SEVENTEEN as your manliligaw sa school (TAG)

148 1 0
                                    

💎S.Coups

Friend: (Naiintrigang napatingin sa bintana) Uy y/n, tignan mo nandito na yung manliligaw mo galing sa kabilang section!

You: (Napairap pero deep inside kinikilig) Anuba, shut up ka nga diyan, gusto kong mag-review para sa test mamaya.

Friend: (Bigla kang hinila) Aanhin mo yang pagre-review kapag di ka naman nagka-asawa sa future? O ayan, puntahan mo na siya, tinutulungan na kita ah?

You: (Napatingin nang masama sa kanya) Lagot ka talaga sakin mamaya...

SC: (Nilapitan ka sabay ngiti) Hi, y/n...

You: (Biglang namula) Hi!

SC: (May inabot na box sayo) Binilhan kita ng maraming chocolates kasi hindi ko kasi alam kung anong gusto mo... Kung Twix, M&Ms, Cadbury, Reeses–

You: (Kinuha ang box mula sa kanya at tumingin nang may nagniningning na mga mata) Okay lang yun anuba, mas maganda nga eh, mas marami akong kakainin... (Niyakap ang kahon sabay ngiti sa kanya)

SC: (Napangiti rin habang tinitignan ka at ginulo ang buhok mo) Pinapasaya mo talaga ako y/n... Sana masaya ka rin kapag kasama mo ako.

You: Masaya ako syempre... Sino bang hindi masaya kapag nakikita yung taong gusto niya?

SC: (Napatingin sayo nang may nanlalaking mga mata) So... Gusto mo na rin a-ako?

You: (Nagulat at napaisip) Sht hindi pa dapat ngayon eh... (Napatingin sa kanya nang kinakabahan) Surprise ko dapat sa—

SC: (Bigla kang niyakap) Na-surprise parin ako y/n... Nagawa mo parin yung gusto mong gawin.

You: (Hindi mapigilang kiligin at niyakap rin siya)


💎Jeonghan

JH: (Biglang sumilip mula sa pinto ng classroom ninyo) Hi!

You: (Nanlaki ang mata) Hannie? Anong—

JH: (Nilapitan ka) Nandito ako para sunduin ka, tapos na klase namin, kaya samahan mo ako at magda-date na tayo. (Sabay ngiti nang nakakaloko)

You: (Napatingin sa mga kaklase at teacher mo) Hannie...

JH: (Nakatingin sayo na parang walang tao sa classroom) Hmm? May problema ba, mahal ko?

You: (Pinaharap siya sa teacher ninyo) Tignan mo! Nasa kalagitnaan pa kami ng klase tapos bigla kang papasok?!

JH: (Nagulat na may klase pa nga talaga kayo) Weh?

You: (Kinakabahang napatingin sa teacher ninyo) Hehe... Sorry po ma'am...

Teacher: (Napangiti na lang) Ay hindi, okay lang Mr. Yoon kahit saan mo gustong dahil ang girlfriend mo. Pwede mo naman siyang turuan, diba?

JH: (Napatango) Yes po ma'am.

Teacher: Sige na... Enjoy na kayo sa date ninyo. May quiz rin pala kami next week, siguraduhin mo na tutulungan mong pumasa girlfriend mo. (Sabay muling balik sa pagtuturo niya)

JH: (Napatingin sayo) Paano ba yan, mag-date na daw tayo...

You: (Napakunot ang noo) Eh paano kung ayoko?

JH: Edi pipilitin kita... (Binuhat ka palabas ng classroom)

You: (Hinampas-hampas siya sa likuran) YOON JEONGHAN IBABA MO AKO!

JH: (Tinawanan ka lang) Ayoko nga!

You: Gusto mo sabihin kong cheater ka talaga—

JH: (Tinignan ka lang) I never cheated on you, y/n...

Seventeen Threads (ENG • TAG)Where stories live. Discover now