Chapter Six

87 4 0
                                    


"May dala kang payong, Ami?" rinig kong tanong ni Seven mula sa tabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa waiting area ng school, pasado 5:30 na at alas singko lang ang uwian pero dahil sa lintik na ulan na 'to ay na trapped tuloy kami ni Seven at hindi pa maka-uwi.

Malas nga lang dahil walang nagdadaang tricycle at wala din naman kaming service dalawa dahil nilalakad nga lang namin ang school.

"Wala, nakalimutan ko kakamadali sa'kin ni mama kanina." sagot ko at bahagya pang napangiwi bago mapayakap sa sarili nang biglang umihip ang isang malamig na hangin, bahagya akong nangatog dahil sa lamig.

Mukang napansin yata ni seven 'yon dahil naramdaman ko na lang ang biglang paglapat ng isang mainit na bagay sa magkabilang balikat ko.

"Ikaw na lang muna ang mag-suot niyan. Mukang mas kailangan mo, eh." may maliit na ngiti sa labing sambit niya matapos ipatong sa balikat ko ang jacket na suot-suot niya kanina.

Kinunutan ko siya ng noo bago ibuka ang bibig para mag-salita.

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba nilalamig?" kunot ang noo ko habang tinatanong ko ang mga 'yon.

Ngumiti naman siya at marahan akong tinanguan.

"Yes and no. Ikaw na muna ang gumamit niyan. Labahan mo na lang bago mo isauli sa'kin." sagot naman nito bago guluhin ng pabiro ang buhok ko.

"Sigurado ka?" paninigirado ko pa na tinanguan lang naman nito.

"Oo nga, kulit nito." saad niya matapos tumango.

Napabuntonghininga naman ako at tinanguan na lang siya. Wala naman na akong magagawa dahil nasa akin na din naman yung jacket. Kung ibabalik ko man, hindi niya 'yon tatanggapin.

"Mukang hanggang mamaya pa tayo rito. Wala 'atang balak tumila yung ulan, e." rinig kong buntong hininga ni seven sa tabi ko.

Hindi ako nagsalita at nanatili lang tahimik. Inaantok na kasi ako kanina pa. Kinusot ko ang mga mata ko upang pigilan ang pagpikit ng mga 'yon. Medyo mabigat na rin kasi ang talukap ng mga mata ko at nag-iintay na lang na isara ko sila.

"Inaantok ka?"

Napatingin ako sa kaliwa ko kung nasaan nakaupo si Seven nang tanungin niya 'yon. Napatango na lang ako at hindi nakapag-salita dahil pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na makatulog.

I swayed back and forth because of the sleepiness. Muntik pa nga sana akong masubsob kung hindi lang dahil kay seven na inalalayan ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya.

"H'wag mo ng labanan. Sleep. Gigisingin na lang kita kapag tumila na ang ulan at kapag pwede na tayong umuwi." malambot ang tono ng pananalita ni seven na mas lalong nakapagtulak sa'kin na sumuko na sa antok.

"Hmm." 'yan lang ang tanging naisagot ko at nagpakain na sa antok pero bago ako nakatulog ay narinig ko pa ang huling sinabi ni seven.

"Sleep tight, ami ." malambing ang tono na 'yon bago ko maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa noo ko.

Hindi ko na nalaman kung ano ang dumampi na 'yon dahil tuluyan na akong kinain ng antok.



Seven's Pov

"Sleep tight, ami." malambing na saad ko matapos ihilig ang ulo ni ami sa mismong balikat ko bago siya dampian ng halik sa noo no'ng masiguro ko na tulog na siya.

Malalim ngunit kalmado na ang paghinga niya, tanda na wala na siyang malay at talagang tulog na kaya naman malaya ako ngayon na titigan ang maamo niyang muka na tuwing tulog lang siya 'ko pwedeng magawa.

She has a fair nose, a pink plump lips and two chubby cheeks na lagi kong gustong-gustong kinukurot o 'di kaya'y pinipisil.

Napabuntong hininga na lang ako at napakagat sa ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kaniya.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi pa ako nahuhulog sa kaniya. She's an amazing girl. Matapang, matalino, mabait at higit sa lahat hindi sumusuko. I'm glad because she change for the better.

Hindi ko maipaliwanag kung paano ko siya nagustuhan pero ito lang ang alam ko, lumalakas ang lagabog ng puso ko kapag malapit ako sa kaniya. Nag-iinit ang puno ng tainga ko kapag nakikita ko siyang ngumiti at kapag napapagmasdan ko siya sa malayuan o malapitan man. May mga nagwawalang paro-paro sa sikmura ko sa tuwing nag-aalala siya sa akin o yayakapin niya ako.

Ang masakit lang sa sitwasyon naming dalawa ay magkaibigan kami at ang alam niya ay kapatid lang ang turing ko sa kaniya dahil sa mga kilos na ipinapakita ko.

I'm overprotective na parang isang nakatatandang kapatid when it comes to her. Hindi naman maiiwasan 'yon dahil ayaw kong nasasaktan siya simula nung malaman ko na nagsisimula na akong magkaroon ng feelings para sa kaniya.

Duwag ako, oo, alam ko. Hindi ko kaya o magawang umamin sa kaniya dahil takot ako na baka masira nung pag-amin na 'yon yung relasyon na meron kami ngayon.

Ayaw kong sirain yung pagkakaibigan na mayroon kami. Kung ang pagtatago lang ng totoong nararamdaman ko para sa kaniya yung paraan upang makasama ko pa siya sa tabi ko, mabantayan at palihim na mahalin ay susugal ako. Itatago ko yung nararamdaman ko kahit na gustong-gusto ko ng umamin.

"Kung kaya ko lang sanang sabihin na sa'yo, matagal ko ng ginawa. Kaso wala, e, duwag ako. Wala akong lakas ng loob para umamin at takot ako na mawala ka sa'kin." malungkot ang tono ng boses ko habang kinakausap ko ang tulog na si ami.

Napabuntong hininga na lang ako at napatawa ng mapait dahil sa sitwasyon ko ngayon.

I love her, but our friendship is precious to me too. Hindi ko rin naman alam kung parehas kami ng nararamdaman dahil mahirap basahin 'tong si amethyst. May mga pagkakataon na parang girlfriend ko siyang umasta pero ayaw kong umasa sa mga mixed signals na wala namang sapat na basehan kung totoo.

Matagal na kaming magkaibigan and normal lang naman ang pag-asta niya ng gano'n. She cares for me like a mother hen to her chicks. She's cute whenever she do that at kapag naiinis siya kaya naman walang araw na hindi ko pwedeng hindi siya iinisin makita lang ang cute niyang expression sa muka sa tuwing iinisin ko siya.

Kontento na muna ako sa kung anong relasyong meron kami ngayon. Maybe someday, 'pag dating ng tamang oras ay magkakaroon ako ng sapat na lakas ng loob at kapag ready na akong sumugal maamin ko lang yung nararamdaman ko, I'll do it. I' ll risk everything to love her as a lover not just as a friend.

Ang pananatili sa tabi niya at ang pagmamahal sa kaniya ng palihim lang ang magagawa ko sa ngayon.

At kontento na ako ro'n,



For now...


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now