Part 4

11 0 0
                                    

Naiiling na bumuga ng hangin si Anna nang makalayo na si Madam Celia at ang mga kasama nito.

"Kailangang matawagan ko na si Hyacinth," sambit niya at dali-daling nag-chat na sa kaibigan na dumating na pala sa business trip ang nanay nitong may kasamaa ang pag-uugali. Hindi napalagay si Anna hangga't sa maiuwi na niya sa secret apartment ni Hyacinth ang mga gamit pambata na ipinamili niya sa mall. At kinabukasan, dali-dali siyang nag-ayos ng sarili para paghandaan ang nasabing date sa isang exclusive at first class restaurant. Nagbihis pa siya nang maganda at nag-makeup na para bang nobyo niya ang katatagpuin sa araw na 'yon.

"Siguro okay na rin na ganito ang shade ng lipstick ko. Hindi naman mahilig sa red shade si Hyacinth. Kailangan pati postura niya, magaya ko rin," paniniguro ni Anna habang matagal na nag-retouch siya restroom. Saka lang siya lumabas nang makita niyang presentable at kaaya-aya na ang kanyang itsura. Iglap na kaba ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon dahil sa samo't saring assumption niya sa makaka-date. Ang tanging instruction lang na nakita niya ay tanungin ang waiter kung saang table ito nakapwesto at sabihing siya ang date ni Xander Mayers.

"Napaka-hassle naman ng instruction ng lalaking 'yon. Sasabihin lang naman niya ang itsura niya, hindi pa magawa," naiinis na sambit ni Anna habang naglalakad para i-approach ang isang waiter na hindi pa busy sa pagse-serve.

"Excuse me, ako nga pala si Hyacinth Sawyer, ang ka-date ni Mr. Xander Mayers," magalang na bungad niya sa waiter. Tumango lang ang waiter at sinamahan siya sa itaas na palapag kung saan tanging sila lang yata ni Xander ang customer.

"Wait, gusto ko lang linawin na talaga bang kami lang dapat ang nandito sa area na 'to?" curious na tanong ni Anna.

"Opo ma'am. Nirentahan ni Sir Xander ang buong area para mas tahimik kayong makakapag-usap na dalawa," tugon naman ng waiter bago umalis. Nilibot naman ni Anna ang paningin sa kabuuan ng paligid at mas naiinis siyang mapagtanto na wala pa rin pala ang kanyang ka-date.

"Hindi naman pala siya darating sa tamang oras, eh 'di sana hindi na lang ako nag-prepare para sa date na 'to. Kung talagang siya ang date ko, turn off agad ang ganyang attitude sa'kin," aburidong saad ni Anna saka umupo. Mahigit limang minuto rin siyang naghintay sa kanyang ka-date at naibsan ang pagkainip na naramdaman niya nang may marinig na boses ng lalaki na tila may pinagagalitan sa telepono nito habang papalapit.

"Kahit kailan talaga hindi mo nagagawa ang gusto ko. Kailangan within the day, mabawi ang deal na 'yan. Wala akong pakialam kung hindi ka makauwi. Mas mahalaga 'yan kaysa sa'yo," naiinis na sigaw ni Xander sa kausap. Dismayado kasi siya sa outcome ng negosyo sa araw na ito. At nang matapos ang pagtawag, naipukol na niya ang tingin sa isang sopistikadang babae na nakaupo at tila naghihintay sa kanyang pagdating. Ngunit natitiyak niya sa simula pa lang na hindi ito ang anak ni Mrs. Sawyer na ka-date sana niya ngayon.

"Excuse me. Nagkamali ka yata ng pinuntahan. Naka-reserve ang area na 'to para sa date ko today," arogante at tila pagalit na pagsita ni Xander kay Anna. Mabilis namang napaangat ang tingin ni Anna dahil sa pagkagulat.

'Ito na ba si Xander Mayers? Ang gwapo naman pala niya at sa tingin ko magkasing-edad lang kami,' wika ni Anna sa kanyang isip na napaawang lang ang bibig at hindi makahuma sa karisma ng kaharap niyang binata. Ngunit sa halip na magpatalo sa pagiging provoking ng ugali nito, minabuti ni Anna na tumayo at magpaka-straightforward na lang din.

"So, you must be Mr. Xander Mayers? I'm Hyacinth Sawyer, your date for today," tila malambing na pagpapakilala ni Anna sa sarili at talagang sinadya niyang gayahin ang paraan ng pananalita ni Hyacinth.

"Stop pretending. Kilala ko kung sino ang Hyacinth na ine-expect ko. Mas maganda siya kumpara sa'yo na hindi presentableng tingnan at mukhang cheap pa ang fashion sense," sadyang pang-iinsulto ni Xander na taliwas naman talaga sa impression niya kay Anna. Sa totoo lang, nagagandahan naman siya sa dalagang ito pero hindi niya maiwasang maging doubtful kung bakit ito ang humaharap sa kanya.

"Ako talaga si Hyacinth," giit pa rin ni Anna kahit bistado na siya sa kanyang pagpapanggap.

"Alam ko mahirap ang buhay at nauunawaan ko kung bakit mo 'to ginagawa. Tanggapin mo ang tseke na worth 50 thousand basta umalis ka lang. Pero ihanda mo na rin ang sarili mo sa galit ni Mrs. Sawyer, at sa galit ko," seryosong pagkakasabi ni Xander na talagang intentional na namang pino-provoke si Anna.

"Sinasabi mo bang mukhang pera ako? Ginawa ko lang ito para iligtas ang kaibigan ko. So, masaya ka na?" lakas-loob na tanong ni Anna. Napilitan na lang siyang umamin sa kanyang pagpapanggap. Napaatras naman siya nang lapitan siya nang maigi.

"Bakit? Sinong ililigtas mo?" tanong naman ni Xander.

"It's none of your business! At isa pa, hindi ko kailangan ang pera mo. Kinikita ko rin 'yan noong nasa Poland pa ako," matapang na sagot ni Anna at talagang nais na patunayang hindi siya masisindak ng binatang ito.

"Wow, Poland? Baka nagkita na tayo doon at hindi ko lang alam. Tamang-tama. I can use you," pakli naman ni Xander na nagpakita ng makahulugang ngiti.

"Magagamit? Hindi ako gamit Sir Xander!" asik naman ni Anna.

"Pero pwede kang mapahamak for using someone's identity for your own interest. At sasabihin ko rin ito sa nanay ni Hyacinth. Kapag nalaman ito ng mom niya, pwede siyang malagay sa alanganin. Actually, hindi ko alam kung anong kalokohan ang gusto mong pasiklabin, miss. Kaya ngayon, magtrabaho ka na lang sa'kin for a while," mayabang na pahayag naman ni Xander. Kitang-kita rin niya ang pangamba ni Anna sa mga sandaling iyon at masasabi niyang umuubra ang istilo niya para sindakin ang dalaga na nagkukunwaring matapang.

"Kanina gusto mo akong bayaran pero ngayong nalaman mo nang nakapagtrabaho ako sa Poland, saka mo ako aalukin ng trabaho? Ganyan ba talaga ang mga businessman? Walang pakialam sa damdamin ng ibang tao basta ang mahalaga lang ay pumabor ang lahat sa kagustuhan niya? At wala kayong pakundangan na mag-take advantage sa isang tao dahil sa skills na nakita ninyo sa kanya?" madamdaming tanong ni Anna at saka muling sumagi sa isip niya ang misteryosong businessman na naging dahilan ng pagkakasesante niya sa trabaho.

"Oo gano'n kami. We're always after business. Kung wala kaming makukuhang pera sa isang bagay, bakit pa kami didikit doon?" ganti naman ni Xander.

"Napakayabang mo. Ipagdarasal ko na lang na makahanap ka ng katapat mo, 'yong tipong magpapabagsak sa'yo dahil sa masama mong ugali!" asik pa ni Anna. Nagmadali siyang umalis sa area ngunit madali naman siyang napigilan ni Xander nang harangin nito ang dinaraanan niya.

"Seryoso ako sa banta ko kanina, miss. Hindi mo alam kung gaano kasama magalit ang isang Celia Sawyer," pakli naman ni Xander at nagkunwaring idi-nial ang numero ng ginang na kanyang binanggit. Kitang-kita niya ang iglap na takot sa mukha ni Anna kaya mas lalo siyang na-curious sa katauhan nito at kung bakit nito sinabi kanina na may kailangan lang itong iligtas. Marahil may malalim talaga itong dahilan na gusto niya rin namang malaman kahit papaano.

Blind Date With Mr. Arrogant [FINISHED]Where stories live. Discover now