Kabanata 39

853 48 16
                                    

Rubber Ridge

"Isaac..." malambing kong tawag sa kan'ya pagkasakay namin sa kotse niya.

Madilim pa sa madilim ang kan'yang mga mata at kunot na kunot pa ang makakapal na kilay nito. I gulped when he didn't answer me. Pina andar na niya ang kan'yang kotse habang ako naman ay hindi mapakali sa naging disposisyon niya ngayon.

"Why aren't you telling me about this?" ani niya sabay igting ng kan'yang panga. Nananatili lang ang mata niya sa daan at hindi ako binalingan ng tingin.

"T-Tungkol saan?" sabi ko kahit alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

"About my mother's behavior towards you."

"I-I am waiting for a right moment.." sagot ko sa maliit na maliit na boses.

Hindi siya umimik at ganoon parin ang kan'yang ekspresyon. Hindi na rin ako nagsalita at hinayaan ko nalang siya munang magpakalma. Kahit ako, nagalit sa mommy niya but alam kong nilason lang din siya ni Narine para magalit din ito sa akin.

But still...

Nagulat ako nang dinaanan namin ang building kung nasaan ang condo ko. Hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta at baka mabugahan pa ako ng apoy nito. Ilang minuto lang ang lumipas nang tumigil kami sa isa sa mga high end condos. I pressed my lips at ibinaling ang mata sa kan'ya.

Nauna na siyang lumabas sa driver seat para pagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay masuyo niyang hinawakan ang likod ko at pinulupot ang braso sa baywang ko. I cleared my throat. I really missed this side of him.

May mga kakilalang bumati sa kan'ya pagkapasok namin sa lobby. I saw how women excitedly shifted on their seats when they saw Isaac. Pero nang makita ako ay unti-unti ring pumait ang kanilang mga hitsura.

Where are we going? Sa condo niya ba? Napalunok ako sa naisip. Wala! Wala kayong gagawin, Dulce. Dios ko naman. Sinapo ko ang noo at bahagya pang uminit ang pisngi.

"Are you okay? May gusto ka bang kainin?" nag-alalang tanong niya sa akin.

Nakasakay na kami sa elevator nang tinanong niya ako no'n. I shook my head. Kung alam lang niya kung anong sumagi sa isip ko kani-kanina lang. Mas uminit ang buong mukha ko nang tinitigan ako ni Isaac.

"W-Wala. Mainit lang kanina.."

Hindi naman ako ganito noong hindi pa ako buntis. Masasabi kong dala lang siguro ito sa pagbubuntis. Hormones.

Nang nasa tamang floor na kami ay bumukas ang elevator. Nilingon ko si Isaac at naglakad na kami palabas. Hindi niya ako binitawan at mas idinikit pa ako sa kan'yang sarili. Tindi rin ng lalaking 'to. Isang beses lang namin iyon ginawa pero may nabuo kaagad. Sharp shooter.

He opened his condo and with his finger print. I blinked numerous on that. Mamahalin din naman iyong condo ni Ryan na pinag stayan ko ko iba pa rin itong kay Isaac. I know how maarte Ryan was pero hindi siya bumili ng mamahaling condo dahil aniya, may pinapatayo naman daw siyang bahay kung saan ngayon sila nakatira ni Yani.

Gosh, I missed Yani so much. Kailan ba kami makakabisita roon? I badly want to visit.

Bumungad sa akin ang napakalapad na living room ng condo ni Isaac. May kwarto pa siya sa itaas at gawa sa glaas ang hagdanan paakyat doon. His room was aesthestically perfect and a turquoise themed condo. Sobrang aliwalas at linis. May mga indoor plants din sa bawat tamang puwesto nitong condo.

"Tomorrow will be your next schedule to the OB.." hinarap niya ako sabay hawak sa magkabila kong siko.

He licked his lower lip and darted his dark eyes on my stomach. Nananatili ang mga mata ko sa kan'ya as I memorized every inch of him. Bumaba ang tingin ko sa malapad niyang dibdib pababa sa maugat niyang mga braso.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora