Chapter 12.2

1K 47 3
                                    

Ginawa ko naman, bumalik ulit ako sa kapital para puntahan ang Αρχαίο βιβλιοπωλείο ngunit wala na iyon dun, wala na iyon sa dati niyang kinatitirikan.

Sigurado naman akong tama ang lokasyon na pinuntahan ko ngunit tanging inabandonang gusali lang ang nakatayo d'un. Pinasok ko pa nga yun ang kaso ay walang laman, mga gamit lang na parang nasunog, makalumang gusali na animo'y tinupok ng apoy.

Nagtanong-tanong rin ako sa mga mamamayan roon kung may alam sila patungkol sa Αρχαίο βιβλιοπωλείο ngunit lahat sila ay tinatanggi na may nage-exist na ganoong bookstore, mapa-tindira, guard, o mamimili ay napagtanungan ko però pare-pareho lang ang sagot nila. Wari ko nga'y nawe-werduhan na sila sakin, buti na lang naisip kong ibahin ang aking wangis bago gawin yun kasi kung hindi, baka hindi lang sa pagiging mahina at boba makilala si Princess Shamara, pati na rin sa pagiging baliw.

'Angas naman ng mga titulo mo sa publiko, Princess Shamara.' insert the sarcasm.

Buong araw ang ginugol ko sa pag-iimbestiga sa Αρχαίο βιβλιοπωλείο, ngunit kahit pigain ko pa ang kapital, pati na rin ang utak ko ay wala talaga akong makuhang sagot. Ang tanging naisip ko lang ay sinadyang mapunta kami sa bookstore na yun, yun ang di ko mahanapan ng kasagutan.

'Sa anong dahilan kami sinadyang papuntahin dun?'

'Kami ba ang nakahanap sa tindahang iyon o iyon ang nakahanap samin?'

Bakit kasi nawala? Hindi naman maaaring panaginip lang yun dahil nasa akin ang dalawang libro na galing dun, patunay na nage-exist talaga ang Αρχαίο βιβλιοπωλείο.

But speaking of...

Dahil sa kawalan ng maraming impormasyon patungkol sa nawalang bookstore ay pinagtuonan ko na lang muna ng pansin ang dalawang libro na nakuha ko galing dun.

Oo nga't inaksaya ko ang lahat ng oras sa pagbabasa ng libro ay di ko parin nakalimutan ang pinanggalingan nun kaya nga inutusan ko si Asla na kapag sumapit na ang katanghalian, kung saan nasa ala-una na ang orasan ay pinapapunta ko siya sa parehong lokasyon. Ngunit palaging yung inabandunang building lang ang naroon, walang bookstore.

Malaki ang naitulong sa'kin ng mga libro, ang daming mahahalagang bagay at impormasyon ang nakapaloob dun. Ang kaso nga lang kakaiba ang mga librong iyon, kailangan ng sapat na enerhiya para makapasok dun nang sa ganun ay malaman ko ang nilalaman nun. Hindi ordinaryong way ng pagbabasa ang ginagawad sa mga librong yun, kailangan mo talagang pumasok sa loob.

Hindi naman kasama ang katawan ko sa pagpasok sa libro, tanging consciousness ko lang. Katulad sa nangyari sakin nung nakaraan, nung akala kong namatay ulit ako ngunit pumasok lang pala ako sa libro upang i-kwento sakin ang origin ng Clementine.

Kaya nga limang araw ang nilaan ko dahil kapag nanghihina ako ay kusa na akong malalabas at end up nun ay makakatulog ako dahil sa kawalan ng enerhiya.

Tapos na ako sa isang libro at wala akong problema dun kasi naintindihan ko ang mga nilalaman ng Τα πάντα για την Κλεμεντάιν na ang ibig sabihin ay All about Clementine. Habang ang Ισυχύρος μαγεία na ang ibig sabihin ay Isychyrós Magic ay madami pa ang pahinang hindi ko natapos, malaki pa naman ang maitutulong nun sakin dahil yun ang kapangyarihan ni Princess Shamara.

Tatlong araw akong nasa loob ng Τα πάντα για την Κλεμεντάιν at natapos ko na ang nilalaman ng librong iyon. Habang sa Ισυχύρος μαγεία ay dalawang araw palang, dalawang kapangyarihan palang ni Princess Shamara ang napag-aralan ko, mas malakas at mas madaming enerhiya kasi ang kailangan kapag pumapasok ako sa librong iyon. Napag-alaman ko rin na bawat kapangyarihan ni Princess Shamara ay may pinagmulan, kung bat ito nagawa at saan ito unang nagamit kaya nagawa ang kapangyarihan na yun.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTERWhere stories live. Discover now