Chapter Ten

60 2 0
                                    


"Excuse me, nandito ba si amethyst?"

Napahinto ako sa pagkalikot sa cellphone ko dahil sa narinig kong tanong na 'yon ng isang pamilyar na boses.

Ilang segundo lang din ay narinig ko na ang pagtawag sa pangalan ko.

"Amethyst, may naghahanap sa'yo sa labas." tawag sa'kin ni jona, isa sa mga kaklase kong babae. Hindi ko siya gaano ka-close pero hindi ko rin naman siya kaaway.

Tumango ako sa kaniya at bahagyang ngumiti na ikinatango naman nito pabalik bago siya bumalik sa ginagawa niya.

Tumayo na ako sa inuupuan ko at tinatamad na naglakad papunta sa pinto ng classroom namin.

Pagkalabas ko ng room ay napakurap-kurap ako matapos mamaataan sa labas ng classrom namin si Hiro, isa sa mga kaibigan ni Seven at kaklase niya.

"Oh, Hiro ikaw pala? Ikaw ba ang naghahanap sa'kin? " gulat at nagtatakang tanong ko sa kaniya ng makalapit ako sa pwesto kung nasaan siya nakatayo.

"Oo, pinapasundo ka kasi ni Seven. Sa room ka na lang daw namin mag-lunch kasabay niya." may mabait na ngiti sa labing sambit nito na bahagyang ikinalaki naman ng mata ko.

"Bakit daw? Busy ba siya?" takang tanong ko na ikinatango naman nito ng isang beses bago ipamulsa ang kamay niya sa black slacks na suot.

"Busy sa building namin, eh. May project kami na kailangan tapusin. Nakisuyo siya na sunduin kita para raw may kasabay ka naman kumain." paliwanag nito na ikinatango ko naman.

"Hindi ba ako makaka-istorbo?" nag-aalalang tanong ko at napakagat na lang sa ibabang labi.

Medyo gulat pa ako dahil si Hiro ang sumundo sa akin at hindi si Seven pero naliwanagan naman ako at nakahinga ng maluwag dahil sa paliwanag ni hiro.

Kapag kasi ganitong may project sila ay automatic na abala si Seven dahil siya ang laging naatasan na mag leader sa mga group projects nila. Minsan ay kahit may group project nagagawa niya akong sunduin at samahan mag-lunch kaya bago sa akin na si hiro ang sumundo sa akin ngayon. Siguro ay malapit na ang deadline ng project na ginagawa nila kaya naki-usap na lang siya na sunduin ako.

"Sus, para ka namang iba sa building namin. Bestfriend ka ni Seven kaya welcome ka anytime sa building namin." nakatinging sabi nito na ikinangiti ko rin naman.

Nawala ang pag-aalala ko kahit papaano. STEM kasi ang strand na nasa building nila at HUMSS naman ang strands ang sa building namin. Halos magkalapit lang ang building namin, isang building lang ang pagitan, which is building ng mga ABM strands.

I was supposed to be on Arts & Design strand pero mas pinili ko ang HUMSS para magkaroon ako ng self-confidence. I want to be a fashion designer pero inisip ko muna na I-build ang self confidence ko kaya HUMSS strands ang napili ko ngayong senior high, perfect kasing platform ang strand na 'yon para ma-boost ang self confidence mo at gumaling ka sa pakikipag-interact sa ibang tao.

At masasabi kong worth it naman dahil bit by bit ay nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili at hindi na ako nahihiyang humarap sa maraming tao.

"Sandali lang. Kukuhanin ko lang ang bag ko sa loob." paalam ko at hindi na siya initay makasagot dahil nagtatakbo na ako papasok sa room upang kunin ang bag ko.

"Manliligaw mo?" puno ng kuryosidad na tanong ng isang boses sa likod ko na ikinalaki naman ng mata ko dahil sa gulat.

Napaubo ako ng malakas at muntik pang masamid sa sarili kong laway dahil sa tanong na 'yon.

What the f-? Hindi naman talaga maitatanggi na may maipagamamalaki rin pagdating sa muka si Hiro. Kilala rin siya sa buong campus dahil myembro siya ng Varsity, sa pagkaka-alam ko ay siya ang Captain ng Basketball team ng school namin. Ang alam ko ay myembro rin si Seven pero hindi siya regular player dahil sa tungkulin niya sa SSG.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now