CHAPTER 8

9 1 0
                                    

[DISCLAIMER]

This story is between two men, if you're homophobic then don't read it.

All of the characters and events are just a fictional made by the author.





ANG kanyang kakaibang taglay na wala sa pagkaraniwang tao ay ang tulay na magagamit ko. Napagkasunduan namin matapos ko siyang tulungan.

"Prince. Yan ang pangalan mo tama? " kalmado kaming dalawa na naglalakad sa kalsada. Hindi ko na maitatakang papauwi na siya ngayon at sinamahan ko siya. Tango lang ang sinagot niya at nakayuko.

"pero ganito ang nangyayari sayo? Kung ganon anong dahilan bakit ka ginaganyan ng mga taong yun? "

"hindi ko din alam." tanging sagot nito. Ewan ko lang ah pero napakalungkot niya ata at wala sa sarili ngayon, samantalang kanina ay bilib na bilib sa paghanga sakin. Pero ang lalaking 'to ay parang may isang bagay talaga ang meron sa kaniya. Hindi ko lang maipaliwanag

"Huwag kang mag alala. Simula ngayon ako na bahala sayo laban sa kanila. " mabuhay kong sabi at nakangiting tumingin ng diretsu paharap ng likakaran.
Wala parin itong imik kaya tumingin ako ulit sa kanya at napalitan ang ngiti ko. Agad akong napahinto sa paglakad kaya dahilan upang tumingin ito sakin.

"Mr. Black sa tingin mo ba mahalaga ang isang buhay ng bawat tao? " agad na may dumaloy sa buong katawan ko matapos ang sinabi nito sa harap ko. Seryoso din ang mga mata nito na tila puno ng lungkot ang nasa loob niya. Sa lahat ng mga tao ngayon lang ako nakakita ng ganito parang hindi siya masaya sa buhay niya.

"ang tanong na yan ay napaka importante. Sa tingin mo? Ang buhay ay maikli lang kaya tanggapin mo ito. "

"pero paano ko masasabi ang lahat ng yan kong napakamiserable ng buhay ko. " malungkot na sabi nito. Ngayon ay naintindhian ko na ang sitwasyon niya. Magsasalita na sana ako pero agad kong napansin na marami sa mga tao ang nakatingin kay prince yung iba ay tumatawa pa kong sino kausap niya. Oo nga naman si prince lang ang nakakakita sakin.

Hindi ko na lamang sinagot ang tanong nito at nagpatuloy maglakad. Sumunod naman siya.

Kung ipaglalagay ang sitwasyon ko sa kanya, panigurado'y ganon din ang pakiramdam ko. Isang tao na walang kalayaan at binabalot ng miserable.

"prince, ang mga taong walang magawa sa buhay katulad nila ay walang liwanag na mararating" wika ko. Napatingin ito sakin na nakangiwi.

"ang weird mo. " sabi nito

"ha? Ako weird? Mahina ata kukote mo para maintindhan ang sinabi ko. " napasimangot akong umiwas ng tingin sa kanya. Pansin ko ang maikling pag tawa nito.

"hoy anong nakakatawa? "

"Hah? Wala naman. Di ko akalain marunong makiramdam ang isang guardian angel. " sabi nito parang hindi sineryoso ang sinabi ko.

"pero teka nga lang bakit ka nga pala naka black? Eh diba white? Katulad ng mga napapanood kong mga angels"

Hindi ko mawari ang mga sinasabi nito. Hindi niya alam kong bakit ako naka black. Ayaw kong sabihin ang totoo. May pagkachildesh ang batang 'to.

"ang dami mong sinasabi. Basta ako ang guardian angel mo kaya tumahimik kana. " masungit kong wika, napangiwi naman itong bumaling sakin.

Ilang sandali ay tumingin ako sa kanya at nagsalita.

"ok hanggang dito nalang muna, pag may balita ka na tawagin moko kong kailangan moko. " saad ko at nagteleport bago man siya tumango sa harap ko. Oo nagawa ko na rin magteleport sa ibang lugar kailangan ko pa ng impormasyon sa hinahanap kong tao sa mundong ito.

Sinabi ko na rin sa kanya kung ano ang gagawin upang tulungan ako. Pagkatapos ko siyang iwan ay pumasok na siya sa kanilang bahay at naihatid ko siyang walang sagabal.













