Chapter Nine - Dazed And Confused

977 49 2
                                    












D E A N N A

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang liwanag naman, wala naman akong bintana sa kwarto ko ah?

Ah oo nga pala, nandito ako sa unit ni Miss Sungit. Nasa dulo kasi pwesto ng unit ko habang yung kanya naman ay nasa katabi ng akin dalawang unit lang naman kasi dito sa baba. Sa taas tatlo, kasama na yung unit ng landlord namin.

Idinilat ko ang mata ko para magising na ako nang tuluyan. Naabutan ko pang tulog si Miss Sungit-- teka, nakadamit ba to?

Inangat ko ang kumot-- at putcha! Bakit wala siyang damit?!

Shuta, ako din walang damit kahit isa!

Agad akong napaupo at kinuha ang unan ko para itakip sa katawan ko. Anong nangyari kagabi? Bakit pareho kaming walang suot? Ano bang ginawa ko jusko!

Inalala ko lahat ng nangyari kagabi. Umuwi ako, naghapunan kami, uminom kami ng alfonso, naparami inom ko, nanood kami ng series--

"Gusto ko ng dessert, Ivy."

"Bibigyan kita ng dessert.. tara."

"Putcha, Deanna Wong! Anong pumasok sa isip mo?" Inis na bulong ko sa sarili  ko. Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Pinagsamantalahan ko ang kalasingan naming dalawa, ang gago ko!

Nagulat ako nang mag-inat si Miss Sungit. Napakapit ako nang mahigpit sa unan na hawak ko. Dumilat siya at tumingala sa pwesto ko. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Y-Yung damit ko-- nasan yung mga damit ko?" Tanging tanong ko sa kanya. Para naman siyang nag-isip muna at maya maya'y napatingin sa akin bago sumilip sa loob ng kumot.

"Nasa labas, sa may sofa." Sagot niya. Tumayo na ako at hawak parin ang unan para takpan ang katawan ko. "Look, Deanna. I'm really sorry sa nangya--" Hindi ko na siya pinatapos dahil sinara ko na ang pinto at tumakbo para kunin ang mga damit ko. Agad akong nagbihis at tumakbo papunta sa unit ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihiya ako sa nangyari. Hindi ko maalala nang buo pero alam kong may nangyari sa amin. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at hinablot ang towel para makaligo na.

Buong araw kong inisip ang nangyari. Nagsabi ako kay Gel na hindi na muna ako papasok dahil masama kako ang pakiramdam ko. Nagkulong lang ako sa bahay ko at hindi ako nagtangkang lumabas. Ayoko munang magpakita kay Miss Sungit dahil nahihiya talaga ako sobra. Wala akong mukhang maiharap sa kaniya.

Hindi rin niya ako tinawagan pero nagtext siya sa akin kanina.

From: My Miss Sungit

I'm sorry. Usap na lang tayo kapag okay ka na.

Nagiguilty ako dahil ako dapat ang nagsosorry sa kaniya at hindi siya. Ako dapat ang nag-ingat na makagawa kami ng ganon dahil una sa lahat, hindi naman kami.

"Tol, nandiyan ka ba?" Napakunot ang noo ko at dumeretso sa pinto para pagbuksan si Bea. Bumungad sa akin ang malawak niyang ngiti at ang isang bag na hawak niya.

Pinapasok ko siya at sinara din ang pinto. Buti na lang malinis tong bahay ko. "Anong sadya mo, Bei?"

"Pwede ba ko dito, tol?" Tanong niya sa akin nang makaupo siya. "Nag-away kami ni Caitlyn eh. Ayaw niya kong pauwiin doon hangga't hindi pa siya kumakalma."

"Ano ba nangyari?" Tanong ko pabalik at naupo na din.

"Si Jho ang nangyari." Sagot niya kaya napaawang ang bibig ko. "Hindi ko naman alam na nasa bar pala kagabi si Jho kung saan tayo nag gig. Nagkamustahan lang kami tas nagulat ako kasi bigla niya akong hinalikan, sakto naman dumating si Cait kasi sinundo nga niya ako."

Every Beat Of Your HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant