Becky's POV
It's been a month mula nung nakipag hiwalay si frei sakin, ilang araw din akong nagmumukmok lang sa kwarto ko at alam na din ng parents namin ang nangyari
Galit na galit si Daddy kay Frei dahil sinira daw nito ang pangakong aalagaan ako at di sasaktan
Palagi kong kasama ang kakambal ni frei sa trabaho na nagpapa alala din sakin ng mukha ni frei
Pero madalas nakikita ko nalang ang sarili ko na pinag kukumpara sila, malayo kasi ang ugali nila sa isat isa at kapansin pansin naman yun
Palagi akong inaaya ni P'freen sa mga lakad nilang magkakaibigan kahit na minsan eh bored na bored sya dahil parang di naman talaga nya trip sumama kahit na sya ang nag aaya sakin
Nakakatulong naman yung mga lakad na yun dahil nakakalimutan ko minsan ang sakit na nararamdaman ko at pag iisip ng kung ano ano tulad ng kung nagkulang ba ako or may nagawa kaya ako pinagpalit ni frei
Minsan hinahatid ako ni p'freen sa bahay at nakikita yun ng magulang ko, galit pa si daddy nung una dahil akala nya kaya ginagawa yun ni p'freen is dahil yun ang pambawi nila sa ginawa ni frei na kasalanan
Isang gabi kinausap pa ni daddy si freen ng masinsinan at mukhang tinakot pa nga ito, pero pagpasok kinabukasan ng tinanong ko si freen is masaya parin ito at di naman nasindak kay dad
Since then good naman na yata sila dahil panatag naman na si papa tuwing hinahatid ako minsan sa bahay ng gabi
Ngayong araw kasama ko na naman si p'freen at inaayos namin ang mga design for the upcoming event ng isang nature theme brand sa company namin
Halos everyday nalang kami magkasama na naging dahilan din para maging close kami, minsan pag sobrang late na nakiki overnight din sya sa condo ko na inuuwian malapit sa office namin
Halos parang magkapatid na kami dahil sa lahat ng bagay eh open kami, may mga oras pa na nagkukwentuhan kami tungkol sa pamilya ng bawat isa at mga experience
Matanda si p'freen sakin ng tatlong taon pero parang mas matanda pa nga ako minsan sakanya, nagkakasundo talaga kami sa mga bagay bagay kaya nag click kami
This weekend nag aaya ang mga kaibigan namin na magbakasyon dahil summer na nga at mainit na naman
Palagi naman talagang summer dito pero dahil mas extra init nga is nag decide sila mag bakasyon sa resthouse daw ni p'freen around province para malayo kami sa city life at toxic life
Malamig daw at fresh ang hangin don kaya gusto nilang magbakasyon doon na naga bigla sakin actually dahil di ko inexpect na gusto pala nila ang mga simpleng bakasyon kagaya nito
"Sasama ka ba this weekend?" tanong sakin ni p'freen
"Kung sasama ka at si Irin then sasama na din ako" i told her
"Sasama ako if sasama ka din, actually papasama sana ako bukas sayo para mamili ng mga kailangan natin" sabi nya
Tumingin naman ako sakanya at tumango rin naman pagkatapos dahil may bibilhin din akong mga needs para sa bakasyon dahil tatlong araw din kami don
"Sige sasama ako, mga anong oras tayo aalis bukasto buy stuff?" tanong ko para makapag ready ako
"Morning around 8AM? Para din di tayo masyado mag rush if may di tayo mabili agad" sagot nya
"Okay." simpleng sagot ko
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan maaga akong nagising dahil baka biglang dumating si p'freen dahil mamimili nga kami ng mga gamit naminAround 7:30AM andito na sya at bumati din sa mga magulang ko na papasok na din ng trabaho
Binigyan ni P'freen ng day off ang mga empleyado nya ngayon araw dahil tatlong araw din kaming wala at sila ang mag aasikaso ng production
Naka hoodie lang ako at pareho nya ay nala pants at sneakers lang din, magkaiba lang kami ng kulay ng damit pero same style
Inaya ko syang mag almusal na di naman nya tinanggihan dahil mukhang di pa yata to kumain at dumiretso agad dito pag gising
Ilang minuto lang matapos kumain ay umalis din naman kami at nagpunta na sa mall
Pagdating namin doon ay hinila nya ako palait sakanya at inangkla ang mga kamay ko sa kamay nya dahil maraming tao
Medyo nakaramdam ako ng ilang pero ilang minuto lang kumalma naman na din ako at nasanay sa presensya nya
Pumunta lang kaming Super Market at kumuha ng iilang snacks at pagkain kagaya ng mga bread at spread para sa byahe kung gutumin
Pagtapos namin don may iilang gamit pa kaming binili sa ibang tindahan at huminto sa isang tindahan ng swim wear para bumili
Sabi sakin ni p'freen may malapit na sapa at falls sa rest house nila at walang masyadong naliligo kaya gusto nyang bumisita doon
Habang nagtitingin ay may inabot sya saking damit, isang puting dress na ikinataka ko
"Mukhang bagay sayo kaya kinuha ko, sukatin mo tas bibilhin ko" sabi nya sakin na parang isang utos
Natawa ako sakanya pero kinuha ko ang damit at sinukat sa fitting room, bagay naman at saktong sakto lang
Paglabas ko pinakita ko sakanya at ngumiti naman sya, inabot ko ito sakanya matapos at binayaran na namim
Dumiretso kami sa isang kainan at nagumpisa ng kumain dahil nagutom kami kakaikot sa mga tindahan
Di ko talaga inaakala na ganto kasimple si p'freen dahil ng una ko syang nakita eh mukha syang mayaman na di mo malalapitan
Ibang iba ang freen sarocha chankimha na nasa magazine ay tabloid kumpara sa totoong sya na nakakasama ko at nakikilala
Siguro kung una ko lang syang nakilala baka sakanya ako nahulog at di sa kapatid nya, lingid sa alam ng iba napaka lambot ng puso nya at front nys lang yung matapang at maangas na freen na kilala nila
Ang Freen na kilala ko ay mabait, soft, caring at mapagmahal sa mga taong mahal nya at kasama.
—————————————
Author's Note:Next is Vacation naman, bakasyon ko din hehe sana wag muna mahimlay next sem hihi malapit na enrollment ko baka maging busy na huhu
Leave a comment and Vote!
YOU ARE READING
I'll Choose You (Revised) | FREENBECKY
General FictionTwo persons with different identity. Two different hearts who will capture one person. Who will be the winner in this race of heart. Who will captivate the heart of Rebbeca Patricia Armstrong.