Kabanata 7

868 63 12
                                    

Text

Pinagkrus ko ang braso at naghihintay ng tricyle dito sa labas ng school. May mga estudyante na ring nagsilabasan. Siguro ay vacant hour nila. Tiningnan ko ang schedule sa cellphone. Ginawa kong wallpaper ang class schedule ko para mas madali ko lang itong matingnan kung nakalimutan.

Minor subject lang iyong inabsenan ko ngayon kaya ayos lang sigurong ipagpaliban. Wala rin naman akong natandaan na may activity or group project sa subject na 'yon.

Nakapag meeting at finalized na rin naman kami ng mga ka grupo ko para sa event so I am good. Nilinga ko ang tingin sa paligid at pinasadahan ang buhok gamit ang mga daliri.

It's four pm kaya may mga taga high school department na rin ang nagsilabasan. Napapatingin pa sa akin ang mga 'to sabay bulung-bulungan. They aren't talking shits about me, probably. Ngumingiti kasi ito sa akin 'pag namataan kong nakatitig sa akin. Ma babae man o lalaki.

Nang may nakita akong paparating na tricyle na walang pasahero ay kaagad akong pumwesto. Medyo malayo pa naman ito at medyo nagbabagal dahil may mga estudyanteng tumatawid sa kabilang side.

"Dulce..."

Agad kong nilingon kung sino 'yon. It was Isaac. Mukha itong galit at naiirita. Kahit nagwawala ang puso ay ibinalik ko rin sa kan'ya ang tinging ibinigay niya sa akin. Kulang nalang pamaywangan ko siya.

Hindi ako umimik at pinagtaasan ko nalang siya ng kilay. His black leather bag is lazily hanging on his one shoulder. Nakapamulsa itong nakaharap sa akin at nakakunot pa ang noo nito.

"Don't give me that kind of look, Dulce," aniya na parang nagbabanta.

I chuckled with no humor. "Ikaw nga riyan ang nagsimula."

Umigting ang panga nito at humakbang palapit sa akin. My smile slowly faded.

"Where's my shirt? Bakit mo hinubad?" May diing sabi niya.

Umakting akong parang nag-isip. "Your shirt? Oh!" I laughed. "Kinuha ng girlfriend mo, e. Baka mabaliw sa selos kaya hinubad ko nalang at ibinigay sa kan'ya."

His jaw clenched. "I don't have a girlfriend."

I shrugged at iniwas nalang ang tingin sa kan'ya. Hindi ko talaga matagalan ang pakikipagtitigan sa kan'ya. Para akong mauubusan nang oxygen!

Nang nilingon ko ang tricycle kanina ay malapit na ito sa akin. Agad ko iyon pinara.

"We are not done talking, Dulce." Si Isaac na gano'n parin ang titig.

Tumigil ang tricycle sa harapan. Agad akong sumakay roon. Nilingon ko si Isaac at nakatayo lang siya roon habang tinitingnan ako.

"You want to ride?" Mapanuya kong sinabi.

"Baba," he demanded.

I rolled my eyes. "Manong tara na po--"

"I said get out, Dulce. I want us to talk. I want to understand why you threw my shirt," malamig at diin na diin nitong sabi.

Teka nga. Sa pagkakaalam ko inabot ko iyon kay Mica, hindi ko tinapon. I gritted my teeth at bumaba nalang. Nanghingi nalang ako ng pasensya kay Manong at naintindihan naman niya. Ngumiti pa ito sa akin at kay Isaac. Naku, Manong baka ano iniisip n'yo, ha?

Baka inakala ni Manong may LQ kami ni Isaac. Tss.

I crossed my arms. "Iyan ba ang sumbong sa 'yo ng girlfriend mo?"

"How many times do I have to tell you that she is not my fucking girlfriend?" Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya.

May tumitingin pa sa aming mga high school students na mga babae. Nang pinasadahan nila nang tingin si Isaac ay kinikilig ang mga 'to at nag sisikuhan.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now