Chapter 13.2

935 53 4
                                    

"Hoy Shamara gumising ka na, bugok!" agad akong napabalikwas dahil sa istorbo sa pagtulog ko.

"Tanga, gumising ka na sabi! Laway mo tumutulo na tulog ka parin, pangit mong bu---." I clicked my tongue and then pagalit na pinatay ang alarm clock na nasa bedside table ko.

'Tangina! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at yun ang ginamit kong alarm?'

Yeah, alarm clock ko. Nakabalik na kasi ako sa mundo ng mga Earth--di joke, di ko rin alam kung saan yan napulot ni Asla. Siya nagbigay niyan sa'kin noong nakaraan, para daw di palaging pagtulog ang ginagawa ko. Siya rin ang nagsabi sa'kin na may ganung feature ang alarm clock yun, parang alarm clock sa earth lang. Pinagkaiba lang ay mahika ang nagpapagana dito hindi baterya o kuryente.

At ang boses nung animal na mapanglait sa'kin ay boses ni Asla. Ako talaga ang gumawa ng script na ni-record ko bilang alarm clock, napilit ko lang talagang si Asla na iboses yun.

'But now, I'm regretting.'

Trip ko lang talaga yun at wala akong balak na gamitin ang alarm clock na yun. Nawala na rin kasi sa isip ko na yun ang naka-record sa alarm clock na yun dahil sa pagkaantok, inaantok na kasi ako kanina at inaakit na ako ng kama kaso kailangan kong magising kapag sumapit na ang hatinggabi para sa gagawin kong plano. Wait...

'Plano?' napatingin ulit ako sa alarm clock ko at nanlalaking mata akong napamura nung makita ko ang oras.

"SH*T!" mabilis akong tumayo at sinuot ang gawa sa fur na pantulog kong tsinelas.

Kinuha ko rin sa kabinet ng bedside table ang katas ng Alethia na dinikdik ko kanina bago ako matulog. Hindi na rin ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil komportable naman ako sa damit ko na kanina ko pa suot.

Maingat at tahimik akong lumabas sa kwarto, napakatahimik na rin ng pasilyo. Paniguradong tulog na ang lahat ng mga katulong maliban sa ilan, na siyang magbibigay sa mga kawal ng pagkain. Base kay Asla, ang huling beses ng mga katulong na naka-aasign sa pagse-serve sa mga kawal ng pagkain ay tuwing hating-gabi, pagkatapos daw nun ay matutulog na sila at sa pagsapit ng 5 a.m. na ulit sila magse-serve ng pagkain.

'My plan will fail if I choose 5 a.m. .'

Maliban sa halos lahat ng tao sa palasyo ay gising na sa mga oras na yan, mahuhuli kaagad nila ako at madadamay si Asla, lalo na't palaging maaga yung napapadpad sa kwarto ko.

Sa pagliko ko sa isang pasilyo ay mabilis akong nagtago sa makapal na kurtina na nakaratay dito nung makita ko ang dalawang kawal na papunta sa direksiyon ko. Hindi maaring mahuli nila ako dahil mauubos lang oras ko sa pagsagot ng mga posible nilang itanong kung bat gising pa ako sa mga oras na'to. Hindi ko na maabutan ang katulong na magse-serve sa dalawang kawal na nagbabantay sa kwarto ni Prince Shaun kapag nangyari yun.

Nung makalagpas na sila sa'kin ay dahan-dahan akong naglakad-takbo sa madilim na pasilyong papunta sa kwarto ni Prince Shaun. Sinadya ko talagang dito dumaan dahil madilim, ang tanging nagbibigay liwanag lang dito ay ang nakalutang na gawa sa mahikang apoy sa bawat pader. Metro-metro ang layo nila ngunit sapat na upang bigyan ng mumunting liwanag ang madilim na pasilyo.

'I need to hurry, I only got 1 hour before those guards cameback.' mabuti sana kung diretso na ako sa kwarto ni Prince Shaun kaso may dapat muna akong gawin.

Isang liko na lang at nakarating na ako sa pasilyong kinatatayuan ng kwarto ni Prince Shaun. Mabilis ko ring hinarang ang daanan ng katulong na alam kong ang mga kawal na nagbabantay kay Prince Shaun ang pakay. Buti na lang at nasa may hagdan pa siya, malapit ko na siyang di maabutan, lalo na't metro na lang ang layo namin sa kwarto ng Prinsipe.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon