Chapter 2 • "Dumb & Freak sa Lunch Death"

50 2 0
                                    

She is a freak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She is a freak.

Ang nag-iisang salita na kayang mag-encapsulate ng kanyang anomalous sass, galvanic character, demoralizing stamina, glaring volatility, psychotic tendencies, erratic choices at menacing lingo.

However, she is also Goddess-level beautiful: a nonnegotiable.

Ang pinaka-freaking vis-a-vis pinaka-interesting na part? She invites me to eat with her. In her house. After ng lahat ng chaos. Mukhang hindi magandang prospect pero I'll try para malaman ang significant na sasabihin niya. Inihahanda ko na ang sarili sa isang worst, o best, case scenario.

Anything could possibly never go right sa lugar na anything is wrong. Kaya naman, I will call it the 'Land of Neverneveright.' Respect my opinion nalang, siguro naman kahit papaano democracy ang umiiral dito. Sigurado naman akong hindi ito communism dahil-

Pinatik niya ang kamay ko ng hawak niyang sandok. Nakatitig na naman sa akin ang beautiful freak na ito na ngayon ay nag-evolve na from a colorful mummy to an achromatic butterfly sa kanyang maluwang na puting dress. Fitting, the playful brushes of her short hair sa kanyang off-shoulder dress radiates hotness.

But behold and beware, for she is the very definition of tyranny.

"Aw!"

"Sino nagsabing kakain ka? I invited you sa lunch, hindi ko sinabing eat with me. Dumb!" Diniretso niya sa bunganga ang tatlong blueberry.

"This is nuttier than nuts."

Inurong ko ang kamay. Kukurot sana ako sa salmon. Pinigilan ko nalang ang laway kong tumulo nang lunukin ko ito pabalik ng esophagus. I'm drooling over these foods na nilalagay niya sa mesa.

Lobsters. Prawns. Salmons. Oysters. Crabs. Seaweed.
Steamed. Buttered. Stir-Fried. Skewered. Roasted. Vinegared.

Paano siya nakakuha ng ganito kadaming pagkain samantalang wala akong real food sa kabila?

Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya para bumalik ng kusina hanggang hindi ko inilagay ang dalawang kamay ko sa lap. This means para ito lahat sa kanya at ako ay titingin lamang na nakaupo dito habang kakain siya. This is pure torture! This lady, really.

Nang humakbang na siya patalikod para bumalik sa kusina ay tinyempuhan kong hablutin ang isang piece ng ubas sa isang bowl ng mga prutas. Mabilisan ko iyong inilagay sa bunganga.

Hindi pa siya nakakarating ng kusina ay tumigil siya. Hindi lumingon sa akin. "Ibalik mo 'yan. Kung ayaw mong paglamayan kita."

Dali-dali kong binalik ang ubas na seatmate ng buko at tumingin sa malayo. Nag-whistle ako na kunwari walang ginawa. Ang damot naman nito. Bakit niya alam? May mata ba siya sa pwet? Gutom na gutom na ako ih.

Para saan pa 'tong isang blangkong plato sa harap ko kung hindi niya ako pakakainin?

Rewind ko lang bakit ako napunta sa miserableng sitwasyon na ito ngayon. */Tape rolling x2...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flower Picker and Stone Houses and Beer and LoversWhere stories live. Discover now