Chapter Seven

84 2 0
                                    

"Ami..."

"Ami~"

"Amizona?"

"Amethyst Verone Esquivel!"

Napa-igtad ako ng bangon mula sa pagkakadukdok sa desk ko sa loob ng classroom namin dahil sa malakas na sigaw na 'yon.

"Anak nang-! A-ah, ouch. Sh*t!" sunod-sunod na singhal ko bago mapahawak sa sariling sintido dahil sa sunod-sunod na pagkirot no'n.

"Ayos ka lang?" biglang tanong ng isang malumanay na tono ngunit bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Kaagad akong napatingin sa gilid ko at do'n ko nakita ang nag-aalalang muka ni Seven. Nangunot ang noo ko at nagdadalawang isip pa kung sasagutin ang katanungan niya pero sa huli ay napagdesisyunan ko na sagutin na lang din dahil hindi naman niya papalampasin ang pagdaing ko kapag sinabi kong wala lang 'yon.

"Ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko, 'yon lang." sagot ko at saka tumango sa kaniya. Pinilit kong ngitian siya ngunit napangiwi na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagkirot ulit ng ulo ko.

Para 'yong tinutusok ng paulit-ulit.

Naupo ako ng marahan sa inuupuan ko kanina at saka dumukdok do'n upang itago ang muka ko sa kaniya.

"Hah? Eh, bakit nandito ka at wala sa school clinic?" usal pa ni Seven at halata namang na-alarma siya sa sinabi ko.

I stay silent for a while. Wala kasi ako sa mood makipag-usap ngayon dahil masakit ang ulo ko at hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukang lalagnatin yata kasi ako kaya ganito.

"I'm fine. Tulog lang ang kailangan ko." mahinang bulalas ko at mas lalo pang isiniksik ang muka sa sariling braso para makahanap ng posisyon na mapapanatag ang sakit ng ulo ko.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa harapan ko pero hindi ako nag-abala na mag-angat ng tingin.

Tanging langitngit lang ng hinilang upuan ang narinig ko bago mapuno ng katahimikan ang buong silid aralan kung nasaan kami ngayon.

Lunch break kasi kaya walang estudyante sa room. Lahat sila ay either nasa canteen o nasa kung saan mang pwesto sila pumupunta sa school para magtanghalian.

"Hey, tara na kaya sa clinic? Mukang hindi ka naman ayos, e." basag ni seven sa katahimikan na ikina-iling ko lang habang nakadukdok pa rin. Puno ng pag-aalala ang boses niya kaya naman gusto kong mapangiti dahil sa pag-aalala niya pero hindi ko magawa dahil sa tuwing igagalaw ko ang alin man sa parte ng katawan ko ay susundan 'yon ng kirot ng ulo ko.

Wala na ba akong karapatang ngumiti ng hindi nakakaramdam ng sakit? Ay, hugot yarn, Amethyst?

"Ayos lang ako. Mag-lunch ka na, matutulog na lang muna ako." pagtataboy ko sa kaniya pero nakatanggap lang ako ng isang buntong hininga.

I even heard him clicked his own tounge kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko. He's not going to back down.

"Seryoso, Seven, ayos kang ak-

Bahagya akong napasinghap dahil sa isang mainit at mabigat ngunit malambot na bagay na dumampi sa noo ko bago marahang hawiin ang buhok na nakaharang ro'n sa kalagitnaan ng pagbabalak ko na iangat ang muka para tingnan siya at sabihing ayos lang ako.

"F*ck! Ang init mo, ami. May lagnat ka!" I flinch when I heard him cussed in irriration after knowing that I have a fever na ngayon ko lang din nalaman, salamat sa kaniya.

Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses bago mapabuntong-hininga nang maproseso sa utak ko ang sinabi niya.

Kaya pala sumasakit ang ulo ko at hindi maganda ang pakiramdam ko ay nilalagnat na pala ako. Akala ko ay sinat lang.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now