Part 5

9 0 0
                                    

"Alam ko kung paano siya magalit," naging malumanay na sagot ni Anna at hopeless na bumalik sa kinauupuan.

"Sige. Anong trabaho ba ang gusto mong ipagawa? Kahit ano, basta huwag lang 'yong bagay na personal at para sa satisfaction ng katawan mo," pagpapatuloy ni Anna at mabilis naman siyang napangiwi nang makita ang pagngisi ng binata.

"Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko na makasama ka sa buong gabi. You're not my type," tila naaasiwang sagot naman ni Xander.

"Since nandito na tayong dalawa, bakit hindi ka muna magpakilala sa'kin? At magpapakilala rin ako sa'yo. Ituring mo itong simpleng job interview," dagdag pa ni Xander at prenteng umupo na rin sa bakanteng silya.

"Bakit ang dami mong tanong?" inis naman na pabalik-tanong ni Anna.

"kasi interesado ako sayo at sa ibang skills mo. At kahit ayaw mo, magtatrabaho ka na sa'kin," walang alinlangang sagot ni Xander.

Hindi makapagsalita si Anna para tumanggi, sumagi rin naman kasi sa isip niya na kailangan niyang makahanap ng stable na trabaho sa Pilipinas dahil wala na siyang trabahong babalikan sa Poland. Handa na sana siyang magsalita nang biglang tumunog ang cellphone niya at si Madam Celia pala ang tumatawag sa kanya.

"Hello po madam? Bakit ka napatawag?" mahinahong bungad ni Anna.

"Anna, I need you here, sa mansyon. Nasaan ka ba? Nag-text ba sa'yo si Hyacinth? Nag-alala kasi ako na baka hindi siya sumipot sa date niya ngayon. Pwede bang tawagan mo siya para sa'kin at itanong ang tungkol sa blind date niya?"

"Sorry po, madam. Wala ako sa mansyon ngayon eh. May kinausap lang akong kaibigan. I mean, kasama ko ang friends ko at hindi po kami magkasama ni Hyacinth," pagsisinungaling naman ni Anna.

"Okay. Pero, pwede bang makisuyo? Pakitawagan mo rin or i-text para lang ma-confirm kung sinipot niya ang date niya," pakiusap naman ni Madam Celia sa kabilang linya.

"Okay po," sagot naman ni Anna. Ibinalik niya ang tingin kay Xander na nagpakita na naman ng pilyong ngiti. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng buntong-hininga nang matapos ang tawag.

"Relax ka lang Ms., you are safe with me. I mean, your secrets rather," sabi naman ni Xander.

"At ano ang hihingin mong kapalit? Ang magtrabaho sa isang walang empathy na gaya mo? Impyerno na nga ang sinapit ko sa ibang bansa tapos sa tingin mo ba ilalagak ko na naman ang sarili ko sa panibagong impyerno?" pagkwestyon naman ni Anna.

"Well, gusto lang naman kitang tulungan. Nase-sense ko kasi na si Madam Celia Sawyer ang kausap mo kanina," panunudyo ni Xander. Tila naging eager na nga siya kilalanin ang dalagang kasama niya ngayon. Kakaiba ito sa mga nakilala niyang babae na hindi independent at mabilis na magpakita ng motibo. Pakiwari niya na sincere din naman si Anna sa motive nito kung bakit ito ang sumipot sa blind date sa halip na si Hyacinth.

"Well. Siguro gagawin ko munang option ang pakikipag-work sa'yo," kibit-balikat na sambit naman ni Anna.

"Hindi mo man lang ba uusisain kung sino ako? At kung ano ang background ko?" aroganteng tanong naman ni Xander.

"Bakit ko naman uusisain kung sino ka? Sikat ka ba? Mapaparusahan ba ako kung hindi kita kilala?" pataray na tanong naman ni Anna at pinagkrus ang mga braso nang bumalik siya sa kinauupuan.

"Masyado ka namang sarcastic. Ako na nga itong nagmamagandang-loob sa'yo," patawa-tawang sagot naman ni Xander na kalauna'y napaayos ng pagkakaupo nang mapansin na tumatawag pala si Madam Celia sa kanyang telepono.

"Uh oh. Look who's calling," dagdag ni Xander at sinadyang ipakita ang screen kay Anna. Nagpinta siya ng mapaglarong ngiti saka naisipang sagutin ang tawag. And as usual, madali na naman niyang na-sense ang takot na nagbabadya sa mga mata ni Anna.

"Hello? Mrs. Mayers, you don't have to worry. Ka-date ko naman ang anak mo. Tama ka nga, she's very beautiful at nagmana siya sa'yo," pagsisinungaling ni Xander sa kausap.

Samantala, tila nabunutan naman ng tinik si Anna nang marinig si Xander. Pakiwari niya'y ginawa lang iyon ng binata para pam-blackmail sa kanya at tila hindi nga siya nagkamali nang balingan siya nito ng tingin pagkatapos nitong makipag-usap kay Madam Celia.

"Iniligtas kita, gaya ng pagligtas mo sa kaibigan mo. Kung ayaw mo talagang maging employee ko for a while, baka naman pwede mong kunin ang business card ko," confident na tugon ni Xander habang binubunot ang card mula sa bulsa ng kanyang elegant tuxedo.

"Alam kong hindi ito ang magiging huli nating pagkikita. Anyway, tapos na ang date natin. Maiiwan na kita. Paid na rin naman ang lahat kaya pwede ka pa ring mag-order ng anumang gusto mong kainin. Mag-take out ka na rin para kay Hyacinth kung sakaling magkikita pa kayo," pang-aasar ulit ni Xander saka tumayo at umalis.

Naiwan namang nakatanga si Anna.

"Malaking gulo itong pinasok ko. Sana talaga hindi na magkrus ang landas namin," naiinis na sambit ni Anna. Pinakalma niya muna ang sarili bago tawagan si Hyacinth. Isa pa ang dalaga sa mga alalahanin niya dahil maaring magduda sa kanila si Madam Celia.

"Hyacinth, tinatawagan ka raw ni madam. Bakit hindi mo sinasagot or bakit hindi ka man lang nagsabi na kunwari, nakasipot ka sa date?" nag-aalalang bungad ni Anna sa kanyang itinuring na bestfriend.

"Sorry Anna, nagpa-check up kasi ako kasama ang boyfriend ko. Anyway, nakikita kong tumatawag siya pero hindi ko naman pinapansin. Bahala na. Siya nga pala, nakasipot ka ba sa date? Kumusta? Nakita mo na ba siya?" paglalahad at pag-usisa na rin ni Hyacinth.

"Okay naman. Hindi ko akalain na halos kaedad ko lang siya at mayabang siya. Ininsulto niya ang pagkatao ko at wala akong nagawa para ipagtanggol man lang ang sarili ko," malungkot na pagsiwalat naman ni Anna.

"Pasensiya na kung kailangan mo pang maranasan 'yan dahil sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Babawi naman ako sa'yo. Pero pwede bang puntahan mo muna ako sa secret apartment ko?" pakiusap pa ni Hyacinth.

"No problem. Sige, kita na lang tayo basta i-text mo lang kung anong oras," mabilis na pakli naman ni Anna at tinapos na ang phone call kay Hyacinth. Nang lumabas siya sa restaurant, laking gulat niya nang may humarang sa kanya na isang hindi kilalang lalaki.

Blind Date With Mr. Arrogant [FINISHED]Where stories live. Discover now