Kabanata 38

802 43 65
                                    

Luha

"Pupunta akong opisina pagkatapos mong kumain."

Ngumuso ako at hindi umimik. Gusto ko sana siyang manatili muna rito pero alam kong may mga trabaho pa siyang dapat asikasuhin.

Nagluluto siya ngayon ng sinigang  at kanina pa ako naglalaway ro'n. He stopped and looked at me. I raised my both brows as I wonder why he suddenly stopped.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"You want me to stay?" aniya.

Agad akong umiling. Saglit niya pa akong tinitigan bago dahan-dahang tumango. I pouted again. Slightly regret. Nagpatuloy siya sa pagluto habang ako naman ay nakatunganga lang sa kan'ya at nilalamutak na sa isip.

Dios, ko. Bakit kasi hinubad pa n'ya ang kan'yang pang itaas habang nagluluto. Pinaglilihian ko ba siya o natitigang lang talaga ako? Shit! Namula ang magkabila kong pisngi at agad nalang iniwas ang tingin.

Pinanood niya lang ako kanina habang kumakain. Pagkatapos ko namang kumain ay dinala na niya ako sa silid para makapagpahinga na. Hindi naman daw siya magtatagal doon, pero aniya kung tatawag ang pulis na humawak sa kaso ko ay pupuntahan niya raw ito sa presinto.

When he left the room, bumangon din ako at dahan-dahang sumunod sa kan'ya palabas. I heard him  answered a call from his phone before he went out in the condo. I sighed. Bababa na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko.

Mommy is calling...

Agad ko iyon sinagot.

"Mommy.."

"Anak, nauwi na kayo ni Isaac?"

"Opo, my.."

"Pauwi na ako. Ako na sana mag-uwi sa 'yo kanina but Isaac insisted. I am here in BV," aniya at may kung ano akong narinig na nag excuse sa kan'ya para may pa pirmahan na dokumento.

"What do you want to eat, anak?" masuyo nitong sinabi.

"I wan't Mcdo, mommy.."

She chuckled. "Naku, anak. Dahan-dahan ka muna sa mga gan'yan, huh? Hindi puwedeng palagi kang kakain ng fast foods. Remember?"

Napayuko ako sabay haplos sa tiyan ko. Ngayon lang 'to, anak. Then, we will eat and live healthy. Ngumiti ako. "Sige po, my. Thank you po!"

"Okay, honey. Bibili na rin ako ng mga meds at vitamins ninyo ng apo ko!" mommy exclaimed excitedly.

Malaki na ang ngisi ko pagkarinig ko 'yon mula kay mommy.

Bumaba na ako at pinakiramdaman ang sarili. Medyo masakit ang sugat na nasa likod ko dahil mas malalim daw ang hiwa no'n kumpara sa sugat na nasa magkabila kong braso.

I am wearing a baby blue stringed dress. Nakalugay lang din ang buhok kong pa alon-alon na halos umabot na sa puwetan ko. Naglakad ako patungong verandah at inisa-isa kong tiningnan ang mga gamit roon.

Malinis iyon at inarrange. Nag utos siguro si mommy ng cleaning team bago pa kami nakalabas ng hospital ni Isaac. I hummed as I scanned the canvases.

Binuksan ko na rin ang sliding door at mga blinds. Bagong palit din ang blinds na naroon at kulay puti ang ipinalit ni mommy. Maganda ang araw ngayon kaya napagdesisyunan kong magpinta nalang.

Kinuha ko iyong hindi ko natapos na painting. It was me and Isaac no'ng nakasakay kaming dalawa sa bumper cars. Kinuha ko ang stool na nasa gilid lang ng nakahilerang cavases at naupo na sa harapan ng obrang hindi ko natapos.

Bahagya kong niyuko ang ulo para matingnan ang tiyan.

"Alam mo, anak...your father brings me to the places where I wish I experienced as a kid," napapaos kong sinabi sabay haplos sa tiyan ko.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now