. Thank you for sharing that kind of talent to us. May you reach your goal!" Naka-ngiting sambit sa akin ng MC.

"Thank you, everyone." Nag-bow ako at nginitian ang lahat. Agad akong umalis sa stage at pumasok sa black curtain na papunta sa backstage. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin nang maka-pasok ako sa loob. Mas lalo akong hindi naka-galaw nang malaman ko kung sino ang naka-yakap sa akin.

"Ang galing mo talaga, Athena! Nakita ko silang lahat na naka-tulala sayo, feel na feel mo ung kanta at nakaka-relax talaga ung boses mo." Sambit niya nang bitawan niya ako, naka-ngiti siyang humarap sa akin at kitang kita sa kanya kung gaano siya kasaya.

"Thank you, kabang-kaba nga ako kanina eh." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Mag-ready ka na, malapit na rin ang Mr. and Ms. Perilune. Trust me, we will win this together." Kinindatan niya ako at hinila na pabalik sa room, inayos ulit ang make-up ko at inayos na rin ang buhok ko para sa pageant.

Messy bun ang ginawa sa buhok ko at light make-up lang ang ginawa sa mukha ko. Kitang kita ang pagiging natural ng mukha ko dahil sa make-up. Ngayon ko lang nakitang ganito ang itsura ko. Napa-ngiti ako, ang ganda ko pala.

"It's done, goodluck para mamaya." Naka-ngiting sambit nang nag-make up sa akin. Nginitian ko naman siya, "Thank you very much."

Umalis na siya at naiwan ako sa kwartong mag-isa, lumabas si James dahil may ichecheck daw siya kaya naman solo ko ngayon ang buong kwarto na 'to.

Muli kong pinagmasdan ang mukha ko sa salamin, naka-ngiti siya at kita ang saya sa kanyang mga mata.

"Kaya mo na ba talaga?" Pag-kausap ko sa reflection ko. Hindi ko alam kung na-ooverwhelmed lang ako sa mga nangyayari o totoo ba itong sayang nakikita ko.

I was once like this, but after that day, mas nag-suffer ako. And I don't want the history to repeat itself. Sana totoo na, Ma. Help me to be truly happy again.

"Ready ka na ba? 10 mins and the pageant will start." Napa-tingin ako sa direksyon ni James at nakitang parang wala lang sa kanya ang mangyayaring pageant na 'to. Siguro nga sanay na siya sa mga ganto, pero ako? Syempre hindi.

"I can see the nervousness, kalma ka lang. We can do this, okay?" Tumango ako sa sinabi niya at nginitian siya. Kinalma ko muna ang sarili ko at wala akong kahit anong ingay na narinig mula kay James, para bang sinasabi nang katahimikan na kaya ko 'to at hindi ko kailangan mag-alala.

CAUTION: Love Ahead!Where stories live. Discover now