Chapter Eight - What Is Normal?

1.1K 63 15
                                    










D E A N N A

Tatlong linggo na kaming laging magkasama ni Miss Sungit. Minsan siya ang nasa unit ko, minsan naman ako ang nasa unit niya. Halos hindi na nga ako nakikipag boonding sa mga kaibigan ko kasi madalas ay gustong gusto ko na agad umuwi para makita at makasama ko si Miss Sungit. Ganon din siya kada may pasok siya, sa akin siya agad dumederetso.

Hindi ko alam kung anong lagay namin ngayon,  basta ang alam ko lang ay normal at hindi naman nabago ang turing namin sa isa't isa. Masungit pa rin siya sa akin at ako nama'y kinukulit pa rin siya.

Ang cute niya kasi kapag sinusungitan niya ako.

"Hoy, Deanna Wong." Tawag sa akin ni Bea, nasa bar kami dahil may gig kami ngayon. Nasa Laguna kami dahil dito ang gig na inalok sa amin. Tinanggap namin dahil ngayon lang kami inalok ng gig sa malayo. Sobrang saya nga namin dahil malaki ang bayad, madami daw kasing nagrequest sa amin na tumugtog dito. "Loko ka, kung hindi pa tayo magkaka gig sa malayo hindi ka pa sasama sa amin na gumala."

Natawa naman ako. "Madami kasi akong inaasikaso sa bahay, tol. Wala akong oras gumala at magliwaliw ngayon. Buti nga't nadestino tayo dito, makakapahinga ako saglit."

"Ulol! Daming inaasikaso-- ang sabihin mo sinosolo mo kasi si Ivy sa unit mo!" Natatawang pang-asar ni Bea kaya natawa ako.  "Bilib ako sa'yo ah? Anong pinakain mo don at naging close kayo? Hindi naman pala kaibigan yon simula nung ginago ni Alonzo yon eh."

"Pechay ko." Nakangiti kong sagot at naibuga naman niya ang kakainom lang niyang beer, sa mukha ko. "Parang gago naman, Bei! Nambubuga amp."

Nagpunas naman siya ng bibig niya at inabutan din ako ng tissue. "Tanga kasi ilang buwan pa lang kayong magkakilala pinakain mo na agad pechay mo? Ang lupit mo talaga, Deanna Wongst!" Napakunot naman ang noo, pinagsasabi nito?

Ay hayup.

"Bonak, pechay na gulay kasi! Paborito niya kasi 'yung ginisang pechay na niluto ko kaya naging close kami. Dumi dumi ng utak mo, Beatriz!" Bulyaw ko at binato siya ng crumpled tissue. Napaka lumot kasi ng utak. Inabot ko ang hindi pa bukas na bote ng beer at tinungga ito. Tinignan ko ang phone ko kung may notif ba ako, pero wala kaya nilapag ko ang phone ko sa mesa. "Hoy, Beatriz. Salamat pala ha?"

"Saan?" Takang tanong nito.

Tumungga naman ako bago sumagot, "Sa pagpapakilala mo kay Miss Sungit sa amin ni Mads. Nawala yung lungkot ko dahil sa kaniya, tol." mahinahon kong sagot habang nakatingin sa bote na hawak ko.

"Ano ka ba, tol. Wag ako ang pasalamatan mo," Sagot niya. "Yung tadhana ang pasalamatan mo. Tinadhana na makilala mo si Ivy nung mga panahong malungkot ka. Sa totoo lang, Deans, masaya ako-- kami ni Maddie, dahil nandiyan si Ivy sa tabi mo. Kampante na kami na hindi ka na mag-iisa, na hindi mo na ulit gagawin yung dati."

Napatitig naman ako sa bote, naalala ko ulit ang nangyari noon.

Pero.. nakangiti na ako.

Ngayon ko lang nagawang ngumiti at hindi masaktan kapag naaalala ko ang panahon na yon. Masaya, masaya na akong ngayon. Wala nang sakit, kirot o kung ano pa man na natitira dito sa puso ko. Siguro nga napatawad ko na siya at ang sarili ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang magring ang phone ko. Tinignan ko ito,

My Miss Sungit is calling...

Napangiti naman ako at sumenyas ky Bea na sasagutin ko lang ang tawag. Lumabas ako ng bar at sinagot ang tawag. "Hello, Miss Sungit!"

"Energetic tayo diyan ah?" Natatawang sambit niya. "Kumusta gig niyo? Solid ba?"

Every Beat Of Your HeartWhere stories live. Discover now