CAUTION 1;༊

54 0 0
                                    

Perilune University

Ang gandang pangalan naman, moon lover din siguro ang may-ari nitong school. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, ang lawak at ang refreshing ng atmosphere. Kahit maraming studyante ay wala kang maririnig na nakaka-rinding ingay.

Ipinagpatuloy ko ang pagpasok at pinagmasdan ang mga disiplinadong studyante. Kita ang excitement sa mga kilos nila, kahit ako ay excited na rin maka-kilala ng mga bagong kaibigan.

Naka-pasok ako sa building ng Registrar Office at dumiretso agad ako sa counter. Naka-ngiti kong tinignan ang babaeng nandoon.

"Good morning, how can I help you?" Bungad na tanong niya sa akin nang maka-lapit ako sa kanya.

"Good morning po, I am the transferee student from Adson University. Pwede na po ba makuha ung details about sa schedule and room ko?" Naka-ngiti pa rin ako sa kanya, nagagandahan kasi ako sa mukha niya.

Mukha siyang anghel, maputi, mapungay na mata, katamtamang tangos ng ilong at maliit na labi.

"You are Ms.?" Nabalik ako sa reality nang tanungin niya ang surname ko, masyado pala akong natulala sa kanya.

"Villanueva po. Ms. Villanueva." Nginitian niya ako bago tumingin sa computer na nasa harapan niya, ilang minuto pa ang lumipas at tumayo siya saglit para kunin ang papers.

"Here's your schedule, Ms. Villanueva. Please enjoy the rest of your college life here in Perilune. We are happy to have you here." She's smiling like there's no tomorrow.

"Thank you, Ma'am. I hope to see you around po, mauna na po ako. Thank you po ulit." Nag-bow ako saglit at umalis na sa Registrar's Office.

.⋆。⋆✮˚。⋆。˚☽˚。⋆.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, maaga pa naman kaya pwede pa siguro akong maglibot-libot.

Una kong pinuntahan ang garden, I can see roses, daisies, sunflowers and many more. Ang ganda, pwede akong tumambay dito sa tuwing vacant or breaktime.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko sa side ko ang basketball court ng school, pumasok ako at namangha sa lawak non. May iilang tao sa loob at may ilan ding naglalaro.

Naglakad pa ako papasok habang inililibot ang paningin ko, patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa naka-rinig ako nang tili sa hindi ko malamang direksyon.

Huli na nang malaman ko kung ano ang dahilan nang pag-tili ng ilang mga tao rito.

"Watch out!" Napa-upo ako nang masagi ako ng isang lalaki, nakita ko ang pag-talsik ng bola palayo sa akin. Muntik lang naman akong tamaan.

Ang sakit sa balakang, napangiwi agad ako nang subukan kong gumalaw. Ano ba kasing ginagawa ko rito?

"Miss, okay ka lang ba?" Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki sa harap ko.

Parang tumigil ang mundo, naka-tingin siya sa akin at para bang alalang-alala sa kalagayan ko. Ang ganda ng mga mata niya, he's wearing a glasses, he has a fair skin and a cute face.

"Miss? Miss, okay ka lang ba?" Napapadalas na naman ata ang pagla-lag ng utak ko.

"Okay lang ako, anong pangalan mo? Ay este, anong ginagawa mo sa harap ko?" Pinagpag ko ang kamay ko at agad na tumayo, para bang biglang nawala ung sakit sa balakang ko.

"I was the one who throw the ball, pero hindi ko napansin na may tao pala. I'm sorry, may masakit ba sayo? Gusto mo ba samahan kita sa clinic?" Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Ahh, I'm fine. Medyo masakit lang sa balakang pero okay lang, you can continue playing na. I'm just touring myself." I smiled at him and he is like Are you sure? I just nodded and smiled again.

CAUTION: Love Ahead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon