SEVENTEEN as your clingy hubby (Tag)

214 2 0
                                    

💎S.Coups

You: (Ginagawa ang mga natitira mong gawaing bahay)

SC: (Nakaupo lang sa salas at nakita ka sabay lapit sayo)

You: (Hindi siya napansin)

SC: (Unti-unting napayakap sa likuran mo)

You: (Napangiti ngunit agad itong tinago) Seungcheol ah... Ano nanamang balak mo?

SC: (Napa-pout) Wala naman, gusto ko lang yakapin ang aking little miss wifey~

You: (Napanose-scrunch ) Cheol naman eh!

SC: (Natawa na lang sabay hinalik-halikan ang leeg mo) Kailan ka matatapos? Tara nood tayo ng movie mamaya,

You: (Napabitaw sa walis sabay tingin sa kanya nang seryoso) Tapos hindi na tayo makakanood kasi ano...

SC: Ano?

You: Ano...

SC: (Tilts his head) Ano nga?

You: (Unti-unting namula sa naisip mo) Ano..

SC: (Napangisi) Ikaw ah... Ano yan?

You: (Napatalikod na lang mula sa kanya ng may kay lakas na tibok na puso) Ewan ko sayo... Kahit yata horror movie ginagawa mong makeout session eh!

SC: (Unti-unti kang kinulong sa yakap) Eh nakakatakot eh... Para hindi ako sumigaw kagaya ng ayaw mo, ikaw na lang iintindihin ko...

You: Hmph sige na nga, (Humiwalay sa yakap niya) Tulungan mo muna ako dito para mamaya masamahan kitang manood ng movie, okay?

SC: (Niyakap ka ulit) Ayoko nga! Gusto lang kitang yakapin no~

You: (Napairap sabay tago ng ngiti mo) Ewan, ang landi talaga ng asawa ko…

💎Jeonghan

You: (Naghuhugas ng mga pinagkainan) Shuta ang hirap, hindi naman ako nagmahal para lang maghugas ng mga pinagkainan niya no!

JH: (Napunta sa kusina sabay tabi sayo) Mahal~

You: (Hindi siya nilingon, bakas sa boses ang pagkaasar) Ano nanaman?!

JH: (Pabiro kang inuuntog gamit ang kanyang balakang) Ang tagal mo naman dyan, ayaw mo ba ako katabing matulog?

You: (Napairap) What if tulungan mo kaya ako, diba?!

JH: (Napamaywang) Aba, ayoko nga! Nakakatamad eh...

You: (Pinisil ang ilong niya) Tamad ka naman talaga,

JH: (Pinunasan ang ilong niya) May sabon pa kamay mo mahal, gusto mo ba akong suminghot ng bula?

You: (Natawa na lang sa kanya) Kinain mo nga pimple patch mo tapos nagiinarte ka dahil lang sa bula?

JH: (Napangisi) Ganon ah? (Niyakap ka nang mahigpit) Ang gwapo kong tao sasabihan mo lang ako nang mga ganyan, ha? (Sinundot-sundot ang tagiliran mo)

You: (Natatawang sinusubukan na kumawala sa kanyang yakap) Totoo naman kasi eh, kumakain ng pimple patch WAHAHAHAHA!

JH: (Mas hinigpitan pa ang yakap sayo) Wag ako, ikaw nga ginagawa mong kape yung lupa,

You: Eh nung bata pako yun. Ikaw nga kung kailan ka tumanda saka mo ginagawa, ayaw mo lang aminin.

JH: Yah, tumigil ka na nga. (Hinawakan ang magkabila mong pisngi)

You: (Biglang napatigil sa pang-aasar sabay tingin sa kanya)

JH: (Pinagmasdan nang kay lalim ang iyong mga mata) Y/n...

You: (Hindi makapagsalita sa sobrang lakas ng tibok ng puso mo) ...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seventeen Threads (ENG • TAG)Where stories live. Discover now