CHAPTER 4

12 1 0
                                    

[DISCLAIMER]

This story is between two men, if you're homophobic then don't read it.

All of the characters and events are just a fictional made by the author.

Argyll pov;

NAWALA na si Master. Isang malaking kapalit at parusa ang kanyang lalakbayin sa ibang mundo.  Ang mundo ng mga buhay.

Totoo nga ang sinabi nila na kapag nakagawa ka ng labag na tungkolin bilang isang reapers ay meron itong kapalit na dapat panindigan. Ibig sabihin ang nagawang pagkakamali ni Master noon ay ang kanyang layunin na kanyang harapin.

Pero ang sekretong iyon ay kami lang ang nakakaalam kaya pano ko sisimulan ang lahat.

Bagaman siya ang aming pinuno at paniguradong maraming mga reapers ang magtataka sa pagkawala niya.

Hindi ko din pwedeng sabihin na pinatapun siya sa mundong ibabaw at baka maraming reapers na hindi maayon at mawawalan ng tiwala.  Baka pag-ayawan siya ng lahat.

"pero master,  kailangan mong makabalik."

Kasalukuyan akong nandito sa mundo namin dahil walang ni isang reapers man ang makakapunta sa mundong ibabaw.

Magagawa lang namin ang lumabas sa mundong ito kong binibigyan kami ng karapatan upang magsundo ng mga kaluluwa sa mundong buhay.

Subalit wala pa akong natanggap na minsahe upang mag sundo kaya hindi ako makakapunta sa mundo ng mga buhay upang hanapin si Master. Kailangan ko pang maghintay.

May kakayahan kaming magteleport sa ibang dimension pero ang hindi lang namin kayang gawin ay tumawid sa pagitan ng dalawang mundo. Ang mundong labas at ang mundo namin.

Gamit ang aking isip agad akong naglaho at pumunta sa ibang direksyon at doon ako sumulpot sa malaking mala mansion ng himpapawid. ang tahanan ng mga reapers kung saan nagtitipon o nakikihalobilo sa iba.

Lahat ng bagay dito ay walang ka kulay-kulay dahil sa puro itim at gray lamang na bagay ang makikita sa buong paligid.

Kabilang na dito ang mga itim na usok kung ikokompara sa mundo ng mga buhay isa itong hangin na nakikita namin at paihip ihip sa buong paligid.

Lahat din ng mga reapers ay may mga kakaibang sandata pero ang kagamitan lang nito ay wala o hindi sa pagpatay ng nilalang. Kundi ginagamit kung sakaling may bagay na mangyayari gaya ng pagpapanlaban ng isang kaluluwa sa kawalan ng isip at hindi tinatanggap ang kanyang naitakda. Inilabas lang namin yun kung kinakailangan mula sa usok hanggang sa mabuo ito.

Kapag may isang mensahe ang isang Reapers may kakayahan siyang tumawid sa mundo ng mga buhay upang kunin ang isang kaluluwa.

Bago pa man ang lahat si Master Sullivan ang nakakasama ko kapag may natanggap kaming tungkolin subalit ngayon ay siya na lamang ang kailangan gumawa non.  Kahit siya ang pinuno may mga bagay parin ang hindi niya kayang magawa at yun ay makabalik dito.

May tungkolin siya na dapat gawin kung bakit pinatapun siya sa mundong labas at hindi iyon isang nakasanayan. Dahil ang dapat niyang sunduin ay buhay pa.

Kung hindi niya sana iniligtas noon ang isang batang nakatakda edi sana hindi nangyari to. Kailangan niyang patayin iyon para maituloy ang nakatakda sa taong iyon bago siya makabalik dito.

Si Master Sullivan hindi siya isang diyos ng kamatayan,  dahil ang totoong diyos ay hindi namin nakikita.

Siya lamang ang tinuturing naming pinuno dahil sa kakaibang kakayahan niya na wala sa karamihan ng mga reapers kaya siya tinuturing na diyos.

The Lost Reaper God (book Series #1 Completed)Where stories live. Discover now