Chapter Thirty - Birthday

1.1K 64 12
                                    








I V Y

"Miss Ivy, anong oras po ba tayo magpupunta sa venue?" Tanong sa akin ni Janine.

Birthday ngayon ni Deanna kaya kinausap ko ang mga staff namin dito sa branch na tulungan akong magprepare ng surprise para sa kaniya. Balak ko sanang isurprise siya for her birthday. Last year kasi nung birthday niya, nag small celebration lang kami. Ako, siya, si Bei at Cait lang ang kasama.

Tumingin naman ako sa relo ko. "Mga 3 tayo magsara para 4 nandon na tayo."

Lumipas ang ilang oras at nakapagsara na din kami. Sabay sabay kaming nagpunta sa venue. Inutusan ko si Bea kanina na i distract na muna si Deanna dahil magdedecorate nga kami para sa birthday niya.

Tulong tulong kami sa pag didikit ng mga decorations, nagpa cater ako dahil madami dami din akong inimbita. More on relatives ni Deanna, relatives ni Cait at Bea, pati din mga gustong isama ng mga staff namin.  May organizer naman akong hinire pero sabi ko sa mga tables and chairs na lang ang kanila, gusto ko kasi ako magdedecorate para sa birthday decors ni Deanna.

Unti unti na ding nagsisidatingan ang mga bisita namin.

Nang matapos kami ay nagpaalam ako na aakyat saglit para maligo. May 2 storey house kasi tong nirent kong venue. Nasa taas ang mga gamit ko, nang makaakyat ako ay naligo na nga ako. Nag-ayos na din ako ng sarili ko. Naka blue dress ako, blue and white kasi theme ng birthday dahil yun ang fave color ni Deanna.

 Naka blue dress ako, blue and white kasi theme ng birthday dahil yun ang fave color ni Deanna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang nag-aayos ako ay biglang nagring ang phone ko, tumatawag si Beatriz. "Hello, Bei?"

"Byang, paalis na kami ng bahay. Nandiyan na ba kayo?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Oo, Bei. Nandito na silang lahat, kayo na lang kulang." Sagot ko. "Nag-aayos na lang ako saglit tapos bababa na din ako."

"Okay, sige. Nasa cr siya nagpapalit na ng damit niya eh."

"Bale ganito, Bei. Suotan mo siya ng blindfold habang nasa sasakyan pa kayo. Pagdating niyo, iwan mo siya sa sasakyan bababa naman yon. Deretso ka na dito sa loob para pagpasok niya, sabay sabay natin siyang babatiin." Pag instruct ko sa kaniya.

"Sige sige. Nandito na siya, text kita pag malapit na kami." Sambit niya. Binaba na namin ang tawag kaya naman binilisan ko na din ang pag-aayos. Bumaba na ako at nakitang madami na ngang tao. Binati ko ang family at relatives ni Deanna. Maya maya ay nagvibrate na ang phone ko.

From: Beatriz

Nakapiring na si Deanna, Byang. Ready na kayo diyan.

"Guys, papunta na sila! Ready na din tayo." Malakas kong saad sa kanilang lahat kaya naman pumunta na kami sa kanya kanya naming pwesto.

Every Beat Of Your HeartWhere stories live. Discover now