Chapter Thirty One - New.. Chapter?

959 60 31
                                    
















D E A N N A

"Lagay mo na lang sa stock room, Jeric. Salamat." Sambit ko kay Jeric, staff namin dito sa store.

Sobrang busy ako lately sa store, si Miss Sungit naman busy na sa college life niya. Minsan na lang kami magkita, maaga kasi ang pasok niya tapos gabi na umuuwi. Dati hatid sundo ko siya.. dati yon. Sa sobrang busy ko sa anim na branches ng store namin, hindi ko na maisingit sa sched ko na maihatid at sunduin siya. Gabing gabi na din kasi ako nakakauwi minsan kaya pagdating ko tulog na siya. Papasok naman siya tulog pa ako. Hindi na nagtutugma ang oras naming dalawa.

Tumingin ako sa relo ko, 4 na. 6 ang out niya. Tumingin ako sa paligid, okay naman na siguro dito. Pwede akong makaalis nang maaga ngayon.

"Vonne." Tawag ko sa manager ng branch namin. "Ikaw na bahala dito ha? Susunduin ko lang si Miss Ivy niyo."

Ngumiti naman siya at tumango. "Sure, Boss D. Message ko na lang po kayo if may kailangan dito sa store."

Tumango din ako sa kaniya at lumabas na sa store. Dumeretso muna ako sa bahay. Nakalipat na din pala kami sa pinatayo naming bahay, pati sila Bea at Cait nakalipat na din sa bahay nila kaya wala na kami sa compound.

Pag-uwi ko ay naligo ako agad. Gusto ko kasing surpresahin ang future misis ko. Namimiss ko na kasing makipag date sa kaniya. Aayain ko na lang siya na kumain sa labas. Saktong monthsary din namin ngayon kaya naghahanda ako.

Matapos kong mag-ayos ay umalis na ako ulit. Naghanap ako ng flower shop at bumili ng flowers para sa kaniya saka ako nagtungo sa NU.

To: Adi Sungit 💛

Adi ko, nandito ako sa parking lot. Wait kita dito ha? I'm here to fetch you. See you! 🥰

Habang naghihintay ako sa kaniya ay nag scroll scroll lang ako sa page namin. Ang daming good reviews kaya umaangat ang popularity namin sa mga tao. Dumadami na nga customers namin kaya nag-iisip nanaman kami nila Bei kung saang lugar maganda mag tayo ng branch.

Napaangat ako ng tingin, nakita ko naman si Miss Sungit papalapit na sa kotse. Inayos ko ang sarili ko at inunlock ang pinto. Malawak ang ngiti ko siyang binati, "Hi, Adi! How's your d--"

"Bakit sinundo mo ko?" Takang tanong niya na ikinapagtaka ko din. "Hindi mo naman ako kailangan sunduin pa, Adi."

"I just want to. Besides nandon naman si Vonne sa store, she can handle it." Sagot ko.

"Wag mo na ko sunduin next time, Adi. I can handle myself. Sinabi ko naman na sa'yo I want to do things by myself na. Pagtuunan ng mo na lang ng pansin yung store natin." Sagot niya. Nagtataka man ako sa pinagsasabi niya pero sumang ayon na lang ako. Napag usapan na kasi talaga namin noon na wag ko na siya sunduin. Ewan ko, bigla na lang niyang sinabi noon na ayaw na niya nagpapa hatid sundo dahil gusto niyang matuto sa sarili niyang paa.

"Okay, Adi." Sagot ko na lang. Naalala ko naman bigla ang flowers sa likod kaya kinuha ko ito at binigay sa kaniya. "Flowers for my Queen. Happy Monthsary, Adi."

Ngumiti naman siya at kinuha ito. "Happy Monthsary. Sorry nakalimutan ko, Adi."

"Okay lang, Adi. Alam ko naman makakalimutan mo kasi busy ka sa plates mo." Sagot ko. "Anyways, I'm taking you out for a date. Saan mo gusto kumain?"

"Wag na, Adi." Napakunot naman ang noo ko. "Gusto ko na magpahinga eh, pagod na pagod ako today. Okay lang ba?"

Umiwas ako ng tingin at tumango. "Sure, sige. Need mo na nga din magpahinga para may energy ka pagpasok mo bukas."

"Thank you, Adi." Sagot niya. Nagmaneho na ako pauwi ng bahay namin. Pagdating namin ay agad siyang bumaba at pumasok sa bahay. Pinark ko na din naman ang sasakyan sa garahe at sumunod sa kaniya. Dumeretso ako sa kwarto at nakitang nasa banyo pala siya. Nagpalit na ako ng pantulog at nahiga. Maya maya ay lumabas na siya at nagbihis. Tumabi na din siya sa akin pagkatapos. Yumakap ako sa kaniya at humalik sa leeg niya. "Deanna.. pagod ako."

"Isa lang please?" Sagot ko at pinagpatuloy pa rin ang paghalik sa leeg niya.

"Wala ako sa mood, Adi. Gusto ko na magpahinga." Sagot niya. Wala akong magawa kundi tigilan na ang ginagawa ko at humiwalay na lang. Agad naman napako ang tingin ko sa leeg niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin dito. "Bakit may pula ka sa leeg? Chikinini ba yan?"

"Ha?" Para naman siyang nagulat at napahawak doon. "Wala 'to. Hindi 'to chikinini, kagat 'to ng langgam. May langgam kasi doon sa tinambayan ko kanina nung break time namin nasa may puno kasi ako."

"Ahh." Sagot ko na lang kahit hindi ako kumbinsido. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil alam kong chikinini yung nasa leeg niya. Tumango na lang ako at tumayo para uminom ng tubig sa kusina.

Nanginginig ang mga kalamnan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa sinabi niya. Alam ko naman kasi ang hitsura ng kagat ng langgam sa chikinini at alam kong chikinini yung nasa leeg niya.

Niloloko mo na kang ba ako, Ivy?

Tulog na si Ivy sa tabi ko pero ako heto at gising na gising pa rin ang diwa. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, na hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin. Hindi ko maiwasang mag-isip. Hindi naman ako tanga para maniwalang kagat lang ng langgam yon dahil kung kagat ng langgam yon, dapat may small bump yon pero wala.

Kung ano ano nang pumapasok sa isip ko. Tama ba na pinayagan ko siyang mag-aral ulit? Simula nung naka dalawang buwan na siyang pumapasok ay ang daming nagbago sa aming dalawa. Hindi na kami tulad ng dati. At dahil nga hindi ako makatulog, tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kusina para kunin ang wine at isang wine glass. Dumeretso ako sa pool area at naupo saka ibinabad ang paa sa tubig.

Hinugot ko mula sa bulsa ko ang isang kaha ng sigarilyo na ilang araw ko nang pinaglalabanang wag gawin. Nakatitig lamang ako don na tila ba hindi ko alam ang gagawin ko. Buntong hininga kong inilabas ang isang stick at sinindihan. Sinabayan ko na din ng pag-inom.

Ano bang nangyari sa aming dalawa? Parang hindi na namin kilala ang isa't isa. Ni hindi na niya maalala na monthsary namin. Sinusubukan ko namang lawakan ang unawa ko eh. Lahat ng pag-intindi binigay ko sa kaniya. Kahit na kulang na kulang ang oras niya para sa akin, ni minsan hindi ako nagdemand sa kaniya. Kasi alam kong pangarap niya na makapag tapos at pangarap niya din na kurso ang tinutupad niya ngayon.

Minsan napapaisip ako.. ganito ba talaga magmahal? Kahit nahihirapan ka na, iniintindi mo pa rin? Kahit masakit na, kumakapit ka pa rin?

Wala eh, mahal ko kasi eh.

Alam ko namang mamahalin ko siya nang walang kapalit.. pero sana naman.. sana.. hindi niya ako niloloko.

"Paniniwalain mo nanaman sarili mo na walang maling nangyayari, Wong." Bulong ng isipan ko.

Oo na, ako na tanga. Eh anong magagawa ko? Kung doon siya sasaya nang hindi siya lumalayo sa akin, tatanggapin ko na lang.

Kahit masakit at kahit nakakababa ng pagkatao ko. Mahal ko eh.

"Bakit nandito ka?" Napalingon naman ako sa nagsalita, si Ivy pala. Gising na. "Nagyoyosi ka ba?"

"Isa lang, Adi." Sagot ko at pinatay na ang sindi nito sa ashtray. Umupo naman siya sa tabi ko at nilubog din ang paa niya sa tubig.

Sa pwesto namin kitang kita mo ang bilog na bilog na buwan. Nakatingin lang ako dito at hindi ako nagsasalita.

"Deanna." Tumingin naman ako sa kaniya at nakita kong nakahawak siya sa leeg niya. "Yung.. y-yung sinabi mo kanina."

"Ano?" Kinakabahan kong tanong.

Nakita ko naman ang paglunok niya habang nakahawak pa rin sa leeg niya. "Yung sa leeg ko.."

















"May iba ka na?" Deretso kong sagot at napangiti na lang ako nang malungkot nang yumuko siya sa tanong ko.

______________________________________________________________________________________

Love, Seven ☁️












Every Beat Of Your HeartWhere stories live. Discover now