Kabanata 10

826 72 6
                                    

Kiss

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay napagdesisyunan kong isauli ang bowl at plato ni Aling Bebi. Nakita ko naman itong may inaayos na bulaklak sa nipa hut kaya doon ko nalang siya agad nilapitan.

"Aling Bebi," ani ko sabay hawi sa buhok.

Agad naman niya akong nilingon.

"Ibabalik ko po sana 'to. Salamat pala sa binigay mo. Masarap po siya."

Kinuha naman niya iyon sa akin at inilapag sa mesang nasa nipa hut.

"I-Iyong renta ko rin ibibigay ko po mamaya," I added.

Hindi naman ito umimik at tahimik lang itong nagmamasid sa akin.

"Kumakain ka ba sa tamang oras?" Tanong nito na ikinabigla ko.

"Po?"

Bumuntong hininga siya. "Namamayat ka. Baka pinapabayaan mo na ang kain mo o hindi kaya ay palagi kang nagpupuyat?"

"H-Hindi naman po ako nagpapalipas ng kain. Hindi lang siguro ma sustansya ang mga kinakain ko," I tried to light the topic.

"Kumain ka ng gulay. Mamaya magluluto ako ng pinakbit."

Nang hindi ako nagsalita ay matalim niya akong tinitigan. "Huwag mong sabihing hindi ka kumakain ng gulay?"

I laughed. "Kumakain naman po!"

Ni head to foot pa niya ako bago dinampot ang nilapag niyang bowl at plato na isinuli ko kanina.

"Mabuti naman kung gano'n. Ayoko sa mga taong hindi kumakain ng gulay," pagsusuplada nito.

Tinawanan ko nalang siya at nagpaalam nang bumalik sa apartment.

Hindi ko kailanman pino problema ang pagkain way back in our house. Walang pakialam ang parents ko if I want a pizza for breakfast. Wala silang pakialam sa kakainin ko as long as hindi lang ako magugutom.

They didn't mind their child nutrition dahil kung magkakasakit ay may pang hospital naman kami. Masyado silang busy sa aming negosyo at nakalagitnaan na atang may anak silang kailangan pagtuonan ng pansin.

May mga panahon namang si mommy iyong magluluto pero wala akong maalalang nagluluto siya ng gulay. Sa lahat ng luto niya ay adobo ang favorite ko. Laging peace offering niya sa akin ang adobo kaya I can't help but forgive her 'pag may kasalanan siya sa akin katulad ng mga mother's day na hindi niya kailanman nadadaluhan.

Siguro kung may anak si Aling Bebi ay napaka swerti ng anak niya. Maalaga ito kahit madalas itong nagsusuplada.

Pagkabalik ko sa apartment ay natagpuan kong nagriring ang cellphone ko. Nang makitang si Razen ang tumawag ay kaagad ko iyon sinagot.

"Hello?"

"Dulce.." kalmado nitong sabi.

"Razen, napatawag ka?"

"Kumusta ka na?"

Umupo ako sa single couch at naptitig sa kawalan.

"A-Ayos naman ako. Ikaw?"

He sighed. "Good to know. May sasabihin sana ako."

Now he is freakin' serious.

"Huwag kang uuwi sa inyo hangga't hindi ko sinasabi."

Napakurap-kurap ako. I know he is jut worried. Pero ito na ang time na dapat hindi na ako dumepende sa kanila. Tama si Ryan. Nakakaabala na ako sa kanila--sa lahat.

"Bakit? Sabi ko naman sa 'yo uuwi ako pagkatapos ng semester na 'to."

"Uuwi ka 'pag nandiyan na ako," aniya sa pagod na pagod na boses.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon