Epilogue: Every Beat Of Your Heart

1.8K 59 41
                                    











7 YEARS LATER..

"Miss Keith, you really did a good job with the interior of my house." Puri ni Mr. Blanchet habang nakatingin sa bahay niya na ako ang nag design. "I knew I made the right decision to take you as my Architect instead of my daughter."

"Si Daddy naman, nandito lang ako oh?" Reklamo ni Seraphine sa Daddy niya kaya natawa kami ni Tito Sypher.

"Dad's right, Ivy. Ang ganda ng bagong house namin and it's because of you." Pag sang-ayon ni Seraphine sa Daddy niya. "Anyways, where are you going after this? Join us for dinner."

Ngumiti naman ako at umiling. "As much as I wanted to join you, I have things to do pa eh. May meeting pa ko with some clients so I guess I should go now."

"You sure? Hatid na lang kita." Paanyaya niya ulit at tumanggi ako ulit. "Okay sige. Ingat ka ha?"

"Thanks, Sera. Tito Sy, I'll go na po." Nakipag beso sila sa akin at tuluyan na akong umalis doon.

It's been 7 years at heto na ako. Isang Architect at Event Organizer. Nahilig kasi ako sa pagmamanage lately ng mga events simula nung ako ang nag organize ng wedding nila Beatriz at Caitlyn. I had potential daw so.. I made it as my other job na din.

Maraming nagbago for the past years. Gumanda ang career ko kahit na medyo lumagapak ako after I graduated college. Siyempre mahirap talagang mas start using my profession. Kaya pinagtuunan ko na lang muna ng pansin ang mga store namin. Si Beatriz na nga pala ang nagmamanage non kasi tinurn over ko na sakaniya yon. I just really wanted to move forward in my life, and that is by slowly getting away from things that will remind me of her.

3 years.

3 years has passed since she disappeared. Isang taon bago ako grumaduate, bigla na lang siya nawala. Okay pa kami non eh. Wala kaming naging problema kahit magkaiba ang oras naming dalawa kaso one day, hindi na siya nagrereply sa akin. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Bigla siyang nag deactivate sa lahat ng social media niya. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin non. Halos mawala ako sa sarili ko dahil hindi talaga sya nagrerespond sa kahit anong text ko.

Hanggang sa unti unti ko nang tinanggap na hindi na siya babalik. Muntik pa kong hindi maka graduate dahil ang dami kong bagsak non, napabayaan ko ang sarili ko nung mawala siya. Buti na lang nakabawi ako. Inaalala ko na lang kasi yung pangako ko sa kaniya na kahit anong mangyari, magtatapos ako.

Medyo affected pa ako sa nangyari sa amin after kong grumaduate. Muntik pa kong di nakapasa sa Licensure Exam ko kasi wala ako sa wisyo, sa awa naman ng Diyos ay naipasa ko siya.

Bakit nga ba inaalala ko nanaman yung taong iniwan ako sa ere? Enough of her.

Nakarating na ako sa meeting place namin kaya nagpark na ako. Pumasok ako at naghanap ng pwesto ko. Wala pa naman daw sila.

Hindi rin nagtagal ay dumating na din ang family na client ko. 18th birthday kasi ng only child nila and they told me they want her debut to be perfect.

"Si Caitlyn ang nagrefer sa akin sa'yo eh. I really loved how you organized her wedding kasi so I asked her kung sino organizer niya and she told me it was you." Magiliw na kwento ni Mrs. Demetrio sa akin. Napangiti naman ako. Maganda talaga ang image ko dito sa pagiging Organizer ko eh. Sinisigurado ko kasing maayos ang trabaho ko at nasusunod ko ang gusto ng mga clients ko. Kapag sa tingin ko naman ay mas okay yung opinyon ko, sinasuggest ko naman sa kanila.

The whole meeting was fine. Tuwang tuwa ang anak nila, si Dianne, dahil sinusunod ko ang gusto niyang mangyari sa debut niya. She wanted her debut to be black, red and gold themed. Based on her personality kasi I think she's a strong and independent lady. Hindi siya yung tipo ng babae na babaeng babae. She wanted her debut to be elegant and classy. Parang nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kaniya.

Every Beat Of Your HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