"Salamat po, tita. Una na po kami ni ami. See you later na lang po." sabi naman ni seven at ginawaran niya si mama ng isa sa mga charming smile niya dahilan para lumabas ang cute at malalim niyang dimple sa pisnge.

"Sige, ingat na lang kayong dalawa. Ikaw na ang bahala sa Amethyst ko, medyo may katangahan pa naman sa katawan ang isang 'yan." prangkang pahayag ni mama na ikinasambakol naman ng muka ko na siya namang ikinatawa ni Seven.

"Ma!" atungal ko na ikinataas lang naman ng kilay nito "Kung makapag-salita naman kayo parang wala ako rito. Nakakahiya, sa harap pa talaga ni Seven?" mapait at medyo may inis sa boses na sabi ko na ikina-iling lang ng ulo nito at mas lalo namang ikinatawa ni seven.

"Nagbibiro lang naman ako. Tsaka ano namang nakakahiya ro'n kung totoo naman?" natatawang ani pa nito sa nanunudyong boses na ikinalukot ng muka ko lalo.

Argh! Nanay ko ba talaga 'to?!

"Ikaw naman. Anong klaseng bestfriend ka? Tawa ka ng tawa riyan, halatang enjoy na enjoy mo ang pambubully sa'kin ng sariling nanay ko, ah?" asik ko kay seven nang mabaling sa tumatawang pigura niya ang paningin ko.

"Pffft, nakakatuwa lang kasi ang itsura mo kanina." ani naman ni seven sa gitna ng pagtawa at napa-iling-iling pa "Akalain mo 'yon? Ang tapang-tapang mo kahit kanino pero tiklop ka pag-dating sa nanay mo?" may nakakalokong ngiti sa labing saad nito at bahagya pang napatawa na ikinasama naman ng tingin ko sa kaniya.

Nakalimutan ko bang sabihin na pagdating sa pambubully sa'kin ay tandem ang dalawang ito? Kung hindi ko lang talaga sila mahal ay nasakal ko na sila sa inis, e.

Hu! Kalma amethyst, kalma.

"Pero, h'wag po kayong mag-alala Tita thalia. Ako po'ng bahala dito kay ami, makaka-asa kayo!" masayang deklarasiyon ni seven sabay piga sa pisnge ko na kaagad ko namang tinanggal.

"Oi! Bitaw!" asik ko sabay tapik sa kamay niyang nakapiga sa kaliwang pisnge ko.

Imbis na masaktan dahil sa palo ko ay napailing-iling lang ang ulo nito at napakurba ang labi niya ng isang matamis na ngiti bago niya i-pat ang ulo ko at pabirong guluhin ang kaayos ko lang na buhok.

"Hey! Kakaayos ko lang niyan! Don't ruin it!" maktol ko at mabilis pa sa alas kwatrong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko para hindi niya tuluyang magulo ang ayos ng buhok ko.

"Sungit." nakangising sabi niya bago bumaling kay mama na may ngiti lang sa labi na pinapanood kami.

"Sige na po. Tutuloy na kami. Sigurado akong malalate na talaga kami this time." paalam ulit nito at hinila na ako palabas ng bahay.

"Ingat kayo, tisoy! Amethyst, h'wag mong bibigyan ng sakit sa ulo si tisoy, ah? I love you!"

Rinig pa naming sigaw ni mama ng makalabas na kami sa bahay.

"Oo na po! " may inis sa boses na sagot ko.

"I love you too" mahinang bulalas ko sa sarili at bahagyang napangiti.

Narinig ako ng mahinang hagikgik sa tabi ko kaya naman balingan ko ng tingin si Seven bago siya samaan ng tingin dahil pinagtatawanan ako ng loko.

"Ang saya mo, ah? Happy pill mo 'ko?" puno ng kasarkastikuhang tanong ko sa kaniya na ikinatango lang naman ng ulo nito ng ilang beses habang patuloy pa ring tumatawa pero this time, mahina na ang pag-tawa niya.

"Ba't hindi na lang kaya tayo mag-switch ng bahay? Tutal mas pabor naman si mama sayo kaysa sa'kin. Hmp!" nakangusong saad ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya bago mabilis na maglakad palayo kay Seven na ngayon ay huminto na sa pag-tawa.

"Ikaw talaga," panimula nito at mabilis na humabol sa akin sa pag-lalakad kaya nasa tabi ko na siya ngayon. "Ang aga-aga pa para mag-tampo ka. Sadyang maasikaso lang talaga ang mama mo kaya mas nasa bisita ang atensiyon niya, which is ako." malambot ang boses na paliwanag nito na ikina-ismid ko naman. “at tsaka, patas lang tayo no. Mas pabor kaya si lola sayo kesa sa akin.” dagdag pa nito na siyang ikina-aliwalas ng muka ko.

I get it. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ako nag-seselos. Nagtatampo lang dahil mas mabuti ang pakikitungo ni mama sa kaniya kaysa sa akin na might I add is the real child. Blood and flesh.

Pero kahit na ganon masaya pa rin ako dahil magkasundo ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko at tama naman siya, e. Patas lang kami kasi gaya ni mama mas pabor ss akin ang lola ni Seven kesa sa kaniya.

"H'wag kang mag-alala. Mahal ka din naman ni tita. Sorry ka na nga lang kasi ako ang paborito niya. Kung sa bagay, sa gwapo ko ba namang 'to, sinong hindi makakatanggi?" pagyayabang niya kasunod ng masaya nitong tawa.

I stared at his face. Oo nga, may maipagyayabang naman talaga ang isang 'to. Pero, kailangan ba talagang ipagdakdakan sa pagmumuka ko iyon?

Gwapo siya aaminin ko, oo, pero hindi ko sasabihin sa kaniya' yun, 'no! Not unless he was not around. Madadagdagan lang ang kayabangan niyan kapag inamin ko na nagagwapuhan ako sa kaniya, e.

"Naku, tigil-tigilan mo nga ang kahanginan mo, sev. Bilisan mo na lang ang paglalakad dahil baka malate na tayo ng tuluyan. Asyumerong 'to!" pabirong singhal ko sa kaniya at mabilis na naglakad papalayo pero bago ako makalayo sa kaniya narinig ko pa ang offended na pag-singhap nito na ikinataas ng gilid ng labi ko.

"Hoy! sandali ami! Hintayin mo naman ako. Sinundo pa kita sa inyo tapos iiwan mo lang ako?!" muryot nito kaunod ng mabilis na mga yabag niya na halata namang papunta sa'kin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Bahala ka riyan. Ang bagal mo kase. Tsaka ang aga-aga iniinis mo na kaagad ako. " may bahid ng inis sa boses na sagot ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hey, h'wag ka namang ganyan. Ang aga-aga ang sungit-sungit mo." may malumanay na tonong sambit nito nang maabutan ang paglalakad ko na bahagyang ikinalaki ng mata ko bago mapa buntong hininga.

"Ah, alam ko na!" malakas ang boses at puno ng kasiglahang sigaw nito na muntik ko ng ikatalon dahil sa gulat.

I clicked my tounge in annoyance. Isa kasi sa mga katangian ni seven na salungat sa kaalaman ng mga oh-so-called admirers niya, eh ang pagsasalita niya bigla kapag may naiisip siya. Anytime, anywhere!

Kahit sobrang perpekto ng taong ito may mga traits din siya na ang weird para sa iba pero para sa akin? that's what made him unique.

"Ililibre na lang kita mamayang recess." pagpapatuloy niya pa na ikinataas ng kilay ko "Ano, payag ka? Wala ka namang planong i-ditch ako mamayang break time 'di ba? Ami~" mapaglaro ang tono ng boses nito sa bandang dulo ng sinabi niya na ikinangisi ko naman.

"Paano mo nalaman? Ang galing mo sa part na 'yon, ah?" kunwaring manghang sabi ko at saka napangisi ng biglang bumusangot ang nakangiti niyang muka kanina.

"Ami naman!" maktol nito na siya namang ikinatawa ko.

"Oo na, payag na 'ko. Basta martys, ah? Yung chicken flavo-

"Hamburger it is, then! Wala nang bawian. Okay, see you later ami~" putol niya sa sasabihin ko saka nagtatakbo papasok sa gate ng school namin.

Napahinto ako saglit at napakurap-kurap para i-process ang sinabi niya.

"Hoy! Seven, teka! Hindi hamburger ang gusto ko!" habol ko ng sigaw sa kaniya ng mapagtanto na hindi ang gusto kong pagkain ang ililibre niya sa'kin pero huli na para kumbinsihin siya dahil nawala na ang imahe niya sa paningin ko.

Napabuntong hininga na kang ako dahil do'n.

"Naisahan nanaman ako ng loko-lokong 'yon, ah?" napapailing na kausap ko sa sarili ko at kapag kuwan ay napangiti na rin.

Isa kasi ang ugali ni Seven na pag-iiba sa uri ng pagkain na gusto kong kainin sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He was a health conscious and there's more of his traits na naging dahilan kung bakit ko siya palihim na nagustuhan at sa tingin ko mas lalo pang lalalim ang nararamdamang kong ito...


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now