Kabanata 14

829 62 9
                                    

Banned

Gumaan ang pakiramdam ko kinabukasan. Maaga pa akong nagising dahil sa alarm ko. I immediately scan my place. Wala na si Isaac. Dumapo ang tingin ko sa lamesang may mga nakahain na.

Bumangon ako at tiningnan ang mga 'yon. It was bacon, egg, and fried rice. Mainit pa ang mga 'yon, so meaning kaka alis lang ni Isaac?

Ngumuso ako nang may nakita akong note sa baso na may lamang lemon juice.

Eat up. Don't force yourself to school if you aren't fully recover.

- Isaac

Napatitig ako sa note na naroon. I am happy everytime Isaac is with me but I just can't ignore my own issues. Ayoko sa ganitong set up pero ako naman itong hinahayaan lang ang mga nangyayari. And I don't even know if I am ready for a new commitment dahil may pangangamba pa akong nararamdam.....at mga pagdududa....na hiindi para kay Isaac o sa kanino kundi para sa akin.

Naligo na rin ako pagkatapos kong kumain at nagbihis na para makapunta na skwela. Maayos naman din ang pakiramdam ko kaya papasok ako ngayon.

"Okay ka na ba, Laurell?" One of my classmates asked. Nagulat pa ito nang makita akong pumasok.

"Oo."

Hindi ko lang siguro napansin kahapon na nakatingin na silang lahat sa amin at alam nilang hindi mabuti ang pakiramdam ko. Wala na kasi akong ibang inaalala kahapon kundi ang sakit ng ulo ko.

Nilingon ko ang puwesto ni Zoren. Absent na naman. I sighed. Kinuha ko nalang ang iba ko pang notes at nagsimula nang mag highlights ng mga possible na lalabas sa exams.

Nairaos naman namin ang exams. Nagsusunog pa raw ng kilay si Selah at Yani noong midterms para makapasa. Kung alam ko lang na may gano'ng paraan para makapasa ay sana hindi ako nagpakalunod kaka review.

"Medyo nakakahinga na ako ng maluwag dahil tapos na ang midterms," ani Selah sabay inom ng kan'yang hawak na in can coke.

Nakaupo kaming tatlo sa ilalim ng Mahogany tree. Palagi namang malinis ang carabao grass dito kaya komportable lang siyang upuan. Kahit pa siguro humiga ka ay walang problema.

Nakaharap sa amin si Selah habang kami naman ni Yani ay nakasandal sa malaking ugat nitong kahoy. Naka indian sit pa ito samantalang ako ay ni level ko lang ang mga tuhod ko.

"May finals pa," I replied.

Sumandal si Yani sa balikat ko sabay hikab. "Hindi pa nga tumubo ang kilay na sinunog namin ni Selah no'ng midterms tapos susunugin na naman sa finals," aniya sabay halakhak.

Nagtawanan kaming tatlo.

Nasa gano'n kaming sitwasyon nang may biglang lumapit sa amin. If I am not mistaken, classmate ko ito sa isang minor subject.

"L-Laurell..."

Humarap si Selah sa kan'ya. Nakatayo kasi ito malapit sa likuran niya. Naghihintay naman kaming tatlo sa sasabihin niya when she held her phone out at may pinakita na picture sa amin.

"I-Ikaw ba 'to?"

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nang tiningnan ko ang mga kaibigan ay laglag din ang mga panga nito habang titig na titig sa picture na naroon.

Hindi ako sumagot kaya si Yani na ang nag kumpirma. Pagka alis no'ng babae ay agad akong niyog-yug ni Selah at Yani. Sabay silang tumili at parang baliw na pinag scan ang kani-kanilang cellphone.

"OH MY GOD, DULCE! KAILAN LANG?!" Histerya nilang sinabi.

The pictures they're talking about ay iyong nasa bumper cars kami ni Isaac. Hindi ko naman ini expect na ipo-post pala ng Tom's World ang pictures namin. I deactivated my social media accounts simula no'ng naglayas ako kaya wala akong alam sa mga nangyayari.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now