Chapter Twenty - Good Heart

1.2K 64 19
                                    

















D E A N N A

"Sige, Bei. Punta na lang ako diyan bukas. Okay, salamat." at pinatay ko na ang tawag.

Tumawag kasi si Beatriz sa akin, may meeting daw kami kasama si Mrs. Jimenez yung may-ari ng bar. Ano kayang meron?

"Sir Deans, sino pong closing ngayon?" Tanong sa akin ni Eya. Tinignan ko naman ang sched sa phone ko.

"Si Jen ang closing ngayon." Sagot ko. Tumango naman siya sa akin. "Bakit, Eys?"

"Kailangan ko na po kasi umuwi eh, yung Mama ko po kasi sinugod ng mga kapitbahay namin sa hospital. Nakita daw po kasi nila sa kalsada walang malay." Nagulat naman ako.

"Hala eh bakit hindi mo sinabi? Sige na mauna ka na. Imessage mo ako bukas kung kailangan mo mag emergency leave ha?" Tumango naman siya. Pumunta na siya sa likod at kinuha na ang gamit niya. Nagpaalam pa siya sa akin bago lumabas ng store. Nag vibrate naman ang phone ko.

Tinago ko naman ang phone ko sa bulsa ko at sinukbit na ang bag ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinago ko naman ang phone ko sa bulsa ko at sinukbit na ang bag ko. "Te Ri, Gel, una na ko ha?"

"Ingat, Deans!" Bati nilang dalawa. Lumabas na ako at nakita agad ang sasakyan ni Miss Sungit. Bago ako makalapit ay naabutan ko pa si Eya na naghihintay ng masasakyan. Nilapitan ko agad siya.

"Kanina ka pa ba naghihintay dito?" Tanong ko. Tumango naman siya. "San ba hospital ng Mama mo?"

"Sa may San Lazaro po." Sagot niya.

"Malapit lang sa bahay ko yon, halika na sabay ka na namin." Aya ko sa kaniya. Sumama naman siya at dumeretso ako sa driver seat. "Lipat ka na, ako na mag drive. Isasabay ko lang si Eya ha? Nasa San Lazaro hospital daw kasi Mama niya eh malapit yun sa atin diba."

"Ay osige." Bumaba si Miss Sungit at lumipat sa passenger seat. Pinasakay na din niya sa Eya sa likod.

"Salamat po, Sir Deans. Pasensya na po sa abala kanina pa po kasi ako naghihintay ng jeep, wala pong dumadaan." Sambit ni Eya.

"Okay lang yon.. Eya? Eya ba?" At nakita ko namang tumango si Eya kay Miss Sungit. "Malapit lang sa bahay namin yong hospital eh."

"Magkasama po ba kayo sa iisang bahay?" Inosenteng tanong ni Eya.

Natawa naman si Miss Sungit at umiling. "Magkapit bahay kami ng Sir Deans mo. Nasa iisang compound lang kasi kami."

"Ganun po ba? Akala ko po mag-asawa kayo eh." Natahimik naman si Miss Sungit at tumingin bigla sa harap. Tinignan ko siya sa salamin at nakitang nagpipigil ng ngiti kaya natawa ako.

"Ano palang nangyari sa Mama mo, Eys? Bakit siya na hospital?" Tanong ko.

"Nakita na lang daw po siyang nakahandusay sa kalsada. Inatake nanaman po siguro siya ng sakit sa puso niya." Sagot ni Eya.

Every Beat Of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon