CHAPTER 7

701 53 8
                                    

Freen's POV

We are early dahil medyo malayo pa ang byahe papunta sa rest house namin

Ewan ko ba at naisipan na naman nilang magbakasyon pero dahil alam kong kasama si becky at mga kaibigan ko ay pumayag na din ako

I'm fond of bec this past few days dahil lagi kaming magkasama at pakiramdam ko is para akong may baby sister sakanya (wehhh sisters daw)

Inaaya ko din sya palagi dahil alam kong minsan naiisip nya parin ang kakambal ko at ang break up nila ng nakaraang buwan

Mga around 5AM nakagising na ako at nag peprepare ng iilang gamit na kinarga ko sa sasakyam ko

Susunduin ko si becky sa bahay nila at mukhang need ko din sabihan ang magulang nya dahil tatlong araw din yun, natatandaan ko pa ng isang beses kinausap ako ng daddy nya about becky

Akala ko is katapusan kona or what dahil napaka seryoso ng daddy nya at ang talim ng mga tingin sakin

Nilinaw lang naman nya sakin ang intensyon ko sa anak nila at sinabi nya rin ang frustration nya about sa nangyari at ginawa ng kakambal ko

Nilinaw ko naman sakanya na wala akong hidden agenda kay becky at gusto ko lang syang protektahan bilang nakakabatang kaibigan o parang kapatid

Matapos namin mag usap eh gumaan naman na ang pakiramdam nya at nagtitiwala na sa akin

Dumating ako kina becky matapos ang ilang minuto at pag pasok sa bahay ay sinalubong ako ng mommy nya na naghahapag sa mesa

Humalik lang ako o beso dito bilang pag galang sakanya at pagbati, maya maya bumaba na din ang papa nya kasama si becky at pinagbitbit pa ito ng gamit pababa ng hagdan

Kinausap ako nito na ingatan ang anak nila at nangako naman ako na iingatan si bec, nagpaalam na din si becky at umalis na kami

Binitbit ko ang gamit nya at sinakay sa likod ng sasakyan at nagmaneho sa meeting place naming magkakaibigan upang sabay sabay umalis

Nang dumating ang lahat at kumpleto na kami ay handa na kaming umalis padiretso sa resthouse namin

"You ready n'bec?" i asked her

Tumango lang naman sya at maya maya ay tumahimik at naka tulog ito, huminto ako saglit at kinuha ang neck pillow ko sa backseat at inayos ang pwesto nya para di mangalay

Nang masigurado ko na okay na si becky at maayos na ang lahat ay nagmaneho na ulit ako hanggang sa makarating sa rest house

Sunod sunod na din silang dumating sakay ng mga sasakyan nila at bumaba na

Inalog ko ng kaunti si becky at dahan dahang tinapik sa pisngi para magising at maituloy ang pahinga sa loob kung sakali

Nagmulat sya ng mata at ngumiti ng makita ako at nalamang nakarating na kami sa rest house

Bumaba kami naka ngiting sumalubong ang mga kaibigan namin, ewan ko ba at minsan ay tinutuya nila kami sa isat isa

I've been caring for beck kasi since naghiwalay sila ng kapatid ko, at sa bawat araw na dumadaan ay mas nagiging close kami na napapansin din ng mga kaibigan namin

Mga mapanuksong mata nina Nam at Kate ang sumalubong samin habang sina Noey at Irin ay nagaayos ng mga gamit namin

Sinabihan ko sila na magpahinga na lang muna dahil alam kong maaga silang nagsi gising

Inayos namin ang mga  kwarto at napag desisyunan na magsama ang dalawang tao sa isang room dahil nga di ako sanay na may ibang kasama sa kwarto maliban kay becky ay sya ang kasama ko sa kwarto na napili ko

Pagpasok namin ay agad na humilata si becky dahil mukhang inaantok pa sya

Pinasok ko lang ang mga gamit namin at nag ayos ng kaunti para mamaya ay madali nalang namin masalansan at maayos

Nang matapos ako ay humiga ako sa tabi ni becky at nabigla ako ng bigla nya nalang akong niyakap

Sinilip ko ang mukha nya at natutulog naman ito, sadyang mahilig lang siguro talaga syang yumakap dahil minsan ay ganto rin talaga

Hinayaan ko lang sya at inayos ang pwesto namin para maka idlip at ilang minuto lang ay nakatulog na din ako

Nagising kami dahil sa katok ng mga kaibigan namin sa pinto dahil nag aaya na silang kumain ng tanghalian dahil hapon na din pala

Tumayo kami at nag ayos ng kaunti bago sumunod sakanila at dinatnan namin silang naghihintay na sa hapag kainan

"Ang tagal nyo naman mga bading, gutom na gutom na kami dito" sabi ni nam

"Sorry na madam" biro ko sakanya at nag roll eyes naman ito

"Mamaya daw freen may palabas sa plaza malapit bayan sabi ng mga tao sa labasan kanina, punta tayo" sabi ni Kate

"Sige if gusto nyo" sabi ko naman

"Malayo ba ang bayan dito? Kanina kasi napansin ko halos nature ang nadaanan natin" tanong ni Irin

"Oum babe, medyo malayo pero tahimik naman kaya magandang pumunta doon" sagot ni Noey sa girlfriend nya

"Sayang bec tulog ka kanina di mo nakita yung dinaanan natin" sabi ko kay becky

Ngumiti lang naman sya at nagpatuloy na kami sa pagkain, nagbibiruan nga sila at puro tawanan din minsan

Sa tuwing nakikita ko si becky hindi ko talaga maiwasang mainis sa kakambal ko dahil nagawa nyang saktan ang babaeng kagaya nya, tahimik lang sya minsan pero lahat ng nakakakita sakanya pakiramdam ko nagugustuhan sya pero hindi lang siguro kayang turuan ng kapatid ko ang sarili nya na mahalin sya

Hindi pa din kami nag uusap ng masinsinan ni Frei dahil naging mailap din talaga kami sa isat isa lalo na at nagalit ang magulang namin ng malaman nila ang ginawa ng kakambal ko

Hindi na naman nila niwasang ipagkumpara kami dahilan para mainis din sakin ang kakambal ko kahit wala naman akong ginagawa

Pagdating ng alas tres ng hapon ay inaya ko na sila para bumaba sa bayan at manood ng palabas sa plaza na gaganapin nga daw dahil malapit na ang fiesta

Namiss ko talaga ang mga gantong bagay dahil sa ibang bansa halos trabaho lang din ang inaatupag ko at wala ng oras para mag liwaliw

Pagdating namin doon ay may tumawag ng pangalan ko na naka kuha ng mga attention namin

—————————————
Author's Note:

My hands are hurting but i have this in drafts so here it is, please enjoy and have a good sky ahead.

Share, Vote and Comment.

I'll Choose You (Revised) | FREENBECKYWhere stories live. Discover now