SEVENTEEN trying to stop your wedding ft. ex mo sila (TAG)

167 1 0
                                    

💎S.Coups

(Na-flat ang gulong ng bridal car mo kaya lumabas kayo ng driver)

Driver: Ma'am pasensya na mukhang may nakatusok sa gulong natin...

You: (Napatango) Sige kuya, okay lang maaayos pa yan...

Driver: Hingi po muna ako tulong ah. Hintayin nyo po ako. (Umalis)

You: (Napabuntong-hininga at nagpalakad-lakad)

SC: (Bigla kang binuhat na parang sako)

You: (Nagulat at napahampas sa kanya) HOY! IBABA MO AKO!

SC: (Tumakbo at binaba ka sa kalayuan) Y/n... Pasensya na...

You: (Nanlaki ang mata) CHEOL?! ANONG-

SC: (Hinawakan ang mga braso mo) Makinig ka sakin... Please?

You: (Napairap) Bakit naman?

SC: Si Junho... Niloloko ka lang niya.

You: (Nanlaki ang mata) Ano?! Sige nga, patunayan mo!

SC: (Pinakita ang maraming pictures ni Junho na may kasamang babae)

You: (Biglang naluha) Bakit ngayon pa talaga Cheol? Bakit sa kasal ko pa?

SC: (Bigla kang niyakap) Sorry y/n... Naging duwag ako. Promise, papatunayan ko sayo na hindi mo deserve ang ganung mga lalaki...


💎Jeonghan

You: (Palakad-lakad sa loob ng styling room)

JH: (Biglang pumasok sa loob ng kwarto at nilock ito) Miss y/n?

You: (Napatingin sa kanya na naka-disguise) Ikaw na po ba yung makeup artist ko?

JH: (Biglang umiling at tinaggal ang disguise niya) Hindi y/n... Ako ito, si Jeonghan.

You: (Nanlaki ang mata) Anong ginagawa mo dito?!

JH: (Bigla kang niyakap) Y/n... Sumama ka na sakin please?

You: (Sinubukang kumalas) Ayoko! Iwan mo ako...

JH: Y/n... Makinig ka sa akin...

You: (Bigla na lang napaluha) Akala mo madali lang? Ang hirap Hannie, araw-araw inaalala ko na iniwan mo ako! Ang sakit... Ang sakit-sakit...

JH: (Pinatahan ka) Para sa atin yun y/n... Gusto ko mag-aral sa ibang bansa para sayo... Para maging proud ka sakin.

You: Eh bakit mo ako iniwan?

JH: (Napayakap sayo nang mas mahigpit) Please... Hayaan mo lang ako at hinding-hindi na kita iiwan sa susunod...


💎Joshua

You: (Nakangiti at hawak ang kamay ni Junho habang naglalakad papunta sa altar)

JS: (Napatingin sa inyo nang malalim)

You: (Nanlaki ang mata at napabulong) S-shua?

Junho: Okay lang yan y/n... Pari na sya, mabuti nga nag-volunteer si Joshua para sa kasal na ito...

You: (Napailing) Hindi, hindi ko kaya ito... (Biglang tumakbo palayo)

Mga tao: (Nagulat sa ginawa mo)

(Kinagabihan at nakaupo ka sa riverside na palagi ninyong pinupuntahan ni Shua)

You: Kainis, bakit siya pa talaga...

JS: (Umupo sa tabi mo) Ang?

You: (Nagulat) SHUA?!

JS: (Napangiti sayo) Hello my princess...

Seventeen Threads (ENG • TAG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora