Chapter Twenty Eight - She Mad

939 42 1
                                    


















I V Y

Kanina pa umalis si Deanna pero hindi pa rin bumabalik. Nasaan na yun? Baka naligaw na yon.

Niligpit ko na lang muna ang pagkain namin, naka baunan naman kami. Lahat ng gamit namin ay nilagay ko sa bag ko at kinausap ko yung isang babaeng kasama namin. Nasaan pala yung isa? "Ah, Miss? Pwedeng iwan ko lang to saglit dito? Pabantay naman oh, pupunta lang ako sa isla."

"Sure, Sis! Lagay mo lang diyan." Nagpasalamat ako sa kaniya bago bumaba sa tubig. Nilangoy ko ang isla, malapit lang kasi. Palinga linga ako habang hinahanap si Deanna, nasaan na kaya yon?

Nahagip naman ng mata ko ang dalawang tao na magkapatong sa buhangin. Ano ba yan, dito talaga nagpatungan?

Lumapit ako dito para makidaan pero biglang umangat ang lahat ng dugo ko nang makita ko kung sino ang mga yon.

Si Deanna lang naman at ang isang babaeng kasabay namin sa floating cottage. Kung hindi ako nagkakamali, eto yung babaeng panay ang tingin sa kaniya mula pa nung sumakay kami. Inoobserbahan ko lang dahil akala ko nawiwindang ako.

"Deanna Wong." Madiin kong tawag sa kaniya at saka niya lang ako nakita. Nakatingin lang ako sa kaniya pero wala akong reaksyon.

Agad nyang tinulak yung babae at tumayo. "Baby! It's not what you think it is--"

"Save it." Sagot ko at tinignan ang babaeng nasa ibabaw niya kanina. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Onting hiya naman sa akin at sa boyfriend mo, Miss. Wag kang magkalat ng kalandian mo dito."

Tinalikuran ko na silang dalawa at bumalik sa cottage. Habang naglalakad ako sa tubig ay bigla akong nakaramdam ng pananakit ng binti ko. Lintek na, ngayon pa talaga nag cramps tong paa ko. "Baby! Ano nangyari?"

"Okay lang ako. Pulikat lang." Naglakad na ako palayo sa kaniya at bumalik na sa cottage. Umakyat ako doon at dumeretso sa boyfriend nung babae kanina. Kinalabit ko siya kaya lumingon siya sa akin. "Yung girlfriend mo nagkakalat ng kalandian dito. Paki sabihan naman na tantanan niya girlfriend ko. Hindi magandang bigla bigla syang humahalik sa jowa ng iba, mahiya naman siya sa'yo. Salamat."

"S-Salamat." Sagot nung lalaki. Nasa dulo na si Deanna at nakaupo. Hindi ko pa rin siya kinakausap. Nag thank you ako sa babaeng pinagbantay ko ng bag namin. Pagkakuha ko ng bag ay bumaba ulit ako.

"By, saan ka pupunta?" Takang tanong ni Deanna at sumunod pa sa akin.

"Babalik na. Gusto ko na umuwi." Sagot ko at hindi na siya hinintay na bumaba. Nang makarating ako sa isla ay agad akong lumapit sa bangkerong kasama namin. "Kuya, saan po may available na bangka na pwede na umalis ngayon? Mauuna na po sana kami."

"Ay dito po, Ma'am." Sagot niya. Tinuro niya ang bangka na katabi ng sinakyan namin kaya kinausap niya ito at pinasakay na ako. Naramdaman ko namang sumunod si Deanna.

Umandar na ang bangka at nakatulala lang ako sa dagat.

"Baby.." Mahinahong tawag nito sa akin. Naramdaman kong kumapit siya sa braso ko at sinandal ang baba niya sa balikat ko. "I'm sorry. Hindi ko alam na hahalikan niya ako, nagulat na lang ako bumunggo na siya sa akin kasi hinahabol siya ng mga aso."

"Ayoko munang pag-usapan, Deanna. Wala ako sa ulirat, ayokong magsalita dahil alam kong masasaktan ka kapag may nasabi akong hindi maganda. Gusto ko lang magpahinga muna ngayon. Okay lang ba yon?" Mahinahon ko din na sagot sa kaniya kaya malungkot siyang tumango.

Every Beat Of Your HeartWhere stories live. Discover now