Prince pov;

Nandito na ako sa kwarto ko at nagkakalkal ng mga gamit marami din kasing mga bagay na nailagay ko sa ilang sulok. Pati narin mga luma kong picture hindi ko na mahanap.

Kailangan kong makakuha ng ideya para makatulong kay Mr. Black sa sinasabi niyang isang tao daw na hinahanap niya. At para magawa yun susubukan kong magdiskobre ng mga impormasyon na alam ko.

—9:36pm—
Naghahanap ako ng mga detalye kong paano mahahanap ang isang tao na sinasabi ni Mr. Black napunta ako sa iba't ibang sites sa paghahanap at kumukuha ng ideya. Sa pagkakataong ito ay nagtutulungan na kami upang mahanap ang taong yun.



—10:45pm—
Marahan akong bumaba at pumasok sa kwarto ni lola at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Pagkakataon ko na para buksan ang kabinet. Marami kasi siyang tinatago dito ng mga kong ano anong bagay na hindi niya sinasabi sakin. Baka makakuha ako ng impormasyon.

Dahan dahan kong binubuksan ang mga lagayan bigla akong nakaramdam ng kaba sa kadahilanang gumalaw si lola pero buti naman ay hindi nagising.



Bumalik ako sa kwarto ko at agad na sinarado ang pinto dala dala ang mga nakukuha kong papel sa at gamit sa kwarto ni lola. Pero ibabalik ko naman to.

Pilit na nilalabanan ang antok habang tinitignan ang nakukuha ko. May isang bagay akong nakita sa nadala ko pero ang nakapagtataka ay isa itong picture na malabo sa istado ay napakaluma na at maraming scratch kaya 'di ko maaninag kong anong nakatatak. Pero sa ibaba nito ay may nakasulat na pangalan.

"Elizabeth de amor"

Pangalan ng isang babae, agad ko nadin naisip na ang malabong picture na hawak ko ibig sabihin ay isa itong picture ng babae. Hindi naman din si lola 'to at parang pamilyar sakin ang pangalan pero 'di ko maalala.

Sinubukan kong i search sa laptop ko ang pangalan na nakalagay sa picture. Pero

Pagtatak ng isang sites ang siyang pinindot ko at lumabas doon ang pagdaloy ng kilabot sa buong katawan ko nang makita ang isang litrato ng babae. Magkasame din ang pangalan nila katulad ng hawak kong picture.

Bukod pa dun may kasama itong bata na nakahawak sa kanya ang nakita ko sa internet. Lumakas na ang pagdaloy ng  paniniit kong kilabot dahil ang batang kasama niya ay kuhang kuha ang pagkahawig sakin. Hindi ako nagkakamali subalit kamukha ko ang bata na kasama niya.

Sa mga nakita ko ay dun na pumasok sa isip ko na tawagin si Mr. Black baka may kinalaman ito sa hinahanap niyang tao. Pero... Nanlaki ang mata ko sa mga naisip ko na kung sakaling ito ang hinahana niya hindi naman siguro imposible na ako ang batang yun. Nagkataon lang siguro na magkamukha kami.

Pero paano ko ba tatawagin si Mr. Black ngayon? Dahil hindi ko naman alam paano ko yun magawa.

Kung nagawa ko siyang tawagin noon ibig sabihin ay magawa ko din. Pero paano?

"M-Mr. Black?!" wika ko para tumawag pero walang nangyari. Baka siguro mahina lang kailangan kong lakasan. Pero gabi na bahala na nga.

"MR. BLAACKK!! " sigaw ko pero ilang sandali ay walang paring nangyari. Hindi ko alam paano ko ba siya magawang tawagin.

Sa sandaling iyon may sumagi sa isip ko ang nangyari. Noong unang beses na matawag ko siya at pangalawang beses ay parehong nakatali ang mata ko.

Nagmadali akong tumayo at mabilis na binuksan ang kabinet tsaka malakas na hinila ang isang manipis na hair towel na nakasabit.

Umupo ako sahig pagkatapos ay ginawa ang nangyari sakin noon. Tinali ko ang manipis na towel papalibot sa mata ko at wala na akong nakita sa buong paligid. Pagtapos ay kumalma ako.

"Mr. Black"

Pagkatapos mailabas ang salitang iyon narinig ko na muli ang kabog na parang isang usok na sumulpot pero sa harap ko pero hindi ko ito nakikita tulad ng dati.

"Bakit moko tinawag? " tanging boses na narinig ko.

The Lost Reaper God (book Series #1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon