Chapter Twelve - I like you

1.1K 48 4
                                    













D E A N N A

Ubo ako nang ubo dahil ang tindi talaga nang mabilaukan ako. Hinagod hagod naman ni Miss Sungit ang likod ko habang umuubo ako dito sa lababo. Langya tong si Papa, binubuking talaga ako eh.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Miss Sungit kaya tumango ako sa kaniya. "So.. totoo yon? Yung sinabi ni Tito?"

Napalunok naman ako. "N-Na ano?"

"Na gusto mo na kong ligawan pero di mo alam kung paano dahil hindi ka naman marunong?" Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ako sumagot, nahihiya kasi ako! Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at unti unti akong hinarap sa kaniya, "Gusto mo ba ako, Deanna?"

Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at sinunggaban siya ng halik. Nang tutugon na siya ay lumayo na ako, "Sapat na ba na sagot yon sa tanong mo?"

Tumingin naman siya sa akin at maya maya'y nagpipigil na ng ngiti kaya natawa ako. "Wag ka namang magpahalatang crush mo ko, Miss Sungit."

"Ang taas talaga ng confidence mo eh no?" Pang-aasar niya kaya ngumuso ako. Natawa naman siya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute naman palang manliligaw nito."

"Talaga? Pinapayagan mo na kong manligaw?" Tuwang tuwa kong tanong. Tumango naman siya kaya napayakap ako sa kaniya. Rinig na rinig ko ang pagtawa niya, parang musika sa tenga ko.

"Mag-iingat kayo, mga anak!" Bati ni Papa sa amin. Humalik ako sa pisngi ni Papa habang si Miss Sungit naman ay nagmano sa kaniya. Kiniss din naming dalawa si Adie at nagpaalam na kami sa kanilang lahat.

Ako naman ang magmamaneho dahil request ni Miss Sungit. Gusto daw niyang yumakap lang sa akin habang nagdadrive ako. Hayy, di pa man kami nababaliw na siya sa akin.

At tinotoo nga niya. Nakayakap lang siya sa akin habang nagmamaneho ako. Hindi ko maalis sa labi ang nga ngiting kanina pa nakapinta. Sobrang saya ko, parang walang mapaglagyan ang saya ko.

Nang makarating kami sa bahay ay tinanggal namin ang helmet ng isa't isa. Nang matanggal na namin ay bigla niya akong hinila papasok ng bahay. Sinara nya ang pinto, nilock ito at sinandal ako doon. "M-Miss Sungit, anong gagawin m-mo?"

Hindi niya ako sinagot at sinunggaban na lang ako ng halik. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at tumugon sa mga halik niya. Nakaabot kami sa sofa at tinulak niya ako para mapaupo ako. Hindi ko agad napansin na wala na pala akong saplot dahil natanggal na niya. Kung saan saan na nakarating ang kamay niya  at nanghihina na ako. Nakakapaso ang mga hawak niya.

Bumaba ang halik niya sa leeg at dibdib ko. Hanggang sa gumapang na ito pababa sa puson ko. Shet! Ano bang gusto nyang gawin?

Nakahawak sya sa dalawang hita ko at bago siya tuluyang bumaba doon ay nag angat sya ng tingin sa akin. "Bakit?"

"Gusto din kita, Kulit." Huling sinabi niya bago ako napahawak nang mahigpit sa sofa.














Nagising ako sa mainit na hiningang bumubuga sa leeg ko. Dumilat ako at tumambad sa akin ang napakagandang dilag na payapang natutulog. Tinititigan ko siya habang natutulog siya, hanggang sa napadpad ang tingin ko sa mapupulang labi niya.

Hindi na ako nakatiis at pinaulanan ko na ng halik ang labi niya. Ang cute cute kasi matulog nito, parang anghel.

Nagulat ako nang bigla nya akong ibaliktad habang tumutugon na sa halik ko. Nang hindi na kami makahinga ay kusa na kaming kumalas at nagkatitigan. "Good morning."

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon