Kabanata 28

754 55 5
                                    

Suyo

Pagkatapos kong nag responde at salain ang mga emails ay kaagad ko iyon inilista sa isang bond paper. Ini organized ko lahat ang mga customers at ang gusto nilang obra.

Challenging din iyong ganito kahit medyo mahirap. Pero kahit mahirap basta mahal mo ang ginagawa mo ay hindi mo na 'yon naiisip at naiinda.

My phone vibrated kaya agad kong dinukot ang cellphone. Isaac texted me.

Isaac:

I have meetings today. What are you doing right now?

Ako:

Reading emails. I'll go to Buena.Vsta later to see Razen.

Isaac:

Can I come?

Parang sira naman 'to. Kitang may meeting, sasama ba naman sa akin. Nagpipigil ako ng ngiti habang nagtitipa na rin ng i re-reply.

Ako:

'Tsaka na kapag parehas na tayong walang ginagawa.

Isaac:

What about cancelling my meetings?

Nasisiraan na talaga ako ng bait dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-ngingiti dahil sa pinagsasabi ni Isaac.

Ako:

No.

Isaac:

: (

Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinend niya. Ka laking tao lakas magpa baby.

Tumawag na ako kay mommy para sabihin ang plano. She wants me to go to Buena.Vsta para ako mismo ang makapili sa gusto kong pag-gawan ng art studio at opisina.

This will be my first time na pupunta akong Buena na ganito na ang edad. Naalala ko, bilang lang sa daliri akong napapadpad sa Buena. Hindi ko nga alam kung naalala pa ako ng mga empleyado namin.

"Tumawag na ako sa secretary ni Razen, anak. She will assist you there..." si mommy.

Pagkalabas ko sa taxi ay tiningala ko kaagad ang napakalaki at taas ng building namin. Advertising company ang Buena.Vsta. If I am not mistaken, ang mga kilalang brands na may mga dugong pilipino ay sa B.V lumalapit for advertising.

Agad akong namukhaan ng guard pagkapasok ko sa lobby. Yumukod ito ng kaunti sa akin at mukha pa itong natataranta.

"M-Magandang umaga po, Miss Laurell!"

I formally greeted him back at inayos ang bag na nakasabit sa braso ko. I wear a white tube dress at pinatungan ko rin iyon ng white blazer. Pinaresan ko rin ito ng puting stilleto at nilugay lang din ang buhok.

Lahat na mga tao rito sa loob ay agad nagslingunan sa akin. Naglakad ako patungo sa reception area at napansin kong busy ang mga 'to. Hindi ko rin kilala ang nandito so, probably they didn't know me too.

"May I know if Mr. Buenavista is around?"

Gusto ko sanang tawagan si Razen kung nauwi na ba siya galing business trip pero nakalagitnaan ko ang bagay na 'yon. Nagtinginan ang dalawang babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"May appointment po ba kayo sa kan'ya?" ani ng babae na kasing tangkad ko lang din.

Agad akong umiling. "Wala. Gusto ko siyang makausap. Paki sabi na gusto ko siyang kausapin. Here's my ID--"

"Ma'am, Mr. Buenavista doesn't like meetings impromptu," singit ng isang babae.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bastos to, a. Hindi naman siya ang kinakausap ko pero sumabat sa usapan namin ng isang kasamahan niya?

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now