Chapter 12.1

1K 45 0
                                    

Shamara Hartley Luxantrixxe POV

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin talaga ang nangyari sa 'Αρχαίο βιβλιοπωλείο', iyong makalumang aklatan na puro mga ancient book ang laman. It's already been 1 week  when I thought I died again, 1 week and 3 days na ang nagdaan simula nung ma-suspend ako sa C.A.

Sa isang linggo ng yun ay wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto ko, nilaan ko lang ang limang araw ko sa pagbabasa ng dalawang nagkakapalang libro na galing sa Αρχαίο βιβλιοπωλείο, yung  dalawang libro na nasa akin na nung maka-labas kami dun.

***Flashback***

"Hmmmm~"

Nagulat ako nung bigla na lang may nagsisigaw.

"Oh my ghad! Shamara, I'm glad you're already awake. You've been asleep for whole 3 days! Are you okay? Are you hungry? Do you want water? Are you really awake? Am I not dreaming aga---?"

"Ssshhh, my head hurts. You're so noisy." dahan-daahan akong umupo mula sa pagkakahiga, naramdaman ko naman ang pag-alalay sa akin ni Asla.

Nung maka-upo ng maayos ay mariin kong hinawakan ang noo dahil masiyadong kumikirot sa parteng iyon.

Tatlong araw daw akong tulog ngunit parang di pagtulog ang ginawa ko, para akong binugbog, parang naubos ang enerhiya ko sa di ko mahanapan ng dahilan.

Pero parang may nakakalimutan ako.

"Wait, Miss. I'll get you a drink." naramdaman ko ang paglabas niya na pinabayaan ko na lang dahil umiikot rin ang paningin ko.

'Tangina! Ano bang nangyari bago ako magising? Sabi natulog lang daw ako---Wait, natulog?'

Sinubukan kong alalahanin kung ano ba talaga ang nangyari sakin ngunit natigil rin nung may nag salita sa utak ko.

'You lost a lot of energy, rest well child, you need it.' it's the voice of the Goddess whom the reason why I'm hear.

Naramdaman ko ang isang masarap at malambot na pwersa sa noo ko animo'y may humawak dun.

'Sleep well, child.' kasabay nun ay unting-unti akong nakatulog ulit dahil sa parang pinalutang ako sa cloud 9.

***

"Sigurado po talaga ako, nagising na siya kagabi ngunit pagbalik ko natutulog na ulit siya. Di ko na lang uli po siya ginising dahil halata na masarap ang tulog niya."

Mumunti na tinig lang ang naririnig ko, hindi ko rin masiyadong marinig ang nag-uusap-usap na sa tantiya ko ay nasa labas ng pintuan.

"Sige po, ako na pong bahala sa Prinsesa. Makakaasa po kayo."

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto nitong kwarto, naramdaman ko rin ang unting-unting paglapit ng kung sino mang pamilyar na awra sa akin.

"Hayyysstt. Sana naman pag nagising ka ulit Miss ay di ka na naman makatulog, wala ka pang kain, baka gutom ka na." masiyadong malambot ang tinig niya, totoo nga ang ang pag-aalala sakin ni Asla.

'Katulad lang siya ng Ina niya, pinapahalagahan nila pareho si Princess Shamara.'

Ang swerte mo parin talaga Princess Shamara dahil meron dalawang tao ang tunay na nagmamahal sayo, di tulad ko---But yeah, nevermind.

Ramdam ko na mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon, di tulad nung una kong paggising na para akong hang-over. Magaan na ang pakiramdam ko at alam kong kaya ko ng tumayo.

"Good morning, Asla." masigla kong pagbati kay Asla na napatalon pa dahil sa gulat dahilan ng paghagikhik ko.

"Ghad, miss! Papatayin niyo ba ako sa gulat?" napailing na lang ako at nilahad ang kamay sa kanya.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon