Chapter 3

82 16 4
                                    

The Lord Aesir

Lux Wayne Agcaoili

"HINDI ko alam kung magkakaroon ako ng konting galit sa Ace Team, e. Alam naman nilang baguhan ka dito tapos ganoong challenge agad pinagawa sa'yo?" gigil na sabi ni Kaleya. Kanina pa siya gigil na gigil sa paglitanya habang ako ay nakahiga sa clinic bed. Dinala ako nina Coach dito, mabuti nalang nasa tabi ko si Kaleya at nag-insist siya na siya na ang magbantay sa'kin.

Nakabenda ngayon ang kaliwang kamay ko matapos lagyan ng yelo. Humupa na rin ang sakit pero may kirot pa rin kapag gumagalaw ako.

"Ang isang athlete kahit saan pumunta dapat malakas," sagot ko.
Biglang nagbago ang expression niya, lumiwanag ang mga mata. "Pero shems, ang cool mo kanina. Narinig ko nga sa mga haliparot na katabi ko na kasali ka na daw sa mga crush nila."

Napangiwi ako. Kinilabutan. Ew.
"Syempre 'di ako papatalo kaya nag-'I love you' na agad ako sa'yo. Porket nakita nila ang galing mo magugustuhan ka na nila? E, noong di pa nagsisimula panay panglalait nila sa'yo."

Naipaling ako at natawa. "Normal naman na sa tao ang manghusga lalo kapag di ka kilala at pumuri kapag nakita nila ang kakayahan mo."

"Kahit na, nag-alala ako kanina na baka ma-injure ka ng malala dahil sa lakas ni Lord A, pero kabog ka! Ang bongga ng performance mo do'n."

"Hindi ba ako nagmukhang tanga?"

Halos mabali ang ulo niya kakailing. "Of course not, para kayong may mga super powers na nag-one on one.
Partida sa probinsya ka lang nag-training, tingin ko kapag nakasabay mo na silang mag-training dito mas magiging magaling ka kaysa sa kanila."

Inirapan ko siya. "Wag mong palakihin ang ulo ko. Wala akong binatbat sa kanila, hindi ko pa nga ata abot kahit kalingkingan nila."

"Mas lamang ka sa ibang Ace player, hindi lahat sa kanila kayang saluhin ang bola ni Lord A."

Nagitil kami sa pag-uusap nang may kumatok. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Coach Clinton kasunod ang Ace Team. Lahat sila. Napatuwid ako ng upo mula sa pagkakasandal sa unan nang isa-isa silang pumasok.

Agad kong tinapik ang kamay ni Kaleya na nakahawak sa kamay ko. Sanay kami sa pagiging clingy bilang mag-bestfriend pero dahil lalaki ako sa university na ito alam kong iba ang magiging tingin nila.

Pangiti-ngiti si Coach, halatang nakita ang magkahawak na kamay namin kanina. Kumindat siya sa'kin. Gusto kong masuka. Alam ko nasa isip niya.
"A-Alis muna ako," paalam ni Kaleya. Hindi pa man ako sumasagot ay kumaripas na siya ng takbo.

"Mukhang hindi mo na kailangan ang pangangamusta namin, ah. Mukhang bumalik na agad ang lakas mo," kantyaw ni Coach.

Napangiwi ako. "Ayos na nga ho ako, Coach."

"Unang araw mo dito may girlfriend ka na agad?" manghang tanong ni Mulciber.

"Sabi ko naman sa inyo, hindi ako nagkamali ng pinili," pagmamayabang ni Coach.

Napatingin ako kay Lord Aesir, napalunok ako nang magkasalubong ang mga tingin namin. Wala pa rin siyang reaksyon, which is normal na reaksyon na niya.

"Kaibigan ko lang si Kaleya, bawal ang romantic relationships sa team na 'to, hindi ho ba?" tanong ko kay Coach kaya bigla siyang sumeryoso at mapakamot sa batok.

Nasa tama pa naman ang pag-iisip ko, kahit ata mabaliw ako hindi ako papatol sa bruha na 'yon. Hindi kami talo. Pareho kaming dalawa ang bibig.

"Kumusta ang kamay mo?" tanong ni Vanir.

Love Me, CaptainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang