SEVENTEEN kapag nabasa ang story mo about them (TAG)

119 1 0
                                    

💎S.Coups

You: (Nagsusulat ng story)

SC: (Umupo sa tabi mo) Y/n... Ano yan?

You: (Hinigit ang notebook sa tabi mo) Ah eto? W-wala...

SC: (Tinignan ang notebook) Talaga ba? Pabasa nga! (Biglang kinuha ang notebook)

You: (Sinubukang kunin ang notebook) CHEOL! Akin na yan!

SC: (Lumayo sayo) Mamaya na... (Tinignan ang page na sinusulatan mo) Hmm...

You: (Tumalon para kunin ang notebook) Ibalik mo yan!

SC: Basahin ko muna to... (Binasa ang notebook) Wala na akong mahihiling pa sa sandali na ito, si Seungcheol lang ang nais kong kasama...

You: (Pinaghahampas na siya) Cheol! Balik mo sabi!

SC: Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing mahal niya ako... (Napatingin sayo) Wait, ginawa ko ba yun?

You: (Nainis at kinuha ang notebook mo) Wag mo nang intindihin yun... (Umalis)

SC: (Hinabol ka) Wait y/n...

You: (Nilingon siya)

SC: Ano yun... At bakit ako?

You: (Nagsalubong ang kilay) Pakialam mo ba? Ayaw mo bang sumaya ako sa pagsusulat ko?

SC: (Lumapit sayo at hinawakan ang kamay mo) Hindi. Ang gusto ko... Totohanin natin ang nakalagay diyan sa notebook mo.

You: (Nanlaki ang mata)


💎Jeonghan

You: (Napatulog habang nagsusulat)

JH: (Tinignan ka at napailing) Hayst... Si y/n talaga, anong oras ba to natutulog? (Kinuha ang notebook mo) Hmm... Bakit puro mga... Ano ba to? Hindi ko maintindihan?!

You: ...

JH: (Nilipat ang mga pahina hanggang sa nakita ang isang parte na may maayos na sulat) Noong pagbalik ni Jeonghan, nagulat ako noong hinalikan niya ako... (Nanlaki ang mata)

You: (Nagising) Ano ba yan, ang ingay mo- (Nakita si Hannie) Bakit nasayo yan?! (Binawi ang notebook)

JH: (Biglang napangiti) Y/n... Share mo naman sakin kung ano ba ang sinusulat mo diyan...

You: (Napaiwas ng tingin) Ayoko nga! B-bakit ka ba nakikialam eh hindi naman ito sa iyo

JH: (Hinawakan ang pisngi mo) Y/n...

You: (Nanlaki ang mata) Hannie?

JH: Sabihin mo nga sakin, gusto mo ba ako?

You: (Biglang namula) H-hindi ah...

JH: I don't believe you (Bigla kang hinalikan)

You: (Nagulat)


💎Joshua

You: (Nagsusulat sa notebook)

JS: (Biglang tumabi sayo) Hi y/n!

You: (Kinabahan) A-ahm... S-sorry Joshua ah... B-babalik na ako sa classroom... (Biglang umalis)

JS: (Napataas ng kilay) Anyari dun? (Nakita ang naiwan mong notebook) Ano to? (Tinignan ang mga pahina at nanlaki ang mata)

You: (Bumalik at nakita na hawak ni Shua ang notebook mo) J-joshua?

JS: (Tinignan ka) Y/n...

You: (Binawi ang notebook mo at napangiti nang napipilitan) S-sorry ah... Nabasa mo pa yata mga cringe na story ko...

Seventeen Threads (ENG • TAG)Where stories live. Discover now