CHAPTER 7

9 1 0
                                    

Sullivan pov:

"ayos ka lang?" ang tangin niya sakin ay parang nabigla siya sa nakita niya.

Tinulungan ko itong tumayo at pagkatapos ay nakatingin lang siya sakin.

Naalala ko yung unang beses na makita ko siya, ganito din yun parang umulit lang ang nangyari ah. Sino ba talaga ang taong 'to? Bakit niya ako nagawang tawagin? At magkatugma pa talaga na maabotan ko siyang ganito.

"i-ikaw ba yung... "

"Oo ako nga. Teka sandali nga lang sino ka ba talaga at ikaw lang ang nakakakita sakin? May pangatlong mata ka ba? " tumingin ito sakin na parang hindi sigurado.

"huh? Anong pinagsasabi mo wala akong ganon. "

"kung ganon bakit?"

"hindi ba dahil isa kang guardian angel ko? Ikaw yung tumulong sakin kagabi yun lang yung naalala ko pagkatapos nun... " nag-isip ito ng kasunod dahil hindi niya maalala ang nangyari kagabi dahil agad siyang nawalan ng malay.

Pero ang alam ko ay pagkatapos nun hindi ako makapaniwalang bukod sa nakikita niya ako ay nagawa niya akong hawakan. Sapagka't ako lang naman ang may kakayahan na humawak ng buhay na nilalang.

Simula noong binuhat ko siya dahil wala akong magawa para dalhin siya sa ligtas na lugar nagawa ko ding magteleport habang pasan siya. At sumulpot kami sa kanyang silid. Hindi ko maintindihan kong sino ba talaga ang taong ito, bakit naiiba siya sa lahat.

"Mr. Black, ang pangalan ko pala ay prince. Hindi naman siguro ako nababaliw pero totoo ka talaga. You're a guardian angel! Dahil nililigtas moko. " sadya itong nakaharap sakin bitbit ang kanyang mga ngiti.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Pano ko ba sasabihin na isa akong Reaper. Dumaloy sa isip ko ang mga ginagawa ko bakit parang gusto ng kapalaran na ipaglapit kami. Sino ba talaga ang tao ito bakit siya naiiba sa lahat? Ano ba ang koneksyon niya sakin.

"eh ikaw Mr. Black? " imik nito nang siyang ikinamalay ko. Tinignan ko lang ang mata nito kaya nailang siya.

"ahh Mr. Black nalang itatawag ko sayo. " ani nito

"pero pano mo nagawa yun? Ang astig naman! "

"talaga?" nakangisi kong sabi sabay lapit sa mukha niya nang siyang unti unti namang nagsarado ang kanyang ngiti habang nakatutok sa mata ko.

Pansin ko rin na kinakabahan siya sa seryoso kong titig.

"kasi ako ang guardian mo" nakangiti kong sabi at tsaka lumayo sa angulo ng mukha niya.

Alam ko na ang gagawin kong paano ko siya magagamit. Ang kakaiba niyang taglay ang makakatulong sakin dahil siya lang ang may kakayahan na makita at makausap ako. Kaya sa pagkakataong ito may plano na ako upang matapos ang lahat ng ito.

"gusto mo bang tulungan kita? " tanong ko

"tulungan? Anong ibig mong sabihin? "

Muli akong lumapit sa mukha na niya at ngumisi.

"hindi ba ang mga taong iyon ang nagpapahirap sayo? Ako na ang bahala sayo laban sa kanila. Puprotektahan kita kong tutulungan moko. "

"s-sige pero paano kita tutulungan? " napangiti ako sa sinabi nito tsaka muling lumayo sa mukha niya.

"Sundin mo lang ako, at ako na ang bahala sa nang-aapi sayo. "

Ang lalaking nagngangalang prince ay siya lang ang nakakakita at nakakausap sakin. Pinatapun ako dito upang hanapin ang isang taong buhay na nararapat kong patayin nang hindi ko man lang alam kong sino. Pero alam kong mahahanap ko siya sa tulong ng lalaking ito. Nagtatago lamang siya sa buhay na katawan pero hahanapin ko ang kaluluwang yun na dapat ay hindi na nabuhay pa.












Argyll pov;

Isang araw na ang nakalipas hindi pa nakakabalik si master. Subalit kailangan ko pang mahintay sa balita.

"Argyll! Isang sulat ang para sa iyo, bagong kaluluwa ang nangangailangan ng iyon sundo. Ito yun"

Pagkatapos sabihin ng isa sa mga kasama namin ay tinignan ko ang nakasulat dito sa pinapadala niyang mensahe. Ibig sabihin may pagkakataon na akong tumawid sa mundo ng mga buhay upang magsundo ng kaluluwa. Maaring hahanapin ko din si Master sa mundong iyon kong ano ang nangyari sa kanya.

"kailangan ko 'tong ipaalam kay Master Sullivan–" tarantang sabi nito pero agad ko itong pinigilan.

"hindi na kailangan, Huwag mo na siya abalahin pa. "

"pero... Teka nasaan ba si Master Sullivan bakit hindi na siya nagpaparamdam. " sabi nito agad naman akong nakapag isip na idadahilan.

"nasa ibang mundo si Master at may ginagawa, marahil hindi pa siya natapos sa kanyang tungkulin. Kaya tumahimik kana. " agad itong natahimik sa sinabi ko.

"ahh pasensya na, "

"makakaalis kana" huli kong saad. Umalis naman ito iniwan sakin ang isang mensahe.

Sa wakas dumating na din ang hinihintay ko. Pwede na akong makatawid sa ibang mundo at hanapin si Master bago pa man bumalik dito.

Ilang sandali ay lumabas nako sa labasan, isang malaking gate na nagsisilbing tulay upang makatawid sa mundong buhay.

Pagkatapos kong makalabas ay agad na ding nagsarado ang malaking gate. Kailangan kong mahanap si master sa mundong labas.

Bago pa man ang isang kaluluwang susunduin ko. Ang kaluluwa ng isang highschool student.

March|03|2023 #2 trailer
Next Chapter coming soon.

The Lost Reaper God (book Series #1 Completed)Where stories live. Discover now