Chapter 11.1

1.1K 49 1
                                    

Shamara Hartley Luxantrixxe POV

"In the Tractatus Cosmic Web, where billions of galaxy are present, a lonely goddess were born. Seeing her co-gods happy with their own galaxy, she decided to make one."

Naalimpungatan ako dahil sa tinig na parang nagbabasa ng libro sa kung sino man. Tumama ang mata ko sa isang liwanag kaya napapikit ako uli, nung makapag-adjust ay tuluyan ko nang minulat ang aking mga mata.

Bumungad sakin ang mga ilaw na nakapalibot sakin, mga galaxy, ang pinagkaibahan lang ay yung iba may sariling solar system, yung iba naman ay ilang planeta lang ang nakapaloob, animo'y may sariling dimensiyon at kayang tumayo kahit nag-iisa lang. Kasing laki sila ng aking kamay, iba-iba ang desinyo, hugis at kulay ngunit masasabi mong pare-parehong mahihiwaga.

Para akong nasa loob ng cosmic web na napupuno ng mga kumikinang-kinang na galàxies. 

'Is the multiverse theory actually true?'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'Is the multiverse theory actually true?'

Ang kaninang may kalakihang mga galaxies ay bigla na lang lumiit dahil nagkumpulan sila at naging isang bilog, sa pagkakaalam ko ay cosmic web ang tawag diyan? Ang gandang tignan.

'But why I am here? The last thing I remember is---Oh shit!'

Patay na ba talaga ako? Na naman?

'But why I am here?'

Hindi ba langit dapat ang bubungad sakin? Però bat nga galaxy 'to? Is this the real heaven?

'Aish!' pinagsawalang bahala ko na lang muna at nilibot ang tingin sa paligid.

'Ang dilim' ang cosmic web na lang ang tanging nagbibigay liwanag sa kadilimang kapag suyurin mo ay walang patutungohan.

Ngayon ko lang rin napansin ang guhit na pumapalibit sa cosmic web, para itong isang magic circle. Ngunit kakaiba ang guhit niya, hindi pamilyar sakin, hindi katulad ng mga nakikita ko sa media.

Pinagmasdan ko iyon ng maigi at dun ko lang napansin ang parang katawan ng puno ang nasa baba nito, animo'y ang magic circle na kinapalooban ng cosmic web ay ang pinaka puno nito.

Dahil sa kuryusudad ay sinubukan kong abutin ang iyon ngunit napatigil sa ere ang kamay ko nung may nagsalita na naman. Tanging boses lang ang naririnig ko, wala akong makitang tao, ako lang at itong mahiwagang puno lang ang nandito sa kadilimang ito.

"Clement, a world created by Goddess Hyacinth. ×*×*× B.C. when Goddess Hyacinth decided to build this world. Her original reason of building this world is to be her Haven."

Nagliwanag ang kabuoan ng mahiwagang puno at kasabay nun ay ang paglabas ng pulang liwanag sa harap ko. Tinitigan ko lang kung ano ang unting-unting nabubuo dun, hindi ako kumukurap dahil ang ganda niyang pagmasdan habang sumasayaw-sayaw, animo'y iyon ang paraan para mabuo ang nais niyang buoin.

REBIRTH: THE VILLAIN'S SISTERWhere stories live. Discover now