CHAPTER 9:1

1.2K 74 2
                                    

Shamara Hartley Luxantrixxe POV

As I stepped in the grand hall, their laughter 'the so called-royal blooded (Prince and Princess)' has filled my ear, nadagdagan nun ang pandidilim ng paningin ko.

Hindi ko alam kung mga ignorante lang sila, na walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid nila o wala lang talaga silang pake sa sinasakupan nila.

'Yeah. They are indeed a royal-blooded, a useless royalties.'

Napansin ko pang nabaling ang tingin ng mga Prinsipe at Prinsesa 'kuno' sa'kin ngunit di ko na sila pinagkaabalahang balingan ng tingin, they are not worthy of my attention afterall. Nag-diretso lang ako sa taas, sa meeting room ng Hari o ang tinatawag na Kings Chamber.

Napansin ko kasi na ang mga 'Ginagalang at hinahangaang Prinsipe at Prinsesa' lang ang nandito, nagsasaya na parang walang naganap na gulo. Kaya naisip ko na baka nasa taas ang mga Hari at Reyna, kung ano man ang pinagpupulungan nila o ginagawa ngayon, wala na akong pake dun.

'Gusto ko lang isampal sa Hari ang pagiging walang kwenta niyang pinuno kaya susugurin ko siya sa mismong kaharian niya.'

I've been thinking this as I make my way to the empire... Is the King underestimated the Hydraux? Or its just, that his trust to his armies is just top-notch that he leave alone his duty to them?

'Tsk! Whatever his reason is, wala parin siyang kwentang Hari!'

Masiyadong malakas ang Hydraux, oo nga't maraming sundalo siyang ipinadala sa Sentro ngunit di sapat yun. Dapat siya mismo o kung sino mang mas malakas na tao ang ipinadala niya dun, kung sana yun ang nangyari edi sana mas kaonti ang casualties.

'It's a Hydraux for f*cking sake!'

Mabuti na lang talaga at tinutulungan ako ng boses sa isip ko, kung wala ang boses na yun ay paniguradong patay na ako ulit at mas worse ay nabura na sa mapa ngayon ang Sentro ng Luxantrixxe Kingdom.

'Masiyado silang kampante, tangina nila!'

Walang katok-katok kong binuksan ang pintuan ng pakay kong kwarto, ang King's Chamber. And there they are, they are seriously talking about something that I don't have a f*cking care.

This chamber is a meeting room, as I say a while ago. Gusto ko sanang puriin ang magandang pagkakagawa ng sildang ito, he is a great engineer kaso hindi ito ang tamang oras para dun.

Naagaw ko naman ang atensiyon nila, lalo na ang Ama ni Princess Shamara na napakunot ang noo ngunit nung matitigan ang blangko kong mukha ay napalitan yun ng seryosong tingin. Naka-upo sila sa napaka-eleganteng muwebles na upuan, ang ama ko ay nasa dulo ng mesa at sa magkabilaan ng eleganteng muwebles na mesa naka-upo ang iba pang Hari.

Honestly, they are all intimidating at ang mga Hari lang pala ang nandito. Probably nasa tea chamber ang mga Reyna, wala naman kasi sila sa grandhall kung saan nandoon ang mga anak nila. Except sa Reyna ng Luxantrixxe Kingdom na ina ni Princess Shamara, kasi for you to know, di ko alam kung nage-exist ba ang Reyna ng Luxantrixxe Kingdom, di ko alam kung buhay ba siya o patay na. Hindi ko kasi nakita ang ina ni Princess Shamara sa memorya niya, ni dito sa kaharian ay hindi ko pa siya nakakasalubong man lang. Isa rin yun sa inaalala ko but for now, let's go back to the real business.

Their darting stare never leave me, mga Hari nga sila, ang lalakas ng awra nila na nagsusumigaw ng authority. And me, being Shamara Lopez ay hindi ako nagpatalo sa awra nila, bagkus ay mas binigatan ko ang dala-dala kong maitim na awra. Nakipagsukatan rin ako ng tingin sa mga nakakapanindig balahibo nilang tingin, lalo na sa ama ko 'daw' na halata ang pagka-disgusto sa inaasal ko.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTEROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz