CHAPTER 2

17 1 0
                                    

[DISCLAIMER]

This story is between two men, if you're homophobic then don't read it.

All of the characters and events are just a fictional made by the author.




Sullivan pov;

ITO ang Mundo ng mga reapers kong saan namin dinadala ang mga kaluluwa. Isa akong pinuno, hari, nangunguna sa lahat, at diyos ng kamatayan.

Kung ikokompara sa mundo ng mga buhay ay wala itong pinagkaiba subalit ang lugar namin ay walang liwanag puro itim at usok ang bumabalot sa aming mundo.

Wala din kaming pinagkaiba ng hitsura sa mga tao ngunit nakikita lamang kami nito kapag patay na o nakakaharap na nila ang kanilang kamatayan.

Dito sa mundong Ito dinadala namin ang mga kaluluwa ng tao bago pa namin malaman kong saan dapat dalhin ang kaluluwa o itatapon sa lugar ng parusa.

Wala kaming karapatang pumatay o bumuhay ang tanging layunin lang namin ay para sunduin ang isang kaluluwang namatay na sa mundong kinabibilangan nila.




"MASTER, nagawa na namin."

Mula sa likod humarap ako sa kanya ang isa sa mga taohan ko. Nakayuko ito sa harap ko. Si Argyll

"Kung ganon Wala ng dahilan upang suriin kong saan dapat siya mapupunta." Saad ko at humakbang patalikod.

"Pero Master sigurado po ba kayo? Nag alala ako kong anong mangyayari kung sakaling...-"

"Wala kang dapat ipag-alala Argyll. Sa mga uring nilalang na katulad natin hindi ba ako ang pinuno? Kaya Alam ko ang ginagawa ko." Tinignan ko ang mata nito na ngayo'y parang nagpapakita ng pagpaumanhin.

"Patawad Master."

Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Argyll at nagsimulang humakbang papalayo.

Biglang may isang bagay ang naramdaman ko kaya agad akong napahinto. Naniniit sa sakit ang unti unti kong naramdaman mula sa dibdib ko kaya agad akong napatigil.

"Master! Ayos lang bayo?!!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas lalo pa itong sumakit sa paniniit ng hindi ko kayang pigilan mula sa loob ko. Ano ang nangyayari sakin!

"Master anong nangyayari!"

Hindi ko Alam dahil ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong sakit sa dibdib ko hindi ko mapigilan ang napakalakas na sakit. Bumagsak ang katawan ko habang nakahawak ang nga kamay dito.

Ano ba ang nangyayari sakin bakit nakaramdam ako nito. isa akong reaper    at napansin ko kay Argyll ang kanyang emosyon ng pagkakabigla sa pag-alalay sakin na Tila Alam na niya ang isang bagay ng ibig sabihin kung bakit sumakit ang dibdib ko.

"Master. Teka hindi pwede! Master." Sa sinabi niyang iyon ay parang naiisip na niya ang dahilan. Pero hindi ko mawari kong ano Ang pinapakita niyang emosyon.

"Isang malaking kapalit. Ito na ba yung sinasabi nilang parusa kong sakaling lumabag ang isang Reaper sa kanilang layunin." Tumingin sakin si Argyll na may halong lungkot at pagkabigla.

"Kung ganon master. Ayaw ko man sabihin ito pero. Dumating na ang parusa na nakatakda. Ito na yung isang malaking kapalit ng paglabag." Sabi nito.

Naunawaan ko na ang sinabi ni Argyll. isa akong pinuno at diyos ng kamatayan ay may iba akong kakayahan na wala sa lahat ng reapers. Pero yun ay hindi pwedeng gamitin kahit isa pang diyos subalit sinuway ko ang patakaran na iyon.

"Master." Tumingin sakin si Argyll habang sinusubukan kong pigilan ang sakit sa dibdib ko.

Siguro ito na yung kapalit ng ginawa ko. Bago pa man nakikita ko na ang unti unting paglaho ng katawan ko mula sa maliit na parte hanggang sa maging usok nalang ang natira sakin.

"MASTER!!"




Isang bata ang iniligtas ko mula sa kanyang nakatakdang kamatayan.

Ngayon ko lang naisip na ito na yung malaking parusa na nakatakda para sakin dahil sa paglabag na ginawa ko noon. Ang sekretong yun na itinago ko ay lumabas na at dumating na nga ang isang malaking parusa.


"TULUNGAN mo ako. Pakiusap"

Narinig ko ang boses ng isang tao mula sa labas bago pa man ako matapon sa isang lugar. At isa itong lugar ng mga buhay.

agad kong nakita at nakaharap ang isang lalake na ngayo'y nasa harapan ko.

Pero ang napansin ko sa kanya ay nakatali ang kanyang mata pati na rin ang kanyang mga paa at kamay. Puno pa ng pasa ang kanyang buong katawan na parang binanatan ng pagbubugbog.

Dahan dahan akong lumapit dito at nang huminto na ako sa harap niya tinanggal ko ang tila na nakatakip sa kanyang mata.

Unti unti niyang iminulat ang kanyang mata bago matanggal ang tela.

Pero ang akala ko ay hindi niya ako nakikita dahil isa akong reaper subalit naramdaman ko nalang pagbabago ng emosyon ko nang mapansin kong nakatingin ang mata ng lalaking 'to diretso sa mata ko.

Ubos na ang kanyang lakas at nanatili siyang nakatingin sakin kaya nagsimula na akong makaramdam ng pagbabago ng magsalita ito.

"Tulungan moko."

Imposible. Nakikita niya Ako?!









The third chapter will be published tomorrow...

The Lost Reaper God (book Series #1 Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang