"Gano'n ba?" rinig kong paninigurado pa ni Mrs. Marry kay Seven na ikinabalik ko sa ulirat.

"Opo." magalang at tipid na sagot naman ni seven rito.

"Wala ka ng dapat ipag-alala. Ako ng bahala sa kaniya. Pumasok ka na sa klase mo dahil late ka na. Sabihin mo na lang inutusan kita para hindi ka mapagalitan ng guro mo." buntong hiningang sabi naman ni Mrs. Mary na ikinalaki ng mata ko at ikinahinga ko ng maluwag.

Akala ko kasi ay mapapagalitan at masesermonan si Seven buti na lang at magaling maka lusot ang isang 'yon sa mga ganitong sitwasyion. Para tuloy akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Talaga po?" rinig kong masayang tanong ni seven "Salamat po Mrs, Mary. Kayo na po'ng bahala kay Ami. Susunduin ko na lang po siya mamayang uwian." dagdag pa nito. Hindi ko kita ang muka niya pero sigurado aoo na naka closed-eye-smile ito ngayon at labas ang dimple niya.

"Sige na. Pumasok ka na sa klase mo at baka malate ka pang lalo." pagtataboy ni Mrs. Mary kay seven na sinunod naman nito.

"Salamat po ulit. Magkita na lang po tayo mamaya kapag sinundo ko si Ami!" rinig kong sabi pa ni Seven kasunod ng tatlong katok sa pinto na ikina-igtad ko sa gulat.

“Ami? Si Mrs. Mary na ang bahal sayo. Maguusap tayo mamaya kaya magpahinga ka okay? Bye.” kalmadong sabi ng boses ni Seven pagkatapos ng tatlong jatok na iypn kasunod ng papalayo niyang yabag.

I sigh in relief. Mabuti naman at umalis na rin siya. Hindi na siya nakakain ng lunch pero at least hindi siya absent sa mga natirirang klase niya.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi dahil sa tono ng boses na ginamit niya kanina. Kalmado nga iyon pero may ibang meaning. Kapag masyadong kalmado ang boses niya ay siguradong sermon ang susunod. He's pissed.

Napabalik ako sa reyalidad at napalingon sa pinto ng bumukas 'yon at iluwa si Mrs. Mary na may ngiti sa labi ngunit mabilis na nawala 'yon at napalitan kaagad ng kunot na noo ng makita niya ako.

I smile awkwardly bago siya kawayan ng maliit.

"H-hello po, Mrs. Marry." may alanganing ngiti sa labing bati ko sa kaniya at napakamot na lang sa pisnge ko ng tingan niya ako gamit ang mapanuri niyang mga mata.

"Oh, bakit nakatayo ka riyan at wala sa higaan? Nilalagnat ka raw sabi ng nobyo mo, tama ba?" sagot naman nito imbis na batiin ako pabalik.

Pinagpawisan ako ng malamig dahil do'n. Syempre kay Seven lang 'to mabait. Karismado ang taong' yon, e. Kahit sino napapaamo niya.

"S-sorry po." mahinang sambit ko at naglakad na papunta sa pinakamalapit na higaan.

"Siya sige. Mahiga ka na muna riyan. Kukunin ko lang yung thermometer para malaman natin kung gaano kataas ang lagnat mo." kibit balikat na saad nito na parang hindi ako sinungitan

Palihim akong napa-ismid dahil do'n bago mahiga sa isang parang hospital bed dito sa clinic.

"Ah." kuntentong buntong hininga ko ng maramdaman ng likod ko ang malambot na kutchon ng hospital bed. Nawala bigla ang bigat ng katawan ko kanina at hindi na ganoon kasakit ang kirot ng ulo ko kumpara kanina.

"Ito, oh. Iipit mo sa kili-kili mo at pindutin ang botton na nasa hawakan." bungad ni Mrs. Mary ng makabalik siya bago niya iabot sa akin ang thermometer na kaagad ko namang kinuha.

Sinunod ako ang sinabi niya. Iniipit ko 'yon sa kili-kili ko at saka pinindot ang botton sa hawakan upang gumana 'yon. Ilang segundo lang ay tumunog na' yon kaya inalis ko na rin sa pagkakaipit sa kili-kili ko upang tingnan.

"37.8..." mahinang basa ko sa numerong lumabas sa thermometer bago 'yon i-abot kay Mrs. Mary na kababalik lang ulit na may dala ng cold fever, gamot at isang bote ng tubig.

"Gaya ng inaasahan ko, medyo mataas pa ang lagnat mo. Nabinat ka siguro dahil sa kulitan niyo ng nobyo mo." buntong hininga nito bago i-abot sa' kin ang isang capsule ng gamot at tubig.

"Teka, nagkakamali po kayo. Hindi ko po siya noby-

"Inumin mo 'yan para bumaba ang lagnat mo at gumaan ang pakiramdam mo." utos niya pagkatapos akong putulin sa pagsasalita na kaagad mo namang sinunod at nanahimik na lang.

I stare at her while drinking the medicine she gave me. Inaalis niya ang plastic ng cold fever na hawak niya bago niya ko balingan.

Nakipagtitigan pa siya saglit bago niya hawiin ang buhok sa muka ko at ipakat ang cold fever na hawak niya sa noo ko.

"Hayan. Okay na. Magpahinga ka na lang muna. Nandiyaan lang ako sa lamesa sa harapan kapag may kailangan ka." mahabang saad nito matapos akong asikasuhin.

"Salamat po." nakangiting pasalamat ko na ikinatango lang naman nito bago maglakad papalayo at isara ang kurtina para bigyan ako ng privacy.

I laid silently on the bed. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko dahil na rin siguro sa gamot na ipina-inom sa akin.

A few seconds passed and I'm already slowly drifting off my consciousness and then in just a snap, my vision slowly turned into black...


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now