CHAPTER 3

13 1 0
                                    

Kung may isang tao lang Sana Ang nagtatanggol sakin edi sana hindi ko 'to mararanasan.

[DISCLAIMER]

This story is between two men, if you're homophobic then don't read it.

All of the characters and events are just a fictional made by the author.

"Tulungan moko."

Humingi siya ng tulong sakin at kita ko sa kanyang walang kabuhay buhay na mga mata ang paghihirap na dinanas niya.

Puno ng pasa Ang katawan at nakatali sa dito sa madilim na lugar. Marahil may isang nilalang Ang gumawa sa kanya nito at binugbog. Pero hindi ko maisip Kong bakit nakikita niya ako.

Wala siyang lakas na nakatingin sakin at nahihirapan gusto niyang tulungan ko siya.

Pero isa akong reaper at hindi ako pwedeng makialam subalit naisip ko na hindi pa naman siya patay at may isa pang bagay ang meron sa lalaking 'to dahil nakikita niya ako.

Bukod pa doon nakaramdam Ako ng kung ano. Hindi ko na lamang pinansin at mabilis na tinggal ang nakatali sa kamay niya kasunod nito ay ang nakatali sa kanyang paa.

Tumingin sakin ang kanyang walang kalakas lakas na buhay at pinilit na ngumiti sakin.

"S-salamat. K-kong sino Ka man." Sabi nito.

Nakarating Ako dito simula nong narinig ko ang boses niya na humihingi ng tulong hindi ko mawari kong anong ibig sabihin at kung ano ang koneksyon ng lalaking ito sakin. Bakit niya ako nakikita?

Bilang isang reaper hindi ko maisip kong bakit siya ang una kong nakasalubong sa lugar na ito.  ano ba ang tungkolin ko dito bakit ako napunta sa mundong ito. Ito ba yung sinasabing parusa ng isang reaper? Pero bakit ang lalaking to nakakakita sakin.

Sa sandaling ito nais kong bumalik sa mundo ko. Tumayo ako sa harap nito nang siya namang ikinatingin niya.

Sinimulan kong magteleport gamit ang isip ko subalit hindi ko alam kong bakit hindi ko magawa.

Sa halip kaunting maitim lang na usok ang lumalabas sa katawan ko at hindi ako makaalis sa lugar nato.

"Ang astig. Isa ka bang nilalang na tagapagligtas."

Napatingin Ako sa sinabi nito marahil nakikita niya rin ang maitim na usok na nasa katawan ko at lumalabas lamang iyon kapag maglalaho kami papunta sa ibang lugar. Pero Ang kakayahan na yun ay hindi ko na nagawa.

Paulit ulit kong sinubukang magteleport pabalik sa mundo ko pero wala paring pinagbago. Kaunting maitim na usok lang ang lumalabas mula sa likod ko.

"Ang astig talaga. Totoo pala talaga ang isang guardian" napangiti itong nakatingin sakin.

Namamangha siya sa nakita niya pero anong sinasabi niyang Guardian? Hindi ko alam bakit ganon ang sinabi ng lalaking to. Dahil isa akong Reaper ibig sabihin ay ang tagapagsundo ng kamatayan. At hindi tagapagligtas.

Kahit nahihirapan siya sa kanyang kundisyon nagawa niya paring ngumiti sa harap ko dahil sa mga itim na usok na lumalabas sa pagpipilit kong magteleport.

"Ano ba!! Gumana ka!!"

Ilang beses ko paring sinusubukan pero hindi ko talaga magawa. Marahil isa ito sa mga kapalit na ginawa kong paglabag. Pero hindi ko naman alam kong bakit ako napunta dito at ano ang tungkolin ko dito.

Hindi kaya nagiging tao na ako? Pero imposible ang ganong bagay dahil ako ang pinuno ng mga reapers at pinarusahan sa ginawa kong pagkakamali. Kahit isang pinuno may karapatan paring maparusahan.

Naisip ko ang ginawa ko noon. Isang batang nakatakdang mamatay pero sa halip ay ginamit ko ang kakayahan ko upang hindi mangyari yun at isa yun sa paglabag bilang isang reapers. Kaya ito ang naging parusa ko bilang isang malaking kapalit.

"Hoy! Sabihin mo sakin kong sino ka ba talaga? Bakit moko nakikita?" Saad ko dito.

"B-bakit sinasabi mo sakin y-yan. Hindi ba ikaw ang nagligtas sakin.?"

Sa kanyang kondisyon na puro pasa ang nasa katawan marahil hindi niya din alam. At kung makakaalis pa ba siya dito.

"Hindi ka isang tao. At ikaw ang nagligtas sakin. Isa kang guardian." Sabi nito na mas lalo naman akong napapaisip kong bakit guardian ang tingin niya sakin. Eh isa akong Grim reaper.

"Hoy makinig ka. Ako. Ay. Isang Reaper at hindi guardian para alam mo!" Seryoso kong sabi.

"Reaper? Eh ano naman. Kung ganon nakaharap ko na pala ang kamatayan. Mabuti narin dahil ayoko na sa buhay ko. Handa na akong sumama"  sabi nito at nakangiti. Nagulat naman ako dahil ipinikit nito ang kanyang mga mata.

"Hoy sandali! Tumigil ka nga hindi ka pa mamamatay" natataranta na ako sa ginawa ko dahil ang akala niya ata ay sinusundo na siya. Pero Oo reaper nga ako pero hindi ibig sabihin nun na susunduin ko siya. Wala naman akong nakikitang sign na susunduin na siya dahil buhay pa siya.

"Gumising ka nga baliw!!"

Agad naman niyang iminulat ang kanyang mata.

"Hindi ba isa ka ngang Grim reaper kaya handa na akong sumama." Nakangiting sa sabi nito bago muling ipinikit ang kaniyang mata.

"TUMIGIL KA SABI!! Gising!! Hindi ba nga iniligtas kita." Tinatapik tapik ko ang mukha nito.

Sa sinabi kong iyon ay tumingin siya sakin bago iminulat ang mata niya at ngumiti. "Sabi na nga ba isa ka talagang Guardian."

Wala na din akong magawa sa sinabi niya na Guardian at pinilit ko nalang na tanggapin dahil kung hindi marahil sasabihin niya na sinundo na siya ng kamatayan at baka magkatutuo yun kung sakaling nagpupumilit siyang pumikit at matuluyan.

"Oo. Ako nga ang Guardian mo. Kaya huwag kang mamatay dahil hindi mo pa oras." Ang tanging sabi ko nalang tsaka ulit ito ngumiti sakin.

Sa sandaling nakita ko ang kanyang ngiti dun ko lang naisip ang lahat kung bakit ako nandito. At kung ano ang aking layunin baka siguro pag nagawa ko yun makakabalik na ulit ako sa sarili kong mundo.

Ang batang lalaki na iniligtas ko sa nakalipas na ilang taon yun ang dahilan sa lahat ng ito. At ito na nga dumating na yung itinakda kong parusa. kailangan kong mahanap ang taong iyon at ituloy ang kayang nakatakdang kamatayan na mangyari na sana kong hindi ko yun pinigilan.

Kailangan kong makita ang taong iyon para makabalik na ako. Ako ang susundo sa kanya sakaling makita ko siya. Hindi na kasalanan ang papatayin ko ang taong yun sapagkat matagal na siyang itinakdang mamatay.

Ako ang magtutuloy sa kamatayan niya at babalik ako sa mundong kinabibilangan ko.

"Hahanapin kita."







Hanggang dito lang muna. Don't forget to Vote.

Ongoing Chapter 4...

The Lost Reaper God (book Series #1 Completed)Where stories live. Discover now